NAALIPUNGATAN SI DANIELLA nang maramdaman nyang may humahaplos sa buhok nya. Nang idinilat nya ang mga mata nya ay bumungad ang nag-aalalang mukha ni Drake kaya naman napaayos sya ng upo.
"Anong ginagawa mo rito?" namamalat ang boses na tanong nya.
Bumuntonghininga si Drake. "Nag-aalala na ko sayo. Hinimatay ka kanina habang nagre-report. Ano ba talagang nangyayari sayo?"
Inikot ng dalaga ang tingin nya sa buong kwarto at napansin ang mga bed wards sa tabi nya. Mukhang dinala sya ng binata sa clinic.
Napahaplos sya sa kanyang lalamunan dahil namamalat ito. "Nauuhaw ako."
Kinuha naman agad ni Drake ang tubig sa lamesa sa gilid ni Daniella at binuksan iyon upang iabot sa dalaga. Binili na nya 'yon kanina habang natutulog pa ito. Agad naman itong ininom ni Daniella.
"Ayos ka na ba, Lollita?" mahinahong tanong ni Drake sa kanya. Hindi maitatanggi na kahit nitong mga nakaraang araw ay tila iwas ang babae sa kanya ay hindi pa rin nya magawang hindi mag-alala rito.
Nanggaling na nga rin dito kanina si Kaloy, pinabalik lang dahil kailangang isa lang daw ang magbantay para hindi crowded ang clinic. Isa pa, may klase pa sila.
"Lollita? Kailan pa naging Lollita ang pangalan ko, Drake?" Nakakunot ang noo ni Daniella sa binata. "Ibang babae naman yata 'yan."
Naguluhan si Drake. "Ikaw ang nagi-insist na Lollita ang pangalan mo. Hindi mo na ba naaalala?"
"Ano bang kailangan alalahanin?"
"Tinutukan mo ako ng archery noong nakaraan, Daniella. Sabi mo, kung hindi kita titigilang tawaging 'Daniella' e tataaman ako sayo," paliwanag nito at napailing. "Hindi kita maintindihan no'n, pero pinipilit ko. Tinakasan mo ako't tumalon ka sa bubong ng club building tapos iniiwasan mo pa ako—"
"Teka, teka..." Pinatigil sya ni Daniella. "Anong nangyari sakin kanina?"
"Hindi ko alam. Bigla ka na lang hinimatay habang nagpe-present ng report mo para sa isang subject natin," kwento nito. "Ayaw pa sana kitang lapitan dahil natatakot akong magalit ka 'pag nalaman mong hinawakan kita dahil noong nakaraan mo pa ako iniiwasan. Pero hindi ko magawa."
Sinubukang halukayin ni Daniella sa mga alaala nya ang mga kinwento ni Drake pero maski isa ay wala syang naalala. Doon na sya kinabahan na baka may nangyayari na naman sa katawan nyang hindi nya maintindihan.
"Anong pangalan nga ulit yung pinakilala ko sayo?" mahinang tanong ng dalaga.
"Lollita."
Napahilamos ng mukha si Daniella sa narinig. Alam nya...maaaring inaatake na naman sya. Maaaring sinusubukan na naman syang kulungin ng mga ito sa isang alaala. Sila na naman siguro ang dahilan kung bakit nawala sya ng malay.
"Drake..."
"Bakit?"
Tiningnan ni Daniella si Drake. Ang mukha ng lalaking ito ang magsisilbing sagot kung talaga nga bang masyado lang syang nag-iisip o talagang nababaliw na sya.
"Sa tingin mo ba, nababaliw na ako?" mahinahon ang boses ni Daniella.
Natigilan si Drake. Hindi nya inaasahan ang tanong na 'yon. "Bakit mo naman natanong 'yan? Kasi hindi...hindi ka nababaliw. At hindi ka mababaliw."
Huminga nang malalim si Daniella at tinanggal ang kumot nya. Bumaba sya ng kama at kinuha ang bag nya na nasa katabing kama nya lang.
Narinig na rin nya ang pagtayo ni Drake mula sa kinauupuan nito. At nang lalampasan na sana nya ang binata ay hinawakan nito ang siko nya.
"Teka, tatakasan mo na naman ba ako?"
Umiling si Daniella. "Sumama ka sakin."
Parang na-trauma na yata si Drake dahil doon sa ginawang pagtakas sa kanya ni Daniella noong nakaraan. Sumunod din naman agad sya.
Habang naglalakad sila pabalik sa building nila, walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hanggang sa lumiko si Daniella sa pamilyar na hallway at tumigil sa isang classroom.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Drake sa kanya.
Nandito lang naman sila sa classroom kung saan sila unang nagkakilala. At dahil lagi namang bukas ang classroom na 'yon ay malay silang nakapasok na dalawa.
"Tugtugan mo 'ko," utos ni Daniella.
"Bakit?"
"Hindi mo ba kayang gawin para sa akin?" tanong pa ng dalaga.
Walang sali-salita namang pumunta si Drake sa harap ng piano. Ang huling tugtog din ni Drake ay noong nagkakilala sila ni Daniella. Para kasi sa kanya, parang sacred ang unang pagkakakilala nilang dalawa.
Walang kasiguraduhan at baka na lamang na dumating. Kaya ipinangako noon ni Drake sa sarili nya na tutugtog lang sya ulit sa harapan Daniella. At heto na ang pagkakataong 'yon, ibinigay na sa kanya.
"Anong gusto mong tugtugin ko?" tanong ni Drake habang tinitingnan ang piano keys.
Gumawa naman ng ingay ang paghila ni Daniella sa upuan upang maitabi ito kay Drake. "Kahit anong alam mo."
Nagsimula namang mag-warm up ang mga daliri ni Drake sa pagtipa ng iilang keys upang pakinggan ang tunog nito. At nang pumikit sya ay bigla na lamang lumabas ang tono ng kantang Unti-Unti by Up Dharma Down.
Hindi alam ni Daniella kung ano ang kantang 'yon dahil hindi rin naman kumakanta si Drake. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, natulala sya sa mukha ng lalaki at may kung anong pumipiga sa puso nya.
Sana hindi ito panagip lang...sana totoo ngang kasama kita.
Sumandal si Daniella sa balikat ni Drake at ipinikit ang mga mata nya. Doon nya lang unang beses naramdaman na parang babagsak ang katawan nya. Sa ilang taon nyang pamumuhay sa mundong ito, pakiramdam nya — ngayon lang sya nagkaroon ng dahilan para maramdaman na nanghihina rin naman sya.
At dahil iyon sa isang tao...
...dahil sa lalaking tumutugtog ngayon ng piano para sa kanya.
"Kung isang araw, magbago ako — tatanggapin mo pa ba ako?" tanong ni Daniella habang nakaupo silang dalawa sa semento sa rooftop ng school nila.
"Paanong pagbabago ba?" balik tanong ni Drake. Dito sila tumungong dalawa pagtapos tumugtog ni Drake para sa dalaga.
"'Yong pakikitungo ko, yung pagpapakilala ko sayo, at kung sino ako," sagot ng dalaga.
"Bakit? Babalik ka ba kay Lollita?"
Hindi iyon inaasahan ni Daniella. Alam naman nyang walang alam si Drake patungkol kay Lollita. Ngunit sa loob-loob nya'y natatakot sya. Minsan nang nangyari sa kanya na iniwan sya ng katinuan nya dahil sa malalang pagpapaalala sa kanya ng buhay kung sino ba talaga sya sa mundong ito.
At tuwing nangyayari 'yon, mas nararamdaman ni Daniella na hindi lang sya basta ulila. Hindi lang sya basta mahirap. Hindi lang sya basta si Daniella. Kundi wala. Wala syang pwesto sa mundong ito.
Nakikita lang sya ng marami dahil pinipilit nyang magpakita. Gusto nyang mapakinggan din sya ngunit hindi rin nagtatagal ay nagiging masama ang lagay nya tuwing nalalagay sya sa gitnang mata ng mga tao.
"Pwede..." sagot nya. "At hindi ako sigurado kung makakabalik pa ako kapag nangyari 'yon."
Sinulyapan ni Drake si Daniella at nakitang nakatitig din pala ito sa kanya. Naramdaman nya ang takot kahit hindi pa man sya sigurado kung ano itong nararamdaman nya para sa dalaga.
"Kakayanin mo namang bumalik, di ba?" tunog nagmamakaawa ang boses ni Drake at hinaplos ang mukha ng dalaga.
Sa unang pagkakataon ay lumamlam ang mga mata ni Daniella at hinawakan ang kamay nitong nasa pisngi nya. "Susubukan ko..."
Napapikit na lang si Daniella nang lumapit sa kanya si Drake at pinakiramdaman ang labi nya.
BINABASA MO ANG
Cigarettes After Lipstick
General FictionDate Started: 01/10/24 Date Ended: 01/14/24 [PART 1]