Chapter 15

3.5K 98 44
                                    

Nagising ako dahil sa nakakarinding tunog ng alarm clock, pikit mata ko iyon kinapa upang i-off bago pinataob dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Hello Kitty. Nagpipigil talaga akong ihagis ito. Ang sarap ng tulog ko tapos bubulabugin lang ako ng pesteng alarm clock na ‘to!

Hindi naman ako tanga para mag-alarm ng ganitong kaaga. Malamang ay pinakialamanan na naman ito ni Manang Blenda. If this wasnʼt a gift from my uncle, I probably would have thrown it away.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinusot-kusot ang mga mata. I looked at the G-shock watch I was wearing, it was still four oʼclock in the morning.

Napahikab ako.

I wanted to sleep again but since I was already awake, I decided to get up.

Humarap ako sa malaking salamin. Iʼm still wearing Jaxonʼs jersey that he lent me yesterday. When I got home, I immediately went straight to my room and lay down on the bed, dahil na rin siguro sa pagod kaya matagal akong nakatulog. 

Fortunately my skin is back to normal, itʼs no longer red and it doesnʼt leave any marks. Maayos na ang pakiramdam ko kaya papasok pa rin ako ngayon.

I soaked myself in the bathtub with warm water. While relaxing, Henry suddenly came to my mind, I still canʼt help but remember his reaction after I smiled and thanked him.

I grinned and then shook my head to shake off the image of him I was seeing in my imagination. Nagdumali akong naglinis ng katawan at nagbihis upang makababa na dahil kanina pa kumakalam ang aking tiyan.

“What should I do now? How can I teach if my things arenʼt here?” I asked myself as I looked in the mirror, combed my hair after drying it.

“Ugh! Bahala na.” I threw the comb before tying my hair into a ponytail.

I opened the drawer under the study table, took out the chalks and put them in my pocket. Sapat na itong yeso at kaalaman ko para makapagturo sa kanila.

Lumabas ako sa kuwarto bitbit ang jersey na balak kong palabahan. Kaya nang makita ko ang isang kasambahay namin na nagpupunas ng hagdan ay agad ko itong tinawag upang utusan.

Malayo pa lang ay naaamoy ko na ang niluluto sa kusina, natakam tuloy ako kaya agad akong nagtungo roon. Ngunit nang makita ko si Manong Danilo na nandoon parang nawalan ako ng gana kumain.

He put down the tea he was drinking when he noticed me. He greeted me but I just ignore him, I sat in the chair without saying a word.

Bukod kay Manang Blenda, madalas ko rin siyang kasama sa hapagkainan tuwing tanghalian at hapunan. Hindi kasi ako maagang gumigising kaya hindi ako nakakasabay sa kanila mag-almusal.

“O, gising ka na pala,” si Manang Blenda sabay lapag ng sinangag sa lamesita, ito siguro iyong naaamoy ko kanina.

“Bakit hindi mo ako sinundo kahapon?” baling ko kay Manong Danilo nang hindi ko na napigilang magtanong.

Natigilan siya, naiwan sa ere ang kutsarang akma niyang isusubo. “Hindi baʼt nakapag paalam na ako sa iyo—”

“Wala akong natandaan na nagpaalam ka sa akin,” mataman kong putol sa kanyang sinabi.

“Tinawagan kita kahapon ngunit hindi ka makontak. Kaya nag text na lang ako sa ‘yo na hindi kita masusundo dahil kailangan ako ng anak ko sa ospital,” dahilan niya.

Sawang-sawa na ako sa rason niya, kesyo inatake na naman sa puso ang anak niya. Kailan pa ba iyon mamamatay?

“Pasensiya na, hija, kung hindi ko nagagampanan nang maayos ang tungkulin ko.” Napayuko siya. “Hayaan moʼt babawi ako,” dagdag pa niya.

Sheʼs Temporary Teacher Of Section Gang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon