◍KABANATA 4

65 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa simbahan at sinasalubong at binabati ang mga pumupunta dito dahil nga mahal na araw nagkakaroon ng visita iglesia.



"Welcome to our parish po" yan ang maririnig mo samin kapag may mga bisitang dumadarating at nag papasalamat kami pag paalis na sila at bibisita nanaman sa ibang parokya.



Yan ang ginawa namin buong mag damag hanggang sa umabot kami ng 11pm , may mga iilan pang bisita kaya hinihintay nalang namin sila para makauwi na kami.



Umupo ako sa monobloc dahil  sa pangangawit ng aking paa, ilang oras na akong nakatayo dahil sa pag salubong sa mga bisita.



"Here" si Owen, may inaabot siya saking tasa, paniguradong kape 'yon.



"Ah ano..." kinamot ko ang aking ulo, hindi ko masabi na hindi ako nag k-kape nakakahiya naman kasing tanggihan dahil  nag abala pa itong ipag timpla siya.



"Kunin mo na, hindi yan kape" sabi nito sakin, taka ko siyang tinigna at siya naman itong nag kamot ng batok na para bang nahihiya. "Nag timpla kasi ako kanina ng kape iaabot ko sana sayo kaso lang pinigilan ako ni Mia, she informed me that you don't drink coffee, so I went to the store and bought some milo.." paliwanag nito sakin.



"Ah ganon ba, salamat." tanging sabi ko. Nahihiya ako dahil bumili pa siya ng milo para sakin, ang daldal talaga kahit kailan ni Mia baka sabihin pa ni Owen na ang arte ko. Hindi lang talaga kaya ng tiyan ko ang tapang ng kape kaya nag g-gatas nalang ako o milo.



Tumabi ito sakin at sumimsim ng kapeng hawak niya kaya sumimsim na rin ako "sana lang walang gayuma 'to" sabi ko sa aking sarili. Muntik ko ng sabunutan ang aking sarili dahil sa naisip baka siya pa 'tong mag lagay ng gayuma sa iniinom ng lalaki.



"Ayos ka lang ba?" tanong sakanya.



"A-ah O-oo" utal na wika nito.



"So, kamusta naman ang college life? balita ko malapit ka ng grumaduate?" tanong nito sakin.



"Oo, may apat na buwan nalang ako tapos makaka graduate na ako, kinakabahan na ako para sa board exam" natatawang kinakabahang wika ko.



"Ikaw pa! kaya mo 'yan!" pag c-cheer nito sakin. "I was like that when I was in college, I swear it feels like I'm in hell." dugtong pa neto sabay tawa.



"Ganon naman talaga, walang madaling course and subjects kailangan mong paghirapan bago mo mararamdaman yung saya, sana nga worth it yung pagod ko." sabi ko.

BALANG ARAWWhere stories live. Discover now