Trigger Warning: This chapter contains strong language that may not be suitable for some readers.
Nakisiksik ako sa mga taong nagkukumpulan upang makiusisa kung ano ang nangyayari roon.
“Tabi!” Hinawi ko ang mga estudyante upang makadaan ako.
“Huwag ka ngang manulak!”
“Tangina! Sino ‘yong nanulak saʼkin?”
The others were complaining but they immediately became silent when they turned to me. Nagbigay sila ng daan ngunit agad ding umugong ang bulong-bulungan.
Napatigalgal ako nang makita ang isang lalaking nakasabit sa itaas ng pader, walang buhay. Tumagos sa katawan nito ang matulis na bakal, nakabaon sa dibdib na animoʼy basahang isinampay.
Hindi ko kilala ang lalaking iyon sapagkat nakatalikod ito sa amin at nakasubsob ang kaniyang mukha. But based on the P.E uniform he was wearing, I knew he was a high school student.
With so much noise around, I couldnʼt understand what they were talking about. I was about to leave that crowd dahil naiingayan ako at naaalibadbaran na rin pero natigilan ako ng biglang may sumigaw.
“Nathan!”
Awtomatikong napalingon ako sa tatlong binatilyo na umiiyak habang tinatawag ang pangalan ng yumao nilang kaibigan.
Wait... those three seem familiar to me. Where did I see them again?
Nilapitan ko silang tatlo. Hindi inalintana ang mga taong nababangga ko. I donʼt know why Iʼm still here. Dahil sa kuryosidad kaya ako napadpad rito pero ngayon alam ko na kung ano ang pinagtitinginan nila ay maari na akong umalis dahil paniguradong naghihintay na sa faculty ang mga kasama ko. Pero hindi ako kuntento hanggaʼt hindi nasasagot ang mga katanungan ko.
Inakbayan ko ang dalawa at bahagyang yumuko upang marinig nila ang sasabihin ko. “Nag cutting class na naman kayo?”
Sila iyong nag akyat-pader noong nakaraang araw. I thought it wouldnʼt happen again because I threatened to report them to the guidance office, pero hindi pa rin sila nadadala kaya hayan ang napala sa kaibigan nilang matapang na si palito.
Gulat silang napalingon sa akin. Maging ang isa na ngumangawa ay natigilan din, ito iyong lalaking pinagtulungan nila noon na makaakyat sa pader.
“Ate!” I was startled when he suddenly hugged me.
Mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilang braso at bahagya ko siyang inilayo sa akin. “Huwag mo akong tawaging ate, hindi kita kapatid.”
Napapahiya naman siyang yumuko. “Sorry po...” Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at pilit na ngumiti sa akin. “Ako nga po pala si Franko. Ito naman si Dustine at Jimboy, mga kaibigan ko,” pagpapakilala niya sa dalawang inakbayan ko kanina.
“Ikaw, anong pangalan mo, ate?”
Gusto kong mapairap. Sinabing huwag niya akong tawaging ate! Ang kulit!
“Brielle.”
“Ano nga po pala ang ginagawa mo rito, Ate Brielle? Dito ka po ba nag-aaral?” Franko asked while rubbing his teary eyes.
“Nagtuturo ako rito,” sagot ko.
His eyes widened. “Talaga po?! Teacher ka po ba?” he exclaimed in amazement.
Ngumisi ako sabay umiling. “Hindi pa... pero malapit na.”
“Ate Brielle! Si Nathan...”
Nilingon ko si Jimboy na mangiyak-ngiyak habang nakatingala sa kaibigan nilang binawian na ng buhay. He was still hanging from the top, his blood was spread on the wall and it was dripping non-stop.
BINABASA MO ANG
Sheʼs Temporary Teacher Of Section Gang
AcakHer name is Brielle Lauren Griffin, the youngest student teacher from Merrol Hyde Academy. Sheʼs not just an ordinary teacher, because she is also a former gangster with fighting skills. Brielle wanted to teach peacefully, but when she was assigned...