◍KABANATA 2

184 6 0
                                    

Nang makalapit sakin ay umupo nalang ito sa tabi ko.



Tangina? bat dito yan umupo e mas malapit sa kinakatayuan niya kanina si kuya Logan. Tsk.



Ipinag kibit palikad ko nalang ito at ipinag patuloy ang pag kain.




"May gusto ka pa bang kainin, Ella?" tanong ni Bodhi sakin. Maliban sa pamilya ko ay isa siya tumatawag saking Ella.



"Ahm wala na Bod, painom nalang ako ng juice" sabay kuha ko sa baso niya na may lamang juice.



Nakarinig ako ng tikim, pag tapos ko uminom ay tinignan ko ang lalaking tumabi sakin na Owen pala ang pangalan.



Tinaasan ko ito ng kilay, nang di ito mag salita ay bumaling nalang ako sa mga kaibigan kong nag iinuman na.



Ako, tamang papak lang ng pulutan.



Nakarinig nanaman  ako ng pag tikim, ano bang problema ng lalaking to? nakakairita na ha.



Bumaling ako sakanya " may problema po ba kuya?" tanong ko dito.



"Wala" tipid na sagot nito sakin.



Sungit naman. Napansin ko na wala siyang kausap, kaya siguro panay ang tikim nito.



"ah ano, ako pala si Czanella Louise Ramirez" pakilala ko dito sabay ngiti.



Inabot ko ang kamay ko sakanya upang makipag kilala, inabot niya naman ito "Emerson Owen Matias" pakilala nito sakin.



"Kumain ka na kuya, eto oh masarap yung spaghetti" sabay abot ng paper plate sakanya. Kinuha naman niya ito at sumandok ng kakainin niya.



Pinag mamasdan ko lang ang bawat galaw niya, bakit pati pag sandok ang angas tignan sakanya?



Sana sandok nalang ako hahaha



"Oh eto pang himagas mo" sabi sakin ni Bodhi sabay lapag ng mr chips tsaka ketchup.



Ako kasi mahilig talaga ako sa ketchup, halos lahat ng kainin ko gusto ko may ketchup.



Ang weird ng panlasa ko, bata palang ako ganto na ko haha.



tatayo na sana ako ng magsalita si Bodhi "san ka pupunta?"



"Sa ref lang kukuha ng ice cream" gosh sarap nun mr chips tas may ice cream at ketchup, yumyum.



Nang makapunta ako dun may mga ice cream, bakit parang ang dami naman ata ng ice cream nila Mia ngayon?



Meron pa silang ice drops kaya kinuha ko nalang yung pinipig.




Nang pabalik ako nakita ko si kuya Owen na naka tingin sakin, nang makalapit ako nginitian ko siya " masarap ba yung spaghetti?" tanong ko dito. Tumango lang ito at ipinag patuloy ang pag kain.



Umupo naman ako at binuksan ko na ang pinipig na kinuha ko sa ref sabay saw saw sa ketchup



"Nababaliw ka na ba?" sabi ng katabi. Bumaling ako dito at nginitian siya "bakit?" tanong ko.



"Ketchup tapo--" di ko na pinatapos ito dahil alam ko naman na sasabin nito. Ganto naman mga unang nakakakita sa uri ng pag kain ko.



"Ah hahaha oo ganto talaga ako kuya, masarap naman ha tikman mo" inabot ko ang mr chips na may ketchup, hindi naman niya kinuha yon.



BALANG ARAWWhere stories live. Discover now