Right Love,Wrong Time

6 0 0
                                    

...

Hi baby i wrote this because i missed you,i missed you so badly..

Sabi mo wag muna akong magtext kasi darating siya sa bahay niyo,labag man sa loob ko pero kailangan kong sumunod,naisip ko.. isang araw lang naman eh,so i guess it won't matter.

But i was wrong..

Wala pang halfhour namiss na kita pero wala akong magawa nasa piling ka niya eh.. sa tunay na nagmamayari sayo,alangan namang maginarte ako.

Wala akong ginawa kundi ang magpagulong gulong sa higaan. Sabi mo kasi pag umalis na siya magtetext kana. Bigla ko tuloy naisip..

What if maging sooobrang ok na kayo ulit paano na ako?

What if the feeling between the both of you would be mutual again?

Baka itapon mo nalang ako after all siya naman talaga at hindi ako..

Iniisip ko palang nasasaktan na ako. Di ko nga alam ba't ako sumabak sa ganitong sitwasyon kahit alam kong bawal. Basta ang alam ko mahal kita pero ang sakit lang at ang hirap mong mahalin.

Kailangan ko magtiis makausap ka lang. Baby di ko talaga alam kung anong mangyayare if dumating na yung point na kinatatakutan ko yung point na sobrang mahal na mahal pa kita ikaw bumitaw na kasi meron kang siya na mahal ka rin. Alam ko naman na may katapusan din 'to alam na alam ko  ..

Hay... alam ko ang tanga ko,pero hindi ko itatanggi na nagiging masaya ko sa pagpapakatanga kong 'to,sa totoo lang andami dyan pero ikaw ang pinili ko.. wala eh sayo pinatibok ang puso ko.

Know what? i-enjoy ko nalang muna ang feeling hangga't andito pa,diko muna iintindihin ang future. Bahala na.. bahala na talaga ..

Mawala ka man sa akin atleast i have memories that you and i had shared..

Fudge ang hirap naman nito sabi mo sayo lang ako, paano naman ako?ni hindi ka nga akin eh..

Mahal kita shet ang corny ko na.. not so me promise.

Basta pag ayaw mo na magsabi kana kasi baka nakikihati na nga ako maging one sided love pa kasi ako nalang ang nagmamahal..

Gusto ko maging honest ka masaktan man o magalit ako huh.. wag mo ng intindihin ang feelings ko kaya ko na and im already used to it..

Basta baby huh magsabi ka..

Sa larong ito alam ko simula palang talo nako pero nakipaglaro pa din ako ..

Alam ko masasaktan ako pero tinuloy ko pa din ..

Alam ko walang patutunguhan pero tinuloy ko pa din..

Masokista?

Hindi baby minahal lang talaga kita at hindi ako nagsisisi,magsisisi at never kong pagsisisihan.

Basta i-enjoy ko nalang kung anong meron sa atin..

Mahal na Mahal kita lagi mong tatandaan yan though hindi ko maamin sayo atleast alam mo sa sarili mo...

Hindi ako corny alam mo yan pero para sayo...

Handa akong maging popcorn ng buhay mo♥..


This Thing Called FEGEBEGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon