Chapter 5

19 4 4
                                    

DANIELLA IS THE girl your mother warned you about. Walang doubt sa bagay na 'yon. Kaya hindi nya maintindihan kung bakit sa kabila nang pagpapakita nya ng magaspang na pag-uugali ay hindi pa rin sya tinatantanan ng mga lalaki.

Lust...maybe?

Sa mundo naman kasing 'to, kung meron mang nangingibaw—iyon na siguro ang isang component ng seven deadly sins—ang lust. Sinasabi nilang katumbas daw ng salitang 'yon ay ang pagmamahal. Gustong matawa ni Daniella.

Isa kasi sa tumatakbo sa isipan nya: paano ba dapat magmamahal ang isang taong hindi kailanman naranasan ang mahalin?

Ironic, right?

Kaya kahit anong pagpupumilit ni Kaloy na pumasok sa isipan nya. Isa lang ang nagiging sagot nya at ito ang pagtanggi.

"Hindi ko alam kung anong pag-iinarte 'yang pinoposses ng pagkatao mo para hindi tanggapin ang offer sa 'yo ni Santi," pinapagalitan sya ng boss nya. Gusto na kasi nyang bumitiw sa trabaho. "At saka, ano bang inaasahan mo? Itatrato kang prinsesa gayong sa bar ka nagtatrabaho? Ayusin mo nga 'yang mindset mo!"

Kahit nakakasuka na. Pilit pa ring nilulunok ni Daniella ang mga salitang 'yon para lang bitiwan na sya ng boss nya sa trabahong meron sya. Imbes kasi na walang malisya ang pagiging waitress, nagkakaroon. Dahil sa mga katulad nila ang takbo ng pag-iisip.

"Ayoko na lang po talagang magtrabaho rito," wika ni Daniella.

Bumuga ng hangin ang boss nya. Napahilot ito sa sentido habang nakasandal ang ulo at likod sa swivel chair. Malakas sa customer si Daniella, isa sya sa mga waitress ng bar nya na nagdadala ng mga taong hindi pumapasok dito noon dahil sa kagandahan nyang taglay. Kaya alam ng boss nyang nakakapanghinayang kung bibitiwan sya.

"Gusto mo bang taasan ko ang sweldo mo? Wag ka lang umalis."

Pero matigas ang dalaga. "Kung patuloy lang naman akong babastusin ng mga customer rito, lulunukin ko na lang ang laway ko araw-araw kaysa tumanggap ng perang dinuduraan nila para pasunurin ako."

Hindi nakapagsalita ang boss ni Daniella sa hirit nyang 'yon. Hindi naman kasi pumasok si Daniella bilang dancer kundi waitress lang. Pero nabubulag sila sa tuwing binabalik-balikan ng mga malalaking tao ang bar dahil sa kanya.

Sa huli, wala na ring nagawa ang boss nya. At lumabas ng lugar na 'yon si Daniella na malaya na bilang waitress.

Ngayon mo praktisin ang paglunok ng laway araw-araw.

Bumalik si Daniella ng tenament na parang lumilipad sa hangin. Wala pa kasi syang kain nang pumunta sya sa bar. At ngayong wala na rin syang trabaho, hindi na sya makakautang sa tindahan ni Aling Beth dahil baka maging bato pa ang pangako nyang makakapagbayad ng mga utang kung uutang pa sya ngayon ulit.

"Bakit ba kasi ang taas ng standards sa Pilipinas?" tanong ni Daniella sa harapan ng body mirror nya.

Ilang gabi na syang walang tulog dahil nag-iisip sya kung paano sya kakain ngayong wala na syang trabaho. Pero napatigil din nang marinig ang katok sa pintuan.

Naglakad sya papunta sa pinto at nang pinagbuksan nya ito ay bumungad sa kanya ang isang lalaking may hawak na bouquet.

"Kayo po ba si Daniella Diaz?"

"Ako nga. Anong kailangan nyo?" tanong nya sa lalaking mukhang delivery man.

Inabot sa kanya ang bouquet kaya nawalan sya ng choice kundi ang hawakan ito. "Pinabibigay po sa inyo."

"Nino?" nagtatakang tanong nya. "Wala naman akong inorder na ganito. And wala akong kilalang pwedeng magbigay nito."

"Ayaw pong ipagbigay alam ng may-ari yung pangalan nya. Basta, para sayo raw po 'yan," ani delivery man. "Paki-pirmahan na lang po ito, Ma'am and picturan ko po kayo para may proof na naipadala sa inyo."

Cigarettes After LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon