Kabanata 34

2.3K 53 1
                                    

Kabanata 34

Mayumi

I knew there was something wrong when my father invited me to come to his 55th birthday. He never once invited me since my mother died. Madalas na si Kuya Makisig ang kasama niya kaya’t hindi rin ako gaanong kilala ng mga tao bilang anak niya.

Hindi ko rin naman gustong pumunta. Like, duh! Why would I go? Hindi ko naman gusto na ipinanganak siya. Saka sigurado ako na puro kasinungalingan lang ang maririnig ko tapos nandun ang lahat ng salot sa lipunan.

That is why I was contemplating whether I would go or not. Kaso binantaan na ako ng ama ko na may masamang mangyayari kapag hindi ako nagpunta. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi mag-suot ng lintek na gown na ito.

Mabuti sana kung ako ang pumili pero ang magaling na ang ama ko ang siyang pumili. Ang pangit na nga ng ugali niya ay ang pangit pa ng taste niya sa damit. Biruin mo ay pinasuot niya ako ng hapit na hapit na gown. Backless pa ito tapos may slit sa kaliwang hita na konting galaw ko lang ay makikita na ang perlas ng silanganan!

Hindi yata birthday party ang pupuntahan ko! Bar yata! O hindi kaya ay live selling ng mga babae! Inis na inis na ako roon habang naghihintay na magsimula ang programa. Ginanap ito sa five-star hotel ng Tan-Lopez. Lahat ng politiko na miyembro ng drug syndicate nila ay imbitado. Hindi na ako magtataka kung special guest si General Montemayor.

Gusto ko na ngang tuluyang punitin ang gown para makaalis ako pero pinili ko na lang na tumahimik dahil kawawa rin si Kuya. Siya na naman ang pagbubuntunan ng galit ng ama ko kapag may pumalya sa event na ito. Imbitado rin kasi ang presidente at vp kahit na hindi ko sigurado kung pupunta ba sila. Kung ako ay hindi ako pupunta! Baka lasunin pa sila ng demonyo kong ama. Saka ang hirap kayang maging plastik!

Aligaga rin si Arrow dahil sa may na-raid na naman kaming warehouse sa may Angono at Cardona. Sana lahat na para mawala na ang salot sa mundo.

“Tigilan mo ‘yan,” saway ni Elio nang tumabi siya sa akin. “Kanina ka pa umiinom ng alak. Kapag nakita ka ni Governor ay malalagot ka naman.” Nilayo niya ang baso ng alak mula sa akin. “Hindi ba’t sinabi niya sa’yo na you should be on your best behavior.”

Bumuga ako ng hangin. “Anong best behavior? Best na ‘to. Wala na akong ide-demonyo pa! Gusto niya yata ay palitan ko pa si Satanas.” Inabot ko ang baso saka ito diretsong tinungga.

Saktong paglingon ko para tawagin ang waiter ay nakita ko ang grupo ni Hunter kasama si Clev!

“Putangina.” Hindi napigilan na mura ko sabay balik ng tingin sa unahan.

I didn’t expect him to be here! Bakit nandito rin ang mga kapulisan? Mas lalo akong kinabahan.

“Why is Clev invited?” Tumingin ako kay Elio. “Umayos ka sa desisyon mo. Ano’ng sabi ng walang kwentang ama ko?”

“Huh? Clev?” Ang hinayupak ay lumingon pa talaga sa direksyon ni Clev. “Ah, ouch! Bakit ka ba nangungurot? Malay ko ba. Hindi ko nga inakala na pupunta siya.”

“So you knew?”

“We were the one who sent the invitations. Lagi namang imbitado ang mga Valle at Eleazar. Si Hunter ang madalas na pumupunta. Ngayon lang nagpunta si Clev.”

“Malamang,” bulong ko. “Nandito ako, ‘e.”

“Ang assuming mo,” asar ni Elio. “What if required pala siyang pumunta kasi—”

“Manahimik ka na nga lang,” iritang sabi ko. “Saka layuan mo ako. Gusto kong mapag-isa.”

“Para ano? Makalapit si Clev?” He clicked his tongue. “Sorry to say but the Governor ordered us not to let you be near Clev.”

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon