Chapter 3

42 15 34
                                    

SABI NGA NILA, Life is not all about rainbows and unicorns.

Pero bakit naman parang ginagago si Daniella dahil sa neon colors containing pink, blue, green and other colors na included sa rainbow tapos sa bar pa?

Parang sinusubukan kang hanapan ng lugar pero hanggang sa boundary lang ng mga hindi mo afford tawirin. May chansa ka pero may limitation kaya ang ending, kailangan nyang tanggapin na hindi lahat pinagbibigyan ng tadhana.

“Daniella, ikaw yung mag-serve sa table nina Sir Santi. Ikaw yung nire-request nya," bungad ni Callie habang nasa counter sya't nagpupunas ng mga drinks.

"Dapat sinabi mong busy ako," naiirita nyang sinabi.

"Sinabi ko naman kaso nagpumilit pa rin. Ikaw daw talaga or hindi sya oorder."

Hindi lahat ng tumatambay sa bar na 'to puro mga matatanda. May mga bata rin, 'yon bang pinapatos ang PHP150 entrance fee ng bar na pinagtatrabahuhan ni Daniella para masabing cool kid sila?

At si Santi, si Daniella ang binabalik-balikan nyan. Ang dinig ni Daniella, nasa third year college na 'yon. 'Langya, seventeen palang si Daniella. Ayos lang ba sya?

Binagsak ni Daniella ang pamunas sa island counter at lumabas sa booth para puntahan si Santi. Na nang maabutan nya sa lamesa nila ay malawak ang ngiti kasi dumating sya. Naging dahilan 'yon para magsigawan ang mga kasamahan nitong lalaki sa lamesa nila, binoboost ang overconfident na si Santi.

"Bilib na ko sayo, man."

"What Santi wants, Santi gets."

Sa loob-loob ni Daniella, gusto na nyang sapakin ang nguso ng mga lalaking kung mag-usap parang wala sya sa harapan nila. Pero dahil ayaw nyang mawalan ng trabaho, kinalma nya ang sarili nya.

"What's your order, Sir?" madiin ang bawat salita ni Daniella.

Sumipol ang isang kasamahan ni Santi. "Sexy mo pala mag-english, Miss. No doubt our friend here likes you."

Umirap si Daniella dahil doon. "Pasensyahan pero hindi ko type yang kaibigan ninyo."

Dahil doon, humagalpak ang mga kaibigan ni Santi. At nang lumipad ang tingin nya sa lalaki, mukhang napahiya ito. Pero para maisalba ang sarili, tumayo sya mula sa pagkakaupo sa couch at tumabi kay Daniella. Aakbayan nya sana ang babae nang umiwas ito, leaving him dumbfounded.

"Ooooh!" reaksyon ng mga kaibigan ng lalaki. "Masakit 'yon, pre."

Tumalikod si Santi sa mga kaibigan nya at nag-lean nang kaunti kay Daniella para bumulong, "Don't test my patience, Daniella. Alam kong nagpapakipot ka lang dahil tipo kita. Pero pag napuno ako sayo, hindi ako nagdadalawang isip na ipasipa ka sa trabahong 'to."

Nag-smirk si Daniella at tinitigan sa mga mata si Santi. "Bakit? Ikaw ba ang may-ari nito?"

Hindi na nakapagpigil si Santi at hinapit ang dalaga para sana halikan nang malakas na dumampi sa kanyang pisngi ang palad ni Daniella.

Nagkaroon ng katahimikan sa table na iyon nang sumigaw si Santi. "Fuck you, bitch!"

Sa mga sandaling 'yon ay nanginginig na rin sa galit si Daniella at sinagot na sya, "Putangina mo naman! Hindi kasama sa trabaho ko ang maging bayaring babae mo! Mandiri ka naman sa gusto mong biktimahin!"

Tinanggal ni Daniella ang mala-apron na ginagamit nila at hinampas iyon sa mukha ni Santi. Walang nakapagsalita sa mga kasama nya sa table at tila nalunod ito sa ingay ng paligid.

Pagtapos ay walang sali-salitang lumabas sya ng bar na 'yon. Naninikip ang dibdib nya. Alam naman nyang kahit ipaglaban nya ang sarili nya sa loob ng lugar na 'yon, walang kakampi sa kanya dahil mas nananaig ang judgement ng mga tao na pag nagtrabaho ka sa ganoong klaseng lugar ay maaaring kumakapit ka na lang talaga sa patalim.

Cigarettes After LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon