Ang mga iniwan niya

2.4K 44 9
                                    

Sunday.

Matapos ang mahabang panahon, nagawa ko ring tumapak muli sa lupang aking kinagisnan. Madaming nagbago. Ang mga dating malalawak na palayan ay pinalitan na ng nagtataasan na gusali na pang komersyo ang puno't dulo. Mas madami na ang mga sasakyan na makikita sa kalsada. Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito, makikita ko pa rin ang mga bagay na mula noo'y narito pa rin.

Sa aking pagkawili sa mga pagbabago sa aming baryo, hindi ko na namalayan kung saan ba ako dinala ng aking mga paa. Napahinto na lamang ako ng makita ang pamilyar na hardin sa aking harapan. Samu't saring alaala ang bumuhos sa aking isipan ng makita ko ang lugar na nag bigay sa akin ng madaming alaala. 

Hindi ko lubos na maisip kung anong pumasok sa akin at tinahak ko ang daan patungo sa pintuan ng simbahan. Tila may nagtutulak sa akin upang pumasok dito. Alam kong mas madaming alaala ang lulunod sa akin kapag pumasok ako sa loob, ngunit alam ko sa aking sarili na walang mababago dahil lahat ng iyon ay nangyari na at hindi dapat ako magtanim ng sama ng loob sa mga bagay na tapos na. 

Dahil minsan, may mga bagay talaga na hindi nakalaan sa atin kahit gaano pa tayo higitin ng kapalaran pabalik sa mga bagay na 'yon, alam naman na natin sa mga sarili natin na hindi talaga para sa ating ang isang bagay. Natutunan ko iyon sa isang pangyayari na hindi ko makakalimutan.

Sinalubong ako ng katahimikan. Lumuhod ako at taimtim na nagdasal.

Mahigit isang oras din akong nagdadasal at nananampalataya sa May Kapal. Nananalangin na sana ay mabuti ang lagay ng aking pamilya. Na sana masaya sila kahit papano. Nagpapasalamat din dahil sa panibagong araw na aking nasilayan, sa mga pagkain na ibinigay Niya sa akin at sa aking pamilya, sa pagbibigay sa'min ng lakas at mga biyaya na hanggang ngayon ay dumadating pa din sa pamilya namin at lalong lalo na sa akin.

Pero sa likod ng mga panalangin na yo'n ay ang paghahangad ng isang bagay na malabong mapasaakin pa.

"Daimon?" isang pamilyar na tinig ang aking narinig mula sa aking likuran.

"Sister Beth?"

"Ay naku ikaw nga hijo! Kamusta ka na apo? Buti at nakabalik ka ulit dito. Akala kasi namin di ka na babalik at doon ka na mamamalagi sa Canada."

"Okay na po ako, sister. Bumisita lang din po ako dito, may mga bagay din po kasing pinapakuha sa akin si papa mula sa bahay namin dito."

"Napaka sipag mo talagang bata ka. Ay siya halika't mag tanghalian sa loob ng bahay ampunan. Panigurado miss ka na ng mga bata."

"Nandiyan pa po sila Sen at Lina?"

"Oo, 9 years old na nga silang dalawa e. Alam mo bang dapat may aampun na sa kanila?"

"Oh? Eh bakit di po sila sumama?"

"Eh kasi sabi nila iintayin ka pa daw nila."

"Yung mga batang 'yon talaga."

Napuno ng kagalakan ang aking sistema sa sinabi ni Sister Beth, hindi ko lubos maisip na ginawa iyon ng mga bata. Limang taon na ang nakakalipas ng ipangako ko sa kanila na ako ang aampon sa kanila sa oras na bumalik ako at naroon pa rin sila. Agad na namang bumalik sa akin ang mga nakalipas na alaala.

Malayo din ang nilakad namin ni Sister Beth, dahil hiwalay ang bahay ampunan sa simbahan dito kaya kailangan pang maglakad mula simbahan patungo sa doon. 

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong agad kami ng malalapad na ngiti ng mga bata. Hindi pa din nagbabago dito, puro masisiyahin pa din ang mga tao sa kabila ng mga bagay na wala sa kanila. Nakita ko naman agad sila Sen at Lina na tinuturuan ang iba pang bata dito. Agad naman silang tinawag ni Sister Beth at masiglang lumapit sa'min ang dalawang bata.

Agad akong niyakap ng dalawa habang bakas sa kanila ang mga luha ng kasiyahan at kalungkutan. Tutuparin ko na ang matagal ko ng ipinangako sa kanila. Siguro ilang araw lang din naman ang itatagal bago ko matapos lakadin ang mga papeles nila. At pag nakuha ko na sila, saka ko naman lalakadin ang mga papeles nila para sa kanilang passport. Gusto ko silang dalahin sa Canada, para doon na manirahan.

"Kuya Daimon, aampunin mo pa po ba kami ni Lina?" tanong sakin ni Sen pagkahiwalay sa amin ni Lina.

"Oo naman," bakas ang pagtataka sa aking mukha.

"Talaga po? Kahit po wala na kayo ni--" naputol ang sasabihin ni Lina ng takpan ito ni Sen.

"Ssshhh, wag mong banggitin yun Lina. Baka magalit si Kuya Daimon at di na tayo ampunin," bulong bigla ni Sen na narinig ko pa rin naman.

"Ay sorry Sen,"

"Ano yang pinagbubulungan nyo?" Bulong ko din sa kanilang dalawa.

"Ah wala po!" Sabay nilang sabi sa akin at pilit na ngumiti.

Ilang kwentuhan din ang aming pinagsaluhan, doon na din ako nag tanghalian at hapunan. Ako pa nga ang nagluto para sa mga bata. Pinatulog na din namin ang mga bata. Kinuwentuhan ko pa nga sila at binigyan ng halik sa noo bago ako lumabas ng silid nila. Nagkape din kami ni Sister Beth at nag-usap pa ng konti. Alas-nuwebe na ng gabi ng mapagpasiyahan kong umalis na ngunit bago 'yun ay may pahabol pa sa akin na sasabihin si Sister Beth.

"Okay ka na ba talaga, Daimon?"

"Sister Beth, okay lang po ako talaga ako."

"Kung ganoon dapat mo ng mabasa ito."

"Ang alin po?"

"Itong mga sulat na iniwan nya para sa'yo."

Ang mga liham na iniwan niya (The Letters that She Left Behind)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon