Chapter 2 Gossip

6 1 0
                                        

Habang nag lalakad kami ni Keith papunta sa room ramdam ko ang pag hawak nya sa kamay ko.ang kulit talaga nya sinsbi na ngang hindi ako nagagalit o nakakaramdam ng lungkot dahil nga may sakit ako pero alam ko pa din na gusto nyang humingi ng sorry.

hindi ko iyun pinansin at nag-patuloy ako sa aking pag lalakad dahil baka mahuli kami sa class.Sa sobrang pag mamadali ko ay nalaglag yung mga dala kong lessons .

Pinulit ko kaagad yun pero nahawakan ko ang kamay ni Keith dahil tinangka nya akong tulungan.

"Ako na!"
Utos ko sa kanya.

Tumayo sya at inantay nalang nya akong matapos sa pamumulot.

Pagtayo ko hindi inaasahang muntik ko na syang mahalikan.Dahil naka tungo pala sya at inaantay nya akong matapos sa ginagawa ko.

"Ai s-sorry hindi ko sinasadya .....hehe"sabay ngumiti sya ng nakakkaloko.

"Kulit ko kasi ehhh hehehe!"he added
then he smile again.

Hindi ko yun pinansin at naglakad...napansin ko na nakahawak padin ang kamay nya sa kamay ko kaya agad akong kumawala.Dahil alam kong pag bubulungan nanaman kami nang mga babae sa section namin.Pero huli na ang lahat dahil nasatapat na pala kami nang room ng mga babae.

[Malandi din pala sya]

[Swerte naman nya ]

[Ang kapal]

[Mang aagaw]

[Kabago-bago pa lang lumalandi na]

Sunod-sunod nilang bulungan habang masama ang tingin nila sakin na para bang gusto nila akong ibaon nang buhay.

Akala siguro nila madadala nila ako sa sama nang tingin nila hunmm...sinabi na nga na hindi ako nakakaramdam ng takot ihh ang kulit!

Aakitin ko na sana si Keith pero wala na sya sa kalapit ko.bigla nalang nag laho nang parang bula.

Mag lalakad na sana ako pero.......

Biglang may humatak sa buhok ko at sobrang sakit.sinubukan kong lumingon para tingnan ang pag mumukha na humatak sa buhok ko pero di ko magawa dahil sobrang higpit ng pag kakahawak nya sa aking buhok.

Alam kong isa sya sa mga babae na nag-bubulungan tungkol sakin kanina pero hindi ko sya mamukhaan dahil hindi ko maayus na makita ang kanyang mukha.

Sinasabunutan nya ako at bumulong sakin.

"Stay away from Keith or else....... I'll make you away from him!!!"
Pagkasabi  nya non alam kong gigil na gigil sya sakin .Dahil mas lalong humigpit ang hawak nya sa aking buhok.

"Why would I do that?"
Walang reaction kong tanong sa kanya.At dahil dun ay lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko .

Maya-maya naramdaman kong bumitaw sya sa aking buhok .Nakaramdam din ako nang mabigat sa presensya sa aking likuran nang tingnan ko iyun.....

Nakita ko ang takot na takot na mukha nung babaeng maldita.
Buti nga sa kanya.

Hawak-hawak sya sa kamay nung lalaki.Yung lalaki na nakita ko kanina sa library.Yung "Nerdy looking guy".

"DON'T  YOU DARE HURT HER OR ELSE...... I'LL END YOU!!!!!"
Sigaw nya sa babae.

Nakatingin lang ako sa kanila at kitang kita ko yung pa-ngi-ngilid nang luha nung babae sa mata nya .

Halos umangat na din yung paa nya sa sahig dahil hinawakan sya nung"Nerdy looking guy" sa collar at isinandal sa pader sa may kaliwang bahagi ng pinto ng room nila.

Matapos ang matalim na titig na ibinigay nung "Nerdy looking guy " ay binitawan na nya ito at unti-unting kumalma.Pero na ngi-nginig sa takot itong babae.

"Don't ever do that again!!"
Malumanay pero ma otoridad na sabi ni "Nerdy looking guy"sa babae.

Pinapasok na nya yung babae.Papasok na rin sana ako sa room pero bigla nya akong hinatak.

Basta ang alam ko papunta kami sa field kung saan walang tao.

Habang tumatakbo sya at hilahila ang braso ko ay wala manlang pasabing tumigil sa kaya natumba ako sa kanya. At napayakap.

Buti nalang walang nakakita samin.

Dali dali kong tinanggal ang pagkakayakap sa kanya at lumayo ng ilang metro sa kanya dahil alam kung may sasabihin sya sakin kaya nya ako dinala dito sa field.

Walang imosyon ko syang tinanong.

" bat moko dinala dito? "Tanong ko .

" kilala ko si Gladys Padua Hindi sya titigil hanggat hindi nakakaganti sayo! "

"Kaya sa ayaw at sa gusto mo ihahatid ka namin mamaya ni Keith! " he added.

Tatanggi sama ako pero kasama naman daw si keith... Ang weird kase kung sya lang mag hahatid sakin pano ba naman  ihh hindi ko panga alam pangalan nya.

"A-ano nga pala panga... " hindi ko na natapos ang aking itatanong dahil tinangpan nya ang aking bibig gamit ang kanyang kamay... Hindi ang kanyang hintuturo.

"SHIT! " malakas na sigaw ko sa aking isipan.

"Kean Hanji  Louxur! "He said then he walk away.

"Wow nerdy nya tingnan pero ang angas ng pangalan nya"

Naiiirita ako at the same time ay namamangha sa pangalan nya.

"Wait.... Wait.... No way..... Ako na iirita.... Namamangha.... No way   ... No fvcking way?!! "

Hindi ako makapaniwala  sa nararamdaman ko  pero bigla itong nawala.

Bumalik sa pagiging walang buhay ang aking presensya pati narin ang aking mga mata.

Tumingin lang ako sa kanya habang sya ay nag lalakad papuntang room.

Sumunod narin ako dahil baka malate pa ako.

Sa kalagitnaan ng walang buhay kung pag lalakad kasabay non ay ang pag bubulungan at pag titinginan nila sa akin.

"Balita ko nakita daw sila ni Shasha na magkahawak kamay ni Keith! "

"Oo nga ehh sabi nga sakin ni Aika"

"Mas malala yung sakin nakita ko sila ni Hanji  sa field at ang matindi panon nakita ko sya nakayakap kay Hanji! "

Tumingin lang ako sa kanila at nag lakad diretsyo sa room alam ko naman na masama nanaman yung tingin sakin nong Gladys nayun.

"Kapal naman ng make up mukang clown"

Pag pasok sa room ay agad akong umupo sa aking set at tinanong si keith.

"Kei.... "

"Hindi na natuloy ang klase  may meeting daw sila ehh! "  he said while smiling.

"Lagi nalang hindi matutuloy ang sasabihin ko ahh ano ba sila mang huhula at alam nila kung ano itatanong ko? "

Yun ang last subject namin kaya pagka ring ng bell gaya ng usapan sasabay ako kila Hanji.

Alam ko naman na nauna na si Rex ehh at alam ko din naman na hindi na ako masusundo ng driver ko kase nga umuuwi yun sa kanila tuwing alas tres.

Sabi nila umuna na daw ako samay parking lot at dun mag hintay dahil naandon daw ang kotse ni Hanji .

Basta ang bilin nila sakin ay wag daw akong umalis dahil baka may mangyaring masama sa akin.

Bawat studyante na lumalabas ay nag bubulungan habang nakatingin sakin ang iba naman ay tinitingnan ako ng masama karamihan sa kanila ay mga babae.

Love Beyond BoundariesWhere stories live. Discover now