▪︎ POV | DEVON'Spanggulo sa isip,
pero patuloy ang silip.WALANG MAGAWA, sumandal na lang ako sa railing. Recess ngayon at nasa baba sila Julia. Tatlong araw na ang nakalipas. Hindi ko na s'ya ganong nakikita sa School na nakatingin sa'kin. If hindi nakatutok sa desk e nakatutok sa pisara lagi ang mga mata n'ya. Hindi naman sa nalulungkot na ko, pero parang ganon na nga.
Ngayon, hinihintay ko sana na magkatinginan man lang kaming dalawa. Kanina kasi nung umakyat sila nila Olivia e nasa Canteen ako nakasiksik sa pila. Ngayong narito na muli sa tapat ng Classroom ay wala na s'ya. Humandusay na lang ako sa railing na akala mo naman e mamamatay na.
Wala akong gana makipag-asaran kila Ken na naghaharutan. May nakita daw na maganda ang Kenny nila. Echos ng kumag na 'yan, porket ilang beses niloko ng ex n'ya, palong palo na humanap ng may itsura. Lahat naman ng tao may itsura, Devon.
Kumagat na lang ako sa binili kong tinapay. In-open ko uli ang phone ko para makita kung may bagong message ba galing sa kanya.
Julia Amelia
Tue, 8:21 PM
pinagalitan ka?
Wed, 2:04 AM
hindi naman
thank you uliiii
Wed, 7:03 AM
buti namannnn
Thu, 3:00 AM
nag-chat ka pala, sorryyy
na-busy sa pag-prepare
para sa script con totFri, 7:30 AM
ang aga mo naman nagising
natulog ka man lang ba?
script con?
Hanggang ngayon hindi pa rin s'ya nagre-reply. Nilagay ko na lang muli ang phone ko sa bulsa. Nakita ko na rin kasing pabalik na sila Peter.
"Ang lugmok ng Von na 'yan." Ang bigat ng braso ni Jeff na umakbay sa'kin at nagpabukas ng mga mata ko. Tangina, mang-aasar na naman 'tong mga 'to. "Miss mo na si Julia 'no?" Nakangisi pa ngang asar ni Kris. Inikutan ko lang s'ya ng mata at bumalik ang tingin sa baba, sa Library, kung nasaan sila.
"Bakit uli nasa Library sila Via?" Tanong ni Kris sa wala, si Peter pala 'yung wala, sumagot e. "Homeroom every Friday. Buntis adviser nila, hindi makaakyat sa 3rd floor. Sila na nag-adjust."
"Taray!"
"Adjustable pala baby mo e."
"Baby ampota."
Hindi ko na sila pinansin tatlo. Busy sila Julia ngayon. Nakita kong labas masok s'ya sa Library at kung sino-sino kinakausap. Aligaga, para bang may pinaghahandaan nga. Nakita kong naupo s'ya sa isa sa mga bench, napakurap ako. May ka-chat ba s'ya? Nagtitipa yata s'ya phone n'ya. Grabe, nakakatampo ah. Hindi ako ma-replyan tapos ganyan.
BINABASA MO ANG
PULLING: THE RED STRING!
RomanceDevon is a man unbelieving of fate. Until a woman claiming to be interested, and romantically invested, in him, comes across his line of life, from the shadows of his ignorance, and started seemingly tugging at his red strings. Common, he firstly be...