Kabanata 7

2.8K 63 3
                                    

Kabanata 7

Mimi

“Nako, Mimi, mabuti na lamang ay wala kayo rito ni Aloysius,” si Aling Rosa, leader ng mga chismosa dito sa baryo. “Kundi ay siguradong nadamay din kayo. Doon pa naman tumakbo sa bahay niyo si Juanito. Nakakatakot talaga. Ang lakas ng putukan.”

“Po? Ano pong nangyari?” Patay-malisyang tanong ko. “Juanito? Tatay po ni Amy?”

“Oo, hay nako. Nahuli si Juanito kasi pusher.”

Hindi ako nakapagsalita. Alam ko naman na may hinuhuli silang drug pusher pero hindi ko alam na tatay pala ni Amy. Wala naman na kasi akong pakialam pa sa iba, ang kontrolado ko lang ay ang grupo tapos sila naman ang nagkokontrol sa iba pa.

“Kaya naman pala ganun umasta. Kawawa tuloy si Amy. Nakulong ang tatay tapos biglang lumayas ang nanay dahil sa kahihiyan.”

Bigla akong naawa kay Amy. Kahit naman hindi ko kasalanan ay aakuin ko na. Kung wala naman ang pamilya ko, wala rin namang magiging tulak ng droga dito sa probinsya na ito. Bwisit talaga! Hindi ko alam kung kay Hunter ba ako maiinis o sa sarili ko pero mas matimbang ang inis ko sa ama ko.

“Nasaan na po si Amy?” tanong ni Aloysius. “Ayos po ba siya?”

“Kinuha ng DSWD tapos napag alaman na minomolestya rin pala ng ama niya,” sambit ni Aling Rosa kaya mas lalo akong nainis. “Ayon, iyak nga nang iyak. Kawawa naman.”

“Si Mang Juanito lang po ba? Kumusta naman po ang iba? Kayo po?”

Totoong nag-aalala ako. Inis man ako sa lahat ng tao rito sa baryo ay napamahal na ako. Mas tinuring pa nga nila akong pamilya rito kaysa sa sariling ama ko.

“Hindi lang siya. Sampu nga iyong nahuli. Hindi ko alam kung pusher lang o user na rin,” kwento ni Aling Rosa. “Dalawa pala ang patay kaya may lamay doon mamaya kina Aling Paciang kasi namatay ang anak niya na si Cholo.”

“Cholo?” Umangat ang kilay ko. “Bakit? Pusher din ba si Cholo?” Ang alam ko ay katorse anyos pa lamang iyon. “Sino pa ang isang namatay?”

“Oo, pusher at user daw si Cholo. Mukhang iyon ang ginagawa para matustusan ang gamutan ni Aling Paciang tapos si Jojo, hija, wala na rin,” sagot ni Aling Rosa.

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. Literal na hindi ako makagalaw habang pumapasok sa utak ko si Jojo. Putangina! Pati ba naman bata ay papatayin nila? Kung hindi ba naman gago si Hunter at ang buong pulisya.

“Paano po nadamay si Jojo? Hindi ba’t walong taong gulang pa lamang siya?” si Aloysius.

“Iyong tatay niya ang pusher tapos nadamay lang,” si Aling Rosa.

Naputol ang usapan namin nang umiiyak na tumakbo sa gawi ko si Baste at Pilar. Niyakap ko na lang silang dalawa dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Nang tumahan ay binuhat ko si Pilar tapos binuhat naman ni Aloysius si Baste. Dinala namin siya sa bahay dahil wala ang magulang nila para magbantay.

“Buti na lang wala kayo dyan,” usisa ni Aling Myrna kasunod ang iba pang chismosa. “Kundi patay na siguro kayo.”

“Buti wala rin po kayo rito kundi patay na rin kayo,” sabi ko kay Aling Myrna.

“Ay, sinabi mo pa. Ilang oras din kaming nakadapa sa ilalim ng kama habang putukan, ano!” Hirit niya. Hindi man lang siya makaramdam na ayoko siyang kausap.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Isama mo pa na wala pa akong tulog. Gusto ko na lang manapak!

“Kumusta ang mga gamit?” tanong ng isa pang chismosa.

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon