▪︎ POV | DEVON'S !kailan kaya mabubuo,
ang aking museo?"Sorry . . . Napadada ako." Umiling iling ako, pinili kong makinig. To be honest, I'm glad na nakinig ako. At least hindi s'ya mag-isa ngayong puno ng kirot 'yang puso n'ya.
Habang nagpupunas s'ya ng luha gamit ang isang palad kasi yung kabila ay nahawak sa ice cream n'yang patulo na, kinuha ko sa bulsa ko yung panyo ko. Sabi kasi lagi ni Tita na dapat daw laging may panyo sa bulsa. Akala ko para sa pawis ko, pero binatukan lang n'ya ko sabay sabi na para raw pag may umiiyak sa harap ko may matulong naman daw ako para maibsan yung lungkot nung tao.
Nakakatawa kasi nung time na yun napakawalang sense nung logic na yun sa'kin kahit noong sinabi n'ya 'yun, parang dapat matagal na 'yung nakaimbak sa common sense department ng utak ko. I mean, kailan ka nga naman ba mapupunta sa sitwasyon na may iiyak sa harap mo na may pake ka enough para abutan mo ng panyo na nilalabhan at pinaplantsa mo pa kasabay ng pang-alis mo?
Hindi ko akalaing darating yung panahon na ganon.
Nakakainsulto lang ng slight na parang ayaw n'yang tanggapin. Hindi naman sa ayaw pero parang hindi s'ya makapaniwalang may inaabot ako sa kanya kahit panyo lang naman 'yun?
"Panyo, punas ka." Inabot ko yung kamay n'yang natigil na sa pag nagmamadaling pagpawi ng mga luha n'ya. Akala mo ba natatakot na pag hindi n'ya agad napunasan e mag-iiiwan ng mga markang ni kailanman hindi na n'ya mabubura. Nilapag ko ron ang panyong halatang plantsado pa.
Lutong luto 'yan. Sinabay ni Dia kaninang umaga eh.
Nakatingin lang s'ya sa panyo habang nakangiwi ako't hindi alam kung anong masabi. Anong pwede masabi, sa dinadami ng dinadam at dinadamdam n'ya.
Hindi na talaga ako natuto.
Hinding hindi ko talaga kayang magpagaan ng loob ng tao. E kasi naman mga pare, paano ko magagawa sa iba 'yung hindi ko nga kayang gawin sa sarili ko?
"Gusto mo pa ice cream?" Nagkatinginan kami ulit. Akala na naman yata nanloloko ako. "Okay na ko." Parang hindi pa naman.
"Baka wala ka na ring pang-gas." Aba, hindi ko napigilang matawa. Hindi ko alam kung dahil pang-ilang ice cream n'ya na yan, o kasi parang hindi lang n'ya kakagaling sa pag-iyak.
"Grabe ka naman sa'kin. Aayain ba kitang samahan ako mag-ice cream kung wala akong budget?" Oo, kasi ngayon legit na wala naman talaga akong budget panglibre pero bahala na si batman. Ulitin ko na lang planong pampinansyal ko pang ngayong linggo sa utak ko.
"Gagi." Pabulong n'yang sabi. "Bukod sa sorry kasi ang dami kong sinabi, thank you rin kasi parang nakinig ka naman."
"Sakit sa parang, Julia ah! Nakinig ako." Pag-angal ko. Kasi nakinig naman talaga ko. "Hindi kita totally masabihan na naiintindihan kita. Kasi imposible 'yun. Pero inintindi kita."
Kahit hindi ko alam kung bakit.
"Nakakainis mga kaklase mo, Julia. Bakit sila ganon? Bakit sila papayag kung aakto naman silang ayaw nila? Bakit hindi ka man lang nila sinuportahan enough para maramdaman mong may sumusuporta? Para sana napagpatuloy n'yo nang maayos, nang maginhawa, hindi yung nasasaktan ka."
BINABASA MO ANG
PULLING: THE RED STRING!
RomanceDevon is a man unbelieving of fate. Until a woman claiming to be interested, and romantically invested, in him, comes across his line of life, from the shadows of his ignorance, and started seemingly tugging at his red strings. Common, he firstly be...