Ang ikalawang liham

522 29 4
                                    

"Scars have the strange power to remind us that our past is real." 

― Cormac McCarthy, All the Pretty Horses


Ang mga salita ay hindi pa sapat para masabi ko kung gaano ako nasaktan sa mga nabasa ko sa unang sulat na ibinigay niya. Ginawa niya to 7 years ago, 1st year anniversary namin. Tandang tanda ko kung gaano siya kasaya noong araw na 'yon. Kung papano kuminang ang kaniyang mga mata kada titignan ko siya. Kung papano maging kulay rosas ang kanyang mukha kada hahawakan ko ang kamay niya. Tandang tanda ko pa kahit sobrang tagal na, na tila kahapon lamang ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan.

Pero bakit? Bakit kung kelan unti-unti ko na siyang nakakalimutan saka ko naman malalaman na may iniwan pala siyang ganito? 

Hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang mga luhang patuloy pa ding umaagos sa mga mata ko. Luhang dulot ng sobra sobrang pangungulila sa kaniya. Luha na naglalaman ng mga bagay na matagal ko ng tinago simula noong araw na nawala siya sakin. Siguro sa iba iisipin nilang para na akong bakla, pero hindi naman nasusukat ang pagiging lalaki sa laki ng katawan o sa dami ng naging nobya. Ang pagiging lalaki ay nasusukat sa mga luhang ibinigay mo sa taong mahal na mahal mo, at sa pag tanggap sa katotohanang pag-iyak na lamang ang karamay mo sa paglalabas ng mga pighati na naipon sa puso mo.

Paulit ulit kong binasa ang sulat na ginawa niya. Pilit kong minememorya ang bawat ditalye ng kanyang likha. Paulit ulit kong pinupuri ang kanyang sulat na kahit hindi kasing ganda ng sulat ng iba ay masasabi mong malinis ito. Pilit kong inaamoy ang mga natirang halimuyak ng kanyang pabango, kahit mag mukha na kong ewan sa ginagawa ko, di ko mapigilan ang aking sarili. At marahan kong niyakap ang kanyang sulat habang naglalandas ang ang mga luha sa aking mata.

Mahigit kalahating oras ko rin 'tong ginagawa bago ko pakalmahin ang sarili ko. Di ko na lamang binasa ulit ito dahil ayoko ng maiyak pa lalo.


"Eli akala ko ba magtatrabaho tayo kunyare kila ninang nga--what the hell happened!?"

"Ate..."

"I see, so you've read her letters."

"I did."

"Ayoko na lang mag salita Eli, hindi ka natututo e. Sige, aalis na ko. May pagkain na sa baba kung gusto mong kumain. Na kila ninang lang ako."

Sabi ni ate bago niya ko tuluyang iwan. Napagisipan ko ring sa ibang araw na lang basahin ang iba pa niyang sulat. Dali dali kong niligpit ang mga bagay na nakakalat. Sa pagliligpit ko ay aksidente kong natabig ang isang sulat na nakapatong pala sa dulo ng higaan ko. Mi hindi ko man lang napansing nando'n pala yo'n. Akala ko kasi natabi ko na, siguro sa kakamadali ko nalingat na ko.

Dahan dahan ko itong pinulot dahil ito ang sulat na medyo dilaw na ang anyo. Sa pagpulot ko ay may biglang litrato na nahulog mula sa loob ng sobre. Hindi ko alam na medyo may bukas na pala to, tama lang para lumabas ang isang litrato. Litrato na ikinatubig na naman ng aking mga mata. Dahan dahan kong pinagmasdan ito habang mabilis namang dumaloy ang sariwang luha galing sa aking mga mata. Taimtim kong tinignan ang litrato, litrato naming dalawa bago kami magpakasal sana.

Hinintay kong kumalma ulit ako bago ko binuksan ang sobre, gamit ang aking nanginginig na kamay ay kinuha ko ang kulay luntian na papel mula sa sobre. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya sa akin.


"Daimon! Alam mo ba na luntian ang paburito kong kulay?"

"Talaga? Akala ko ba orange ang paborito mo?"

"Favorite ko din 'yon, parehas sila."

"Bakit mo naman paborito?"

"Kasi ang dalawang kulay na 'yan ang dahilan kung bakit maganda pa rin ang mundo ko. Kulay luntian, ito ang kulay ng kalikasan. At orange naman, ito ang kulay na nagbibigay sa akin ng lakas"

"Kaya pala paborito mo 'yong dalawang kulay na 'yon."

"Ang weird ko lang no?" Sabi niya sabay gawid sa akin ng isang matamis na ngiti.


Parang gripong nag simula ulit ang mga luha sa aking mata ng umpisahan ko ng basahin ang sulat nya.



Daimon,


Hindi ko na siguro kailangan pang mag sabi ng magandang umaga o kung ano pa man. Hindi mo naman to mababasa panigurado. Kasi sa mga oras na 'to, sigurado na akong kinamumuhian mo na ako, na kinamumuhian n'yo na akong lahat. Pero alam mo, wala akong pinagsisisihan sa mga desisyong ginawa ko kasi alam kong mas ikabubuti mo 'to. Ayokong madamay ka pa sa problema ko, Daimon. Mahal na mahal kita, kung mabasa mo man 'to gusto kong malaman mong kahit kelan 'di ko pinagsisihang nakilala kita o minahal kita. Meeting you wasn't a mistake, leaving you was. Pero hindi na pwede. Ayoko lang din na mas masaktan ka pa pag nalaman mo kaya ito na lang ang pinili ko. Ang itulak kang palayo at takbuhan ang realidad. Realidad na pinaganda mo. Alam mo bang araw-araw mas hiniling kong wag na lang matulog? Kasi noon, sobrang saya ko dahil hindi ko na kailangang managinip ng mga bagay na gusto kong maramdaman. Bakit? Kasi sayo ko naman nararamdaman 'yon, pero ngayon? Mas gugustuhin ko pang matulog na lang habang buhay kasi doon alam kong malaki ang tsansang makasama pa kita. Daimon, sana wag mong isiping iniwan kita kasi nag mahal ako ng iba. Huwag na huwag, dahil hinding hindi ko magagawa 'yon kahit na iharap mo pa sa akin ang mga Korean Idols ko. Hinding hindi. Kaya mahal ko, sana patawarin mo ko sa kasalanang nagawa ko sa'yo. Mahal na mahal kita. Mahaba pa ang buhay mo at alam kong makakahanap ka pa ng mas maganda, mas sexy, mas matalino at mas mabait kesa sakin. Wag mong sayangin ang buhay mo, mahal ko. Basta lagi mong pakakatandaan, iniwan man kita pero ang puso ko ay sa'yo ko lamang iiwan. Habang buhay.


Still yours and forever will be,

Callie.

Ang mga liham na iniwan niya (The Letters that She Left Behind)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon