"Letting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny."
― Steve Maraboli
Dalawang taon ang nagdaan...
Pitong taon mula ang nakalipas, sa lugar na ito nangako kami ng pag-ibig na walang hanggan, ngunit akala ko wala talagang dulo.
Dalawang taon na ang nakakalipas simula noong tanggapin ko ang katotohanang wala na talaga siya at tapos na talaga ang kwento naming dalawa. Naintindihan ko na ang lahat, at natanggap ko nang may dulo ang walang hanggan na pinangako naming dalawa.
Ang dami kong natutunan sa relasyon namin. Kung hindi kami naghiwalay, hindi ko matututunan ang mga bagay na ngayon ay nagpatibay sa akin bilang isang tao. Hindi ko maiintindihan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi ko mararanasang masaktan at matuto sa mga pagkakamali.
Ngayon ko napagtantong may mga tao pala talagang tinadhanang dumaan lang sa harap natin, hindi para mag tagal kung hindi para mag bigay lang ng aral sa atin. Siguro isa lang siya sa mga taong iyon. Nagkataon lang na kahit alam kong matagal na siyang nakadaan, nandoon pa din ako sa lugar na dinaanan nya, naghihintay kung babalik pa ba siya.
Madaming nangyari noong kami pa ngunit mas madaming nangyari matapos kaming magkahiwalay at masasabi kong ang mga pangyayari na iyon ang nagpalakas sa amin ngayon. Ang mga pangyayari na iyon ay isa sa bagay na napaghuhugutan namin ng inspirasyon ngayon.
Minahal ko siya noon. Para sakin hindi lang siya basta bastang tao na dumaan para magbigay ng aral, dahil di lang aral ang binigay niya kung hindi mga realisasyon sa buhay na dapat kong malaman at mas maintindihan. Masaya na akong nakasama ko siya at binigyan niya ng magandang alaala ang pag daan na ginawa niya. Masaya na din ako ngayon kasama ang taong tumulong sa aking buuin ang sarili kong muli. Siguro masaya na din siya.
"Daimon?" Unti unti ko siyang nilingon, siya na binigyang kulay ang mundo ko ngayon.
"Tara na?" Tango lang ang sinagot ko saka ko niyakap ang isa kong kamay sa kaniya.
Ngayon, masaya na ako sa piling ni Marian. Isa siya sa mga tumulong sa akin para makalimot. Matagal na kaming magkaibigan at hindi ko inakala na ang taong laging nasa tabi ko ang taong tutulong din sa akin na buuin ang nawala kong pagkatao.
Babalik na rin kami sa Canada ngayon para kila Sen at Lina. Itinuloy ko ang pag ampon sa kanila, tanggap sila ni Marian, ganoon din naman ang dalawa.
Siguro panahon na para putulin ko na ang isa sa malaking ugnay ng lugar na ito sa buhay ko, iiwan ko na dito ang mga liham na ginawa niya para sa akin. Panahon na para mas yakapin ko ang kinabukasan kasama si Marian.
Mahabang kwento kung paano nagkaroon ng kami at siguro ikukwento ko rin ito sa hinaharap pero sa ngayon gusto ko munang tapusin ang kwento namin ni Callie. Hindi man maganda ang katapusan ng kwento namin alam ko namang madami akong natutunan dito. At ngayon, handa ko ng bitawan ang lahat ng naramdaman ko para sa kaniya. Paalam mahal ko, siguro nga maganda ang umpisa ng kwento natin ngunit hanggang doon na lang iyon. May mga bagay talagang mas magandang bitawan na lang kesa panghawakan pa. Sana masaya ka na ngayon. Salamat at naging parte ka ng buhay ko.
Daimon,
Magandang araw, mahal ko, kamusta ka na kaya? Okay ka lang ba? Nakahanap ka na ba ng bago? Gusto ko lang malaman mo na okay lang sakin kung may bago ng babaeng nagpapatibok ng puso mo. Alam kong mas deserving siya kesa sakin at na hindi ka niya sasaktan at iiwan. Nandito nga pala ako sa Japan ngayon, dito na kami nakatira nila Eleanor. Si Eleanor, siya yung anak ko kay Patrick. Oo, buntis ako n'on. Iyon ang dahilan kaya ako tumakbo sa kasal natin. Dahil ayokong masira ang pangalan mo at ng pamilya mo. Alam kong galit ka saakin kasi tumakbo ako sa kasal natin, kahit ako galit ako sa sarili ko. Galit din ako kay Patrick dahil kung di niya ako ginahasa hindi sana 'to mangyayari. Pero siguro tinadhana talagang magkahiwalay tayo. Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa at kaya nangyari 'to ay para makita natin ang tunay na kabiyak natin. Sana masaya ka na ngayon sa piling ng babaeng nagpapasaya saiyo. Wag mo sana akong kalimutan Daimon, dahil ako, walang araw na nakalimutan kita. Gusto ko lang ding malaman mong kasal na ako ngayon, kasal na ako kay Carlo. Siya yung lalakeng tinanggap ako ng buo bilang ako at tinanggap din ang anak ko. Natutunan ko siyang mahalin dahil tinulungan niya akong buuin ang sarili ko.
Sana pag dating ng panahon magkita ulit tayo. Gusto ka kasing makilala ng anak ko. Sana sa panahon na iyon napatawad mo na ako. Minahal kita ng lubos, Daimon. Ikaw ang unang lalaking nagpatibok sa puso ko. Sana ngayon maging masaya ka na ng buong buo.
PS. May mga bagay na nilikha para pang hawakan natin, at mayroon din namang nilikha para pangalagaan natin para sa iba.
Lastly,
Callie.
Mula sa malayo ay makikita ang dalawang tao na nakatingin sa mag asawang masayang naglalakad pabalik sa kanilang sasakyan. Unti unti ay tumalikod ang babae at hinawakan ang mumunting kamay ng kaniyang anak.
"Tara na anak, puntahan na natin si daddy mo sa kotse."
"Okaasan, chino yun?"
"Isang taong naging bahagi ng buhay ko, anak. Tara na nga, bibili pa tayong oranges."
"Yeeey!"
Sa pagtalikod nilang iyon ay ang paglingon naman ng lalaki sa kanilang direksyon. Tinignan niyang mabuti ang nakatalikod na babaeng may kasamang bata. Iniisip niyang mabuti kung kakilala niya ba iyon at parang nakita na niya ito noon.
"Ano iyon, Daimon?" Malumanay na tawag sa kaniya ng babaeng kasama niya.
"Wala, akala ko may nakita akong kakilala. Tara na nga, baka malate pa tayo sa flight natin mamaya." Sa pagsabi niyang iyon ay ang pag talikod naman nila sa babaeng may kasamang bata.
Unti unti ay naghiwalay na ng landas ang dalawang magkasintahan noon. Parehas hinihiling na sana pagdating ng panahon ay magkita ulit sila. At sa pagkikita nilang iyon ay ang pagbubukas ng bago nilang kwento.
Wakas
BINABASA MO ANG
Ang mga liham na iniwan niya (The Letters that She Left Behind)
Historia CortaTanging ang mga sulat na lang na ito ang makapagpapaalala sa'kin ng pag-ibig namin. started: April 1, 2013 ended: April 29, 2013 edited: ongoing