•Blythe•
"Ate! Gising! Ate!" grabe naman makasigaw to!
"Maya na!"
"Ngayon na! Ate!"
"Maaga pa eh!"
"Pati ako male-late eh! Sige na! Bangon ka na! Ate naman eh!" sabay yugyog sakin
"Mauna ka na! Mamaya pa klase ko eh!"
Nagulat naman kami nung biglang bumukas yung pinto
"Ano ba naman kayong magkapatid! Ang iingay nyo!" nagkatinginan kami ng kapatid kong si Bryle.
"Ikaw Blythe, isabay mo na tong kapatid mo. Para din naman makatipid tayo sa gasolina."
"Ikaw naman Bryle, papa mo na ang magsusundo sayo sa school mamaya. Kaya wag kang makulit."
Tsaka umalis si mama
Tingnan ko naman si Bryle tsaka nya ko binelatan
Loko talaga yung batang yun! Bahala sya! Pagsisisihan nya yun! :P
Naligo na rin ako tsaka nag-ayos. Joke lang. Hindi naman ako nag-aayos eh =.="
Kinuha ko na lang yung bag ko at lumabas na. Tinawag ko yung kapatid ko tsaka dumiretso sa school nya.
Nakakainis naman kasi tong kapatid ko eh! Napa-aga tuloy ako ng pasok sa university
Pinark ko na rin yung kotse ko at pumasok na sa academy
Wala pa namang masyadong tao. Kung sabagay maaga pa naman eh.
Oo nga pala may quiz kami mamaya
Nasaan na ba yung notebook ko? Naiwan ko ata sa bahay eh
Kapatid ko kasi eh nagmamadali! Nasaan na ba---
*BOGSH*
"Hey! Watch where you're going! B*tch!"
"Sorry" walang emosyong sabi ko
Hindi naman gaanong kalakas yung pagkaka-bunggo namin sa isa't isa. Napa-atras lang ako ng konti.
"Is that all you can say? Psh, kung sabagay... wala ka namang binatbat." nagsisi akong nagsorry pa ako
Si Keira. Halos sya na ang pinakab*tch na babae na nakilala ko.
Napatingin naman ako sa soccer field
Nakita ko na napatigil yung iba sa paglalaro at tumingin sa direksyon namin
Nakakahiya naman >O<
"Bakla! Kanina pa kita hinahanap! Grabe ka sister! Agaw-atensyon talaga!"
Si Rhys best friend ko
Kahapon ko lang ata nakilala yan eh! XD
"Kahit kelan talaga yung babaeng yun" napatingin na lang ako sakanya
Kahit naman ganyan yan, alam kong gustong-gusto na nyang i-salvage yang si Keira.
Inakbayan ko na lang sya tsaka sinabing "Wag kang mag-alala. Makakaganti din tayo dyan." :P
Pumasok na rin ako sa klase ko
Hindi ko sya kasama sa subject ko ngayon eh. Hindi kami parehas ng schedule :((
Medyo maaga pa kaya wala pang masyadong tao at wala pa ring professor
"Hey brownie!" napalingon naman ako sa tumawag
"Catch!" tsaka may binatong notebook yung lalaking tumawag saakin
*PAK*
"Aray!" tumama pa sa ulo ko
"Oops, sorry"
Kaya naman pala nawawala yung notebook ko eh
Grabe naman kasi makatawag ng 'brownie' eh! Kala mo aso yung tinatawag!
Brown kasi buhok ko. Natural. Sisihin nyo nanay ko. Kung ano-ano kinakain nung buntis sya sakin.
Pero kahit brunette ako, wala parin epekto. Nerd eh. Ikaw ba naman magsuot nitong glasses na to araw-araw. Pero okay lang yan. Matalino naman. XD
_______________________
"Okay class! Divide yourselves. Get your own partners. Faster, double time!" kagulat naman tong si sir
Bakit ba kasi lagi na lang partners? Kung hindi naman partners, group naman! Hindi naman siguro tanga tong professor namin para hindi mapansing walang pipili sakin diba?
"Go back to your places! Ako na lang ang pipili ng partners!" napatingin saakin si sir tsaka napa-iling
"Sir naman eh! Kami na lang!"
"Oo nga po sir! Wag na pong KJ!"
"May partners na rin po yung iba eh!"
Bigla naman bumukas yung pinto kaya napatigil na yung iba sa pagkulit kay sir
"Sorry sir, I'm late"
Pumunta na rin si Zack sa bakanteng upuan sa likod pero napatigil sya nung bigla syang tinawag ni sir
"Mr. Ayres" napalingon si Zack kay sir
"You'll be partners with Ms. Alvares"
O___O
"Huh?" sabay pa naming tanong
Pero hindi lang kami pinansin ni sir at nagtawag na ng iba para magkaroon ng partners lahat
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Zack na nakatitig lang saakin
Pero hindi lang sya yung nakatingin saakin...
...Pati lahat ng babae >O<
