Kabanata 32

2.4K 52 2
                                    

Kabanata 32

Mayumi

My hands trembled as I read the message from my father.

Disobey me and you’ll see what will happen to Makisig.

I almost crashed my phone as I deeply inhaled. Magta-type na sana ako nang biglang lumabas ng banyo si Clev.

“Is there a problem, hon?”

“Huh?”

I spun around and met his gaze. Nakatapis siya ng tuwalya habang pinupunasan ang kaniyang buhok. Medyo humaba na ang dating military cut hairstyle niya.

Napalunok ako nang dumako ang aking tingin sa kanyang six-packed abs. Ilang beses ko na itong nakita at nahawakan pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mamula. Ang gwapo na tapos ang yummy pa!

Mabilis na iwinaglit ko sa aking isipan ang nangyari sa amin kagabi ngunit huli na dahil nakita na niya ang pamumula ng aking pisngi at tainga.

“What are you thinking, hon, huh?” Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. “Are you okay or still sore?”

“I am okay,” sagot ko. “Bakit kasi ang laki?”

Clev laughed. “Do you prefer small, then?”

“I am just saying, okay. Hindi na magrereklamo baka lumiit pa.”

Muling tumawa si Clev saka niya ako iginiya paupo sa dulo ng kanyang kama. Nandito kami ngayon sa kanyang malawak na kwarto na may dalawang kwarto pa sa loob. Isa para sa kanyang mga Lego technics tapos ang isa naman ay gaming room niya kung saan siya naglalaro ng mga virtual racing games.

Kung hindi pa ako nagpunta sa kanila ay hindi ko malalaman na mahilig siya sa mga sasakyan, mapalaruan man o hindi. Madalas kasi ay iyong Jimny lang ang gamit niya tapos biglang malalaman ko ay may sampu pa siyang mamahaling sasakyan. Muntik ko ng makalimutan na Mechanical Engineer nga pala siya.

“I’ll dry your hair.” Kinuha niya ang blower saka ang brush bago simulan ang pagpapatuyo sa buhok ko. “By the way, did someone text you? Is there a problem? Napansin ko na medyo nainis ka.”

“Ah, wala. Wala. Just my brother,” pagsisinungaling ko.

“I see. I’ll text Makisig para hindi na siya mag-alala pa.”

“Hindi na. Ayos lang. Na-miss lang ako no’n kaya pinapauwi na ako.”

“Tell him that we’re going home after our activities today. Saan kita ihahatid? Sa inyo ba o sa baryo?”

“I’ll stay in my condo for a while,” sagot ko. “Ano nga pala ang gagawin natin ngayon?”

“You’ll see when we get there.”

Sinuklayan niya ang buhok ko nang matapos na siya sa pagpapatuyo nito.

“Do you want to wear a headband or hair clip?” tanong niya saka inilabas ang kahon na puno ng mga ipit.

“Grabe…” Hindi makapaniwala na sabi ko. “Dati ka bang bakla?”

“Silly!” Tumawa siya saka inabot sa akin ang kahon. “Binili ‘yan ni Mama para sa’yo. Mayroon din nyan si Faye. Gustong-gusto kasi ni Mama na magkaroon ng babaeng anak kaso hindi naman nangyari. She also bought you clothes para kapag matutulog ka rito sa bahay.”

“So sa akin ang mga pambabaeng damit sa open closet mo?”

“Oo, bakit? Akala mo ba sa ex ko? Did you get jealous?”

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon