•Blythe•
"Okay! Now go to your respective partners!" nakakabingi naman tong si sir =__=
Pero sinunod lang namin sya. Ako na lang yung pumunta dun sa tabi ng pwesto ni Zack. Sa ganyan katamad na tao at sa taas ng pride nyan? Sus, magsasayang lang ako ng oras kung hihintayin ko pa yan.
Nag-explain na yung prof namin tungkol dun sa project na sinasabi nya. Halos wala naman kaming maintindihan eh.
Tutal daw, history naman yung class namin at karamihan sa klase namin tourism students, tungkol sa iba't ibang bansa yung project namin.
Nagbunutan na kami kung ano yung country at city yung makukuha namin. Pero hindi agad pinabuksan saamin nung prof namin yung papel na nabunot namin kaya hindi pa namin alam kung ano yung country at city namin.
"Buksan nyo na yung nabunot nyo!" sigaw ng proffesor namin
Kelan ba hihinahon tong si sir?!
Si Zack yung bumunot nung para saamin kaya sya na rin yung bumukas nung papel.
Medyo lumaki yung mata nya pero bigla namang tumaas yung isa nyang kilay
Binigay nya saakin yung papel tsaka nya nirolyo yung mata nya
Ok? Problema nya?
Prenteng kinuha ko yung papel tsaka binasa...
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Paris, France
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Halos mabitawan ko yung papel na hawak ko
Bakit yun pa?
Pinukpok ni sir yung stick nya sa may board tsaka nagsalita, "Para sa project nyo, gagawa kayo ng mini resemblance ng country at city na nakuha niyo. Pwede kayong gumawa ng junk art o hindi kaya gumawa kayo ng collage ng mga tradition doon. Kailangan niyo din maglagay ng information."
"Sir pwedeng dalawa?"
"Kahit isangdaan pa yan, basta maganda, may sense, may relation, at matibay."
Nagsimula na yung iba sa pagpa-plano ng kung anong gagawin nila
Pero kami dito ng partner ko... Wala lang. Nagtititigan lang kami dito.
"Hoy! Magtititigan na lang ba kayo hanggang maging puti yang mga mata nyo?! Work!" nagulat pa kaming dalawa, yung prof lang pala namin
"Hindi na pala kailangan.... Class dismissed!" tumingin saamin si sir tsaka umiling-iling
"Tsk..." narinig kong sabi ni Zack tsaka tumayo
Tumayo na rin ako tsaka lumabas ng classroom
Papunta na sana ako sa susunod kong klase ng biglang may humila saakin
"After your last class go to the library."
"Bakit?"
Tumingin muna sya sakin ng matagal bago sumagot, "Gusto mo ng mataas na grade diba? Ede pumunta ka." tsaka sya naglakad palayo.
Lahat sila nakatingin lang sakanya habang naglalakad sya palayo pero nung makalayo na talaga sya ng tuluyan bigla naman nila akong tinignan kaya nagpalakad nalang ako ng mabilis palayo.
