•Blythe•
Bwiset! Bwiset talaga! Aaya-ayain ako magda-- lumabas pala! Tapos wala rin naman palang mangyayari!
"Ay bwiset si Zack!" tumingin ako sa paligid ko pero wala namang nakapansin saakin kasi wala naman talagang masyadong tao eh
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at binasa yung text na natanggap ko
_______________________
From: Zack
Hindi kasya tong bente pesos. Masyadong mahal ang pambayad para sa taong makaka-intindi saakin. Pero thank you na din sa bente pesos na toh. Makakabili ako ng cornetto dito. :))
________________________
Kapal talaga ng mukha ng taong toh. Nung una susungit-sungit pero nung tinawagan ng girlfriend niya biglang naging anghel! >:(
Gusto ko tuloy bawiin yung bente pesos na binigay ko sakanya :((
Ang hirap pala maglakad. Hindi rin naman kasi ako sanay magcommute eh. Isa pa toh sa kasalanan ni Zack saakin eh! Pina-iwan niya saakin yung sasakyan ko sa school! Lagot ako nito bukas!
"Langya ka talaga Zack!! Kasalanan mo kung bukas pagpasok ko lelecturan nanaman ako!" kina-usap ko lang sarili ko habang sinisipa yung mga bato na nadadaanan ko
"Sana hindi nalang ako pumayag edi sa----"
*BEEEEEEEP* *BEEEEEEEEP* *SCREECH*
"AAAAAHHHHHHH!!!!" halos matumba ko sa kinatatayuan ko nang may biglang pumrenong sasakyan sa harap ko
Bumukas ang pinto at lumabas ang isang hali-- teka pogi!! Ang cute niya!
"Miss sa susunod wag kang humarang sa daan! Baka maaksidente ka pa eh!"
Kahit gusto kong mainis dahil muntik niya na akong masagasaan hindi ko magawa! Ang pogi niya! Shet >/////////////<
Hindi parin ako kumikibo at winave niya yung kamay niya sa harap ng mukha ko kaya napailing ako tsaka yumuko.
"Okay... Sorry. Muntik na kitang masagasaan tapos nasigawan pa kita."
Iniangat ko yung ulo ko at nakita ko siyang nakatingin saakin. Syet!! Wag kang ganyan! Baka di ko mapigilan sarili ko!
"O-okay lang..."
Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko kaya napatigil ako, "Are you alone? Uhm... do you want me to take you home?" nice magka-ryhme :DD
"Okay lang ba sayo yun?" tumango siya kaya pumayag na din ako
Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Diba ang sweet? Feeling ko tuloy prinsesa ako :")
Pero wala eh... haggard parin akong tignan -__-
Sinabi ko lang sakanya kung saan kami nakatira tsaka niya ko hinatid hanggang sa tapat ng bahay namin.
"Sige thank you nalang. Goodbye." lalabas na sana ako ng sasakyan niya nang hawakan niya nanaman yung kamay ko kaya napatigil ako sa pagbukas ng pinto
Lumabas siya at pinagbuksan niya nanaman ako ng pintuan, inalalayan niya pa akong bumaba :")
"Salamat ulit. Ingat ka."
"Uhm wait... Pwede ko bang malaman yung pangalan mo?" feeling ko nagbablush na ako buti nalang madilim
"Blythe..." nilahad niya yung kamay niya kaya inabot ko naman
