Chapter 2

55 16 37
                                    

HINDI NAMAN GANOON ka-intense ang buhay nya. Sa katunayan, ayaw nyang mag-umaga dahil pinapatunayan lang sa kanya ng mundo na wala syang ambag maliban sa huminga.

At syempre, pumasok sya kahit wala naman syang kailangang patunayan. Hindi sya mangpa-plastic; ayaw nya sa eskwelahan dahil puro naman kasinungalingan ang lumalabas sa mga bibig nila.

Lagi silang nagsasalita para sa mga kabataan tungkol sa magiging estado ng kinabukasan nila. Natatawa tuloy sya pag naririnig n’ya yon, hindi naman kasi nya mahanap yung lugar na para sa kanilang walang magulang.

“Class dismissed.”

Tumayo si Daniella upuan nya’t nag-inat inat. May klase pa sya pagtapos nitong lunch. At ramdam na nya ang antok.

Agad lumapit sa kanya si Kaloy. “Saan ka kakain?”

Kinuha ni Daniella ang bag nya sabay naglakad para lampasan sana si Kaloy pero tinapik niya ito sa balikat sabay sabing, “Sa lugar na wala ka.” Ngumiti sya’t tuluyang lumampas.

Maraming pwedeng tambayan si Daniella sa eskwelahang ’yon. Pabor na rin sa kanyang ganto ang schedule ng pasok nya dahil naiirita sya sa mga estudyanteng feeling may-ari ng eskwelahan.

Dumukot sya ng lollipop sa bulsa ng palda nya saka nya binuksan at sinubo ito.

Nang mapatigil sya sa gitna ng hallway nang marinig nyang may tumutugtog ng Rivers Flow In You sa piano. Napaatras sya nang dalawang hakbang at sinilip ang isang classroom. Dahil glass window naman iyon, nakita nya ang salarin sa pagpapatigil sa kanyang maglakad.

Sinilip nya kung bukas ba ang pinto at nakita nyang may maliit na siwang ito kaya siguro nya narinig.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan, sinisigurong hindi maiistorbo ang pianista. Walang ibang tao sa classroom na 'yon kaya bakit nandito ang lalaking 'to?

At bakit ako nangingialam? Pakialam ko ba sa kanya? Tumugtog lang naman sya at naengganyo ako.

Sumandal si Daniella sa pader habang pinagmamasdan ang lalaking damang-dama ang bawat tono ng kanta. Napapapikit pa si Daniella dahil ramdam nyang para syang nilalamon ng bawat pagtipa ng lalaki sa piano keys.

Hanggang sa natapos ang kanta, nandoon pa rin sya. Pumalakpak pa nga habang napapailing.

“Ang galing mo!”

Para namang nagulat ang lalaki dahil nanlalaki ang mga mata nitong lumingon sa kanya. Ngunit natawa lang si Daniella at inayos na ang bag nyang nakasabit sa balikat nya.

“Salamat sa tugtog.” Sinaluduhan nya ang lalaki sabay naglakad na palabas.

Nag-iisip na sana si Daniella kung saan sya tatambay dahil wala naman syang pera para pang kain. Hindi sya nakautang kay Aling Beth. Nang may humila sa kanya.

“Sandali...”

Paglingon nya, iyon yung lalaking tumutugtog kanina lang. Halata sa mukha nito ang pagkalito. Nagtataka na siguro sa ginawa nyang pagsunod.

“Bakit?” walang abog na tanong ni Daniella.

Sabay baba ang tingin sa kamay ng lalaking hawak-hawak pa rin sya. Bumaba rin ang tingin nito sabay bitiw sa pagkakahawak sa kanya.

“Ano...”

Tumaas ang kilay ni Daniella. “Anong ano?”

Napakamot sa ulo ang lalaki. “Hindi ko rin alam ba’t kita sinundan...”

Nagkaroon nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang biglang humagalpak ng tawa si Daniella. Walang humpay ang tawa nyang 'yon na kung may tao lang sa hallway na 'yon, baka akalain nilang nakatakas sya sa mental.

Cigarettes After LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon