Kinakabahan yan ang kadalasang nararamdaman ng mga students na lumilipat ng paaralan ngunit ang isang babae na nag ngangalang Jennie Flourence o mas kilala bilang jen ay hindi manlang nakaramdam ng takot o pangamba sapagkat sya ay lilipat na ng paaralan dahil sa kanyang karamdaman
Ngunit dahil sa taong nakilala nya sa paaralan na nilipatan nya nabago ang lahat.
Transfer
Jennie's Pov
Imbis na kabahan ako o matakot dahil lilipat na ako sa ibang paaralan pero wala manlang akong naging reaction.
Hindi katulad ng normal na tao ay hindi ako nakakaranas ng mga expressions at ito ang karamdaman na matagal ko ng dinadala mula noong ipanganak ako.
"Jen honey .....bilis na "
"Ma l-late kana sa bago mong school"
Sabi ni Aunt Kathy.
"Malapit na po mag bibihis nalang"
Walang reaction kong sagot dahil hindi ko naman alam ang pakiramdam na ma l-late kana .
Bakit nga ba ako pinalipat ni Aunt Kathy ng school ?Dahil nakaranas ako ng bullying sa dati kong school pinag sasamantalahan ako ng mga students dun dahil sa sakit ko binu- bully nila ako at kaya na din ako inilipat dahil ilang beses na akong muntik mamatay sa dati kong paaralan ng dahil sa bullying nanaranasan ko doon.
"Oh jen anjan kana pala"
"Kumain kana muna ohh"
Sabay abot nya sakin ng pagkain na inihanda ng mga maid.
"Jen pagkatapos mo jan ipapahatid nalang kita sa driver mo dahil hindi na kita maiihatid at may pupuntahan ako"
Sabi nya na may pagka-dismaya na sana ay nararamdaman ko din.
"Ayus lang po auntie"
Sagot ko habang ngumunguya ng pag kain.
"Mom alis na ako bye"
Singit ni Rex sa aming usapan sabay labas ng kusina.
"Haiisst.....kilan kaya mag babago ang tingin sayo ng pinsan mo"
"Aunt Kathy alis na po ako"
Walang buhay kong sagot sa kanya.
"Sige ipapaligpit ko nalang sa maid yang pinag kainan mo,at mag toothbrush kana pagkatapos ay mag pahatid kana sa driver mo ha"
Magiliw nyang sabi sakin.
Pumunta ako sa sala para mag toothbrush at pag katapos ay pumunta muna ako sa kwarto ni Aunt Kathy para mag paalam at niyakap kona din sya.
Mahirap mang isipin sa inyo pero pinilit kong makisama sa mga tao sa paligid ko.
"Mag iingat ka jen ha at kung may problem ka tawagan mo lang ang tita ,lagi mong tatandaan na lagi lang akong naito!"
Magiliw nyang payo sa akin.
Si Aunt Kathy lang kasi ang nag paka nanay sakin sya ang bunsong kapatid ni mom at habang si mom ay nasa japan inaasikaso ang kanyang business sa kanyang company.
Pagkapasok ko sa kotse nakita ko si Rex.
Akala ko umalis na sya
"Such a robot"
Narinig kong bulong nya.
Alam ko naman na may sama sya ng loob sakin dahil sa kondisyon ko napansin ko kase na simula nung lumipat sila ni Aunt Kathy sa bahay ay nag bago ang tingin nya sakin alam ko naman ang dahilan dahil napapansin nya na ako nalang lagi ang naiintindi ni Aunt Kathy kaysa sa kanya di ko naman sya masisisi dahil sya yung anak ni Aunt Kathy.
YOU ARE READING
Love Beyond Boundaries
RandomA girl who fell inloved to her brother's bestfriend(A/N:this story is inspired by Hidden love My Favorite C-Drama😉)
