"Tol, gising na" nagising ako ng naramdaman ko na may yumoyugyug saking balikat,hanep na yan distorbo makakatikim talaga to sakin."Putang---"hindi ko natapos Ang aking sasabihin ng makita ko ang mukha ng aking mga kaklase na nakatingin sakin.
"Good afternoon miss Ferrera, Buti naman nagising karin! Musta panaginip mo?" sarkastikong sabi ni miss perez,ang masungit na guro at kinakatakutan ng mga estudyante sa paaralang ito. "Ang galing malapit na uwian pero uuwi ka ng walang natutunan,sana di ka nalang pumasok at natutulog ka nalang sana sa inyo.nagsasayang kalang ng pera na pinapabaon sayo ng iyong magulang" dagdag pa nitong sabi. tsk..kung di lang ako graduating this year kanina pa ako lumabas dito.
"Pasensya na po ma'am,di na mauulit" sagot ko sa kanya,ayaw ko ng magpaliwag nakakapagod din mag explain no. Lalo na't di naman valid yung reason ko kung bakit ako inantok sa klase niya. Ang boring rin kasi niya magturo nakakaantok pakinggan.
"Talagang di na mauulit miss Ferrera,baka nakalimutan niyong nasa tip lang kayo ng ballpen ko" ma'am alam na po namin yan,hayst paulit -ulit sinasabi
"Tol,ano ba kasi ginawa mo kagabi!" Tanong sakin ni ash na may pagtataka ang mukha.
"tsk..wala" ayaw kung sabihan sa kanya na naglalaro ako ng cod,dahil magagalit nanaman to sakin dahil hindi ko siya ininvite. Mahaba habang paliwanagan nanaman Ang magaganap. Grabe pa naman to kung mag tampo parang isang buwan kang hindi papansinin.
"Alam mo tol,paano kaya kung gagala tayo ng mall.Total matagal-tagal tayong di nag bonding " excited nitong sabi,nagbabakasyon kasi siya sa cebu kaya di kami nakapag gala nung sembreak.
Nag-iisip pa ako kung sasama ako sa kanyang
"Hay Nako...alam ko na yang iniisip mo! Cge na libre kita" dahil sa sinabi niya ay mabilis pa sa alas kwatro ay lumakad na ako palabas ng classroom namin. Libre nayan e,aayaw ka paba?
"Hanep ka talaga tol" sigaw nito mula saking likuran. HAHAHA offer ka kasi ng offer ayan panindigan mo (smirk)
Papasok na kami ng mall nitong si ash,at kagaya ng dati na kapag pupunta kami ng mall ay ice cream kaagad ang hinahanap ng aking mga mata. Sakto dahil sobrang init ng panahon ngayon. Alas 4 na ng hapon pero matindi parin sinag ang ng araw.
Nagiikot lang kami dito sa loob ng mall,paakyat tapos baba ulit para kaming mga tanga dito. At talagang hindi pa gagamit ng escalator kasi elevator yung gustong gamitin.
Oh Diba,ang tindi ng mga isip namin. Tamang pa aircon lang kapag naiinitan tapos magiikot ulit tingin tingin sa mga mamahaling presyo ng damit na akala mo'y ayaw ng ipabili nahihiya tuloy yung bulsa ko sa presyo dae.
Itong namang si ash kapag pupunta ng mall hindi siya katulad ng ibang babae na bili ng bili kung ano yung magugustohan. Siya dibali ng maubos yung pera sa pagkain wag lang sa mga bagay-bagay.
Iwan ko ba ang takaw niyang Kumain di naman tumataba. Ang sexy pa nga niya e tapos maganda din kahit hindi naka make maputi at makinis yung balat.
"Bruha pagod nako" reklamo nito habang hinimas himas pa ang kanya tiyan,kanina pa siya lamon ng lamon ng shawarma. Siguro pang-apat na niya tong kinain niya ngayon.
" Hindi halatang matakaw ka,parang kulang pa yang hawak mong shawarma" pang aasar ko sa kanya.
"kasalanan mo to e,tulog ka kasi ng tulog di tuloy ako nakapag snack kaninang alas 3" pagmamaktol nito.
BINABASA MO ANG
Destined By Love GxG(On Going)
Teen FictionDalawang babae na pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon.kakayanin kaya nila ang mga pagsubok na kanilang haharapin? How many times do I need to repeat it just to show you that I really love you, but why are you so numb and you don't feel it? I...