03 - The Castell's Day 1.1

3 0 0
                                    

Ni hindi ako halos nakatulog dahil sa nalaman ko kahapon. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayong nalalagi kami sa lugar na ito. Lalo na at magmula ngayon ay dito na kami permanenteng maninirahan.


Kaya ko ba? Dapat kayanin at alam kong kaya ko.


Simula nang makatuntong kami rito ay wala pa naman akong nakakasalamuhang mayroong masamang intensyon. Ang totoo nyan ay lahat naman sila ay mababait kahit hindi nila ako personal na kilala ay tinanggap ako rito ng may ngiti sa labi. Ni isa, walang nanakit sa akin. Ngunit masyado pang maaga para maging kampante. Kahit na sinabi ni Lola na wala namang dapat ikabahala ay dapat protektahan parin namin ang mga sarili at maging mapagmatyag.


Alam kong si Antonella ay isa sa kanila dahil sa kulay niya at itsura nya. Nang mabanggit iyon sa akin ni Lola ay agad syang pumasok sa aking isip at alam kong marami pa sila.


Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Nagpresenta din ako sa mga kasambahay na ako na ang magdadala ng pagkain ni Lola sa kwarto nya. Ngumiti ako dahil pakiramdam ko ay unti-unti na kaming nagiging malapit sa isa't isa.


"Lola, kumain na po kayo ng umagahan," masaya kong bungad kay Lola.


"Kung ikaw ang nagluto, hindi ko iyan kakainin," agad na napunit ang ngiti ko.


Akala ko okay na kami? Maayos ang pakikipagusap nya sa akin kahapon hindi katulad ngayon.. Bakit parang bumalik sya sa dati at parang walang nangyari?


"Hindi po ako ang nagluto," inilapag ko iyon sa lamesa sa loob ng kanyang kwarto.


"Iwan mo na lang," aniya nang hindi tumitingin sa akin.


Bumuntong hininga ako at umalis nalang. Pagkabalik ko sa kwarto ay hinanap kong muli ang invitation. Bukas na pala iyon gaganapin kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga gamit na kailangan ko para bukas.


"Naya?" lumingon ako sa tumawag sa akin. To my surprise, it's Antonella. Just like me, she was holding the dress she bought from this boutique.


"Hey," I smiled a bit.


"I told you, you can call me para sana nagsabay na tayo."


"It's okay," sagot ko.


"Tara, let's eat, i'm starving," hindi na ako nakasagot dahil hinila na nya ako sa isang cafe. Doon namin napiling umupo sa may labas dahil narin mahangin.


She ordered for us. It was two slice of cake, pancakes, sandwich, and banana split.


"How's your stay so far?" she asked me while eating her banana split.


"It's good. There's so much nice people so far..." tumingin ako sa kanya. "I hope it stays that way until the end."


She chuckled. "Don't worry, we protect people, we don't bite."


Optimum IgnisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon