◍KABANATA 5

142 2 4
                                    



Dumating na ang linggo at eto ako ngayon nag hahanada na, hindi ko mapigilang titigan ang sarili ko parang hindi ako ito, nakasuot ako ng maroon dress pinaresan ko ito ng black pointed heels, lahat ng ito  ay galing kay Owen. Pinag talunan pa namin ito kahapon dahil pumunta ang secretary niya dito sa bahay at inabot ito sakin kaya agad ko siyang tinawagan ang sabi ko sakanya ay 'di na kailangan pero mapilit siya at wala na akong magawa.



"Nako ma'am! mas lalo kang gumanda!" papuri sakin ng bading na nag ayos sakin.



At hindi lang dress at heels ang pinadala niya sakin dahil kanina may nag tatawag sa labas ng bahay namin at sinabing pinadala sila ni Owen para ayusan siya, isang mag m-makeup sakin at mag aayos ng buhok ko.



"H-hindi naman" nahihiyang sinabi ko sakanila.



Tinignan ko ulit ang ayos ko sa salamin light make up lang ang ginawa sakin dahil sabi nito sakin ay maganda naman na ako at kailangan lang daw ilabas lalo, at ang buhok ko ay nakalugay at kinulot nila.



"Sige ma'am mauna na kami." paalam nila sakin.



"Sige, ingat kayo." sabi ko sakanila.



Hindi ako sanay sa suot ko ngayon, nag d-dress naman ako pero hindi yung ganto, kita ang cleavage ko!



"Wow ate! ang ganda mo!" sabi sakin ng kapatid ko pag labas ko ng kuwarto.



"Epal! mang aasar ka lang e" irap ko dito.



"Anong oras ka aalis Ella?" tonong sakin ni Nanay.



"Ang sabi sakin ni Owen ay 8pm ay susunduin niya na ako." 



Naikwento ko na si Owen kina nanay, ganon ako kalapit sakanila wala akong sinisekreto saknila pati nga ang pagka crush ko kay Owen ay sinabi ko sakanila at ng tatay ko ay inasar nanaman ako.



Mga ilang saglit lang ay may narinig akong bumusina at sabay tunog rin ng cellphone ko, nang tignan ko 'yon ay si Owen.



"Hello" sagot ko.



"Hi, I'm here na" sabi nito sakin, kaya agad na pinatay ko na ang tawag at nag paalam na kina nanay.



Pag labas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse nakayuko ito at kinakalikot ang kanyang cellphone. Mas pumogi siya sa suot niyang black tuxedo, umangat ang tingin nito sakin at nag tagpo agad ang aming mga mata  tinignan pa ako nito ng buo. 



"What are you wearing?" nagtatakang tanong nito sakin, at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag igting ng panga niya.



"H-huh? ano... d-dress?" alanganing sagot ko. Nakita ko naman ang mga mata niyang galit.



"Alam kong dress yan, Czanella Louise! but why is it like that!?" iritang tanong nito sakin. Ako naman ang nag taka ngayon, bakit siya nagagalit e eto yung binigay niya sakin.



"Bakit ka nagagalit? e eto yung pinaabot mong dress sa secretary mo" paliwanag ko dito.



"W-what!?" pasigaw nitong sabi sakin.



"Sinigigawan mo ba ako?" sabi ko sakanya.



"A-ah N-no, no, I'm sorry." tarantang sabi niya. "damn you, Erika!" bulong pa neto pero narinig ko naman, si Erika, ang kanyang sekretarya.



"Tara na?" pag iiba ko ng usapan. Tumango naman siya agad at pinag buksan na ako ng pinto ng kanyang sasakyan.



Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay tinignan niya ako at parang nangingilatis, sa hindi inaasahan ay bigla nalang siyang lumabit at ako naman ay biglang nanigas at pigil hininga.



"Seat belt" wika nito. Ang bango ng hininnga niya, ang bango niya. Nakakaadik.



"S-alamat" tanging nasabi ko.



Umalis na siya at inayos din ang kanyang seat belt. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan at parang wala sa mood si Owen dahil sa dilim ng kanyang tingin at pag igting ng kanyang panga kaya tahimik nalang akong tumingin sa labas.



Hindi rin nag tagal ay nandito na kami sa labas ng hotel, dito pala gaganapin ang party. Nakakahiya dahil panigurodong mga mayayam ang mga nadoon at ako naman ay di nababagay dun dahil mahirap lang ako. Malaki ang pasasalamat ko kay Owen dahil makakaranas ako ng gantong kagarbong mapupuntangang okasyon.



Lumabas na siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako, inabot niya ang susi ng kanyang sasakyan sa isang lalaki at inalalayan na ako sa pag akyat ng hotel. Hindi siya kumikibo hanggang sa maka pasok kami sa elevator.



"When we get there just stay here by my side, don't leave and avoid talking to anyone, particularly guys. Do you understand?" Maotoridad nitong sabi sakin.



Luh? daig pa si nanay ko kung maka utos sakin.



"Yes, sir!" sabi ko dito at sumaludo pa habang naka ngiti.



Iiling-iling nalang si Owen habang nakangiti. Tignan mo 'to daig pa kung may regla pabago bago ng mood. Bipolar yarn?







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BALANG ARAWWhere stories live. Discover now