04 ━━ DUG SEASONS

13 2 0
                                    


▪︎ POV | DEVON'S !

isang silip sa nakaraan,
sa aking walang hanggan.

"Kuya? Galit na naman ba si Papa?" Aba ba't ako tinatanong nito. Malay ko. Joke, alangan alam ko. Naalala kong ginulo ko lang lalo ang buhok n'ya at mas mahigpit s'yang niyakap. Kahit tuluyang umiiyak nagagawa pa n'yang magtanong ng mga gan'tong bagay. Mga bata nga naman. Si Dia nga naman.

"Sorry, Kuya. Hindi na lang kasi dapat ako nagtanong." Napangiwi na lang ako. Tuluyan lang ang paghimas sa likod n'ya, basang basa na ang balikat, naalala ko rin no'n na inisip ko na parang 'di ko na yata kailangan labhan uniporme ko sa grabeng basa ng mga luha n'ya.

"Ano ka ba, Dia. Hindi mo kasalanan. Wala kang ginawang mali. Stress lang 'yan si Papa." Kahit sinabi ko pa 'yon, iyak lang s'ya nang iyak. Ikaw ba namang sigawan at tawaging palamunin na nga lang ang dami pang ginugusto. Sabi ko na nga ba dapat 'di na muna ako nag-30 minutes sa computer-an.

"Pero pag may mga tanong kang gano'n, sa'kin mo muna ipadaan, bago kay Papa, ha? Uuwi na ko lagi ng maaga, promise. Tahan na tayo, kaya ba? Magluluto pa ko." Naramdaman ko no'n gaano n'ya hawakan ang uniporme ko bago tumango-tango. Nauutal na sinabi sunod, "Ako na magsasaing, Kuya."

"Devon! Anong oras na't wala pa tayong makakain!"

Late 5 o'clock na no'n. Si Papa ay mahilig kumain bago mag ala sais. Grade 5 ako, si Dia Grade 3. Si Mama kakapunta pa lamang abroad, at si Papa ay pinagpipilitan pa ring magtrabaho. Hindi na kami naaalagaan. Kaya nung 11 years old ako, parang ako na halos gumagawa ng lahat ng gawaing bahay.

Pero that's okay, that's fine. It's gwenchana. Alam kong kahit lumala lalo ang pagbabago-bago ng mga moods ni Papa, mahal pa rin n'ya kami. Kahit anong sigaw at bato pa niya ng kung ano-ano pag nagagalit siya sa mundo at nadadamay kami. Kahit gaano pa ako muntik matamaan sa tuwing pilit kong tinatago sa likuran ko si Dia at pinapatakbo sa kwarto.

Alam kong mahal pa rin n'ya kami. Dahil sa susunod na araw, pag tinitingnan ko na muli ang mga mata n'ya habang nagpapasalamat s'ya sa akin na nagluto ng pang umagahan, nararamdaman ko ang kislap ng pagmamahal, totoong totoo, sa nagniningning n'yang mga mata, kahit minsan tila napupundi't nawawala ito.

Mahal kami ni Papa. Minahal kami ni Papa. Or at least, ayun ang pilit kong pinaniniwalaan at pinanghahawakan. Ayun din, ang madalas kong sinasabi kay Dia. Kay Dia na nagchachat na naman. Sabi ko na nga ba 'di ko dapat sinend schedule ko rito, alam na tuloy kung anong oras recess namin.

PULLING: THE RED STRING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon