Kabanata 1

9.3K 103 8
                                    

Kabanata 1

Mimi

Papasikat na ang araw nang makarating ako sa convenience store ilang metro ang layo mula sa tinitirhan ko. Ito ang nag-iisang 24/7 na convenience store dito sa bahay namin kaya madalas itong mapuno lalo na ng mga biyahero dahil nasa highway din ito. Dito ko rin hinihintay araw-araw ang shuttle bus na susundo sa akin papunta sa power plant kung saan ako nagtatrabaho.

Nilagay ko sa gilid ang bike ko saka ko nilagyan ng kadena. Dito rin kasi ako ibaba ng shuttle bus mamaya tapos gagamitin ko ulit ang bike pabalik sa bahay na tinitirhan ko.

May isang oras pa bago ako dumating ang shuttle bus. Inaagahan ko lang dahil dito na rin ako kumakain sa store. Pumasok na ako tapos binati si Joshua na siyang madalas na naka-duty dito kapag madaling araw.

“Ate, may stock na kami ng paborito mong baked chicken,” sabi niya agad habang nasa counter at nag-aayos doon.

“Talaga?” Masiglang sabi ko. “Sige, kukuha ako para sa tanghalian ko. Kakain muna ako ng agahan.”

“Sige, Ate. May nissin seafood noodles na rin kami.”

“Salamat.”

Kumuha na ako ng cup noodles doon sa may lagayan sa baba ng mga hotdog saka donut. Tapos dumiretso ako sa dulong aisle para kumuha ng tissue. Kumuha na rin ako ng tinapay. Kukuha na sana ako ng kape nang makita ko na kinuhanan na ako ni Joshua.

“Mocha latte, Ate,” nakangiti na sabi niya.

“Salamat.” Nagbayad na ako.

“Enjoy, Ate.”

“Sige.” Dumiretso ako sa may gilid saka umupo.

Madalas na kaming dalawa lang din ang nandito kapag mga ganitong alas-kwatro pa lang ng madaling araw. Alas-sais ang pasok ko sa planta tapos nasa isang oras ang biyahe mula rito papunta doon.
Habang hinihintay na maluto ang cup noodles ay tinitigan ko ang bundok kung saan unti-unting sumisilip ang araw. Binuksan ko na rin ang tinapay at kinagatan ito.

Nakatitig pa rin ako sa labas habang kumakain hanggang sa may tumigil na sasakyan sa tapat ng convenience store. Wala naman akong balak na pansinin pero nakuha ng tatak ng sasakyan ang atensyon ko. Bihira lang din naman kasi na may magagawi na mga mamahaling sasakyan dito sa lugar namin. Kung meron man ay sigurado ako na sa planta sila pupunta dahil wala naman ng pasyalan sa dulo nitong lugar na ito.

Tinuon ko na lamang ulit ang atensyon ko sa pagkain hanggang sa pumasok ang tatlong lalaki sa loob ng convenience store. Halata mo na mga mayayaman dahil iyong pabango nila ay amoy na amoy ko kahit na ilang pulgada ang layo nila sa akin.

“Hi.” Narinig ko na sabi ng isang lalaki.

Mula sa peripheral vision ko ay tiningnan ko sila. Ayoko pa rin pakasiguro dahil hindi ko sila kilala. Paano kung nagpapanggap lang sila na mayaman tapos balak lang nilang magnakaw dito.

“Wala bang malapit na restaurant dito?” tanong ng lalaki kay Joshua.

Hindi ko na napigilan na lumingon para pagmasdan sila saka ko napagtanto na iyong lalaki na nasa counter ay si Jack Enrique tapos kasama niya ang kapatid niya na si Jhules Enrique. Sa kompanya nila galing ang mga langis na ginagamit sa power plant kaya madalas silang nagpupunta sa planta para tingnan ang operation.

“Wala po,” sagot ni Joshua.

“Oh, we have no choice, then,” sabi ni Jack. Madalas na sakay sila ng helicopter kapag pumupunta sa planta kaya siguro hindi niya alam na walang kainan dito lalo na sa oras na ito. Bakit kasi ang aga nila?

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon