Marahil pagod kana, pero hindi ka nag-iisa, marami kang kasama. Ganito ang mundo, ito ba'y iyong nakikita gamit ang iyong magagandang mga mata?
"The world is going to give you beauty, but it will also give you pain."
Ang maiiwang aral rito ay ito'y regalo rin sayo. Ito'y gagawin kang malakas at hindi na muling luluha pa... Marahil luluha ka pa ngunit hindi kana mahina, libre lang umiyak, Hindi ibig sabihin na umiyak ka ay mahina kana, luluha ka ngunit hindi dahil sa sakit na iyong nadarama, ngunit sa saya na siyang ibinigay nito sa'yo. Isang araw ika'y lilingon sa iyong likuran at mapapagtanto na nakayanan mo ang mga bagay na akala mo'y papatay sa'yo
A friend of mine told me "yaji hindi ko na kaya, nawala na ang mga mahal ko, Wala na si lola, Wala na rin si John" si John ay ang kaniyang kasintahan for almost 2yrs, niloko siya nito ng araw rin ng mismong pagkamatay ng kaniyang minamahal na lola, napakalaking coincidence hindi ba? Sinunubukan nitong magpakamatay dahil sa pagod na kaniyang dinaranas sa kanaiyang buhay, isang araw itinakbo ito sa hospital dahil sa kaniyang hiwa sa pulsuhan, ayon sa kaniyang tita ay natagpuan itong walang malay sa kaniyang kuwarto, muntikan itong nabawian ng buhay ngunit, tunay ngang may himala, dahil lumaban siya
Ilang buwan ang lumipas at naging okay ito, tinanong ito ng kaniyang tiyahin kung bakit niya ito ginawa at ang sagot nito ay "Gusto kong sumama kay nanay, pero akala ko magiging masaya siya dahil hindi na muli kami maghihiwalay pa" naiiyak na sabi nito sa kaniyang tiyahin "Tita nagkita kami ni nanay" dagdag pa nito, na siyang ikinaiyak ng kaniyang tiyahin.
Ngayon, Siya ay naging masaya sa kaniyang buhay, pumasok rin sa isip nito na siguro ang sama ng mundong ito sa kaniya, dahil ipinagdaramot ng mundo ang kasiyahan sa kaniya, pero napagtanto rin nito na ginawa siya nitong malakas at magpatuloy sa buhay, minsan akala natin ang pagpapakamatay ay ang siyang sulosyon sa mga poblema... Pero mas mainam kung mas magandang sulosyon ang ating gagawin upang malutas ito ng maayos, Namuhay siyang masaya at kasama ang kaniyang tiyahin at ang mga kaybigan nito lumago ito na para bang paro paro,
At siya, ay isa sa mga bumabasa ngayon nito
"Kung saan ka mahina, ay don ka malakas"
Hanggang sa susunod na kabanata, paalam...
YOU ARE READING
Whisper
Acak"Whisper" is a heartwarming book centered around the theme of comforting others. Through its pages, the narrative unfolds with soothing words and thoughtful gestures, providing solace and reassurance. The stories within "Whisper" explore the gentle...