Chapter 3

54 2 5
                                    

•Blythe•

"You're late."

Yan agad ang narinig ko pagkapasok na pagkapasok ko sa library

Umupo na ako sa tapat nya at nilagay yung bag ko sa gilid

Tumingin ako sa paligid at nakita kong wala nang masyadong tao

"Ganun ba ako ka-late?" tanong ko sakanya

"Pasalamat ka at nakapaghintay pa ako." sagot nyang walang emosyon

Nakalimutan ko, madali palang mainip tong unggoy na to

"Okay, lets get this straight. May naisip ka na bang idea para sa project?" mula sa pagkakasandal nya sa upuan nya kanina medyo umabante sya at pinatong ang magkabilang braso sa may lamesa

Nag-discuss lang kami tungkol sa project. Bigay lang ako ng bigay ng ideas habang sya sasabihin lang kung pabor sakanya yung idea ko o hindi.

 Nung natapos yung discussion namin paalis na sana ako nun pero bigla syang nagtanong

"Saan ka pupunta?" tanong nya habang naka-upo parin

"Uuwi na?" patanong kong sagot

"Hindi ka pa uuwi" tumayo na sya sa kinauupuan nya at lumapit saakin

 "Huh?!" nagulat ako dun sa sinabi nya kaya medyo napalakas yung boses ko

"Ginutom mo ko sa kakahintay. Pakakainin mo ako." pagkatapos nun ay hinila nya na ako papunta sa labas ng library

________________________

Hila-hila nya parin ako hanggang sa makapunta kami sa may sasakyan nya sa may parking lot

Papasok na sana ako sa backseat pero bigla nya akong pinigilan

"Anong akala mo saakin? Driver? Sa harap ka sumakay!"

Sinunod ko naman agad yung sinabi nya at pumasok agad sa passenger's seat

Pinaandar nya na yung kotse at tsaka ko lang naalala na may kotse nga pala akong dala kanina

"Oi Zack! May kotse ako! Yung kotse ko!" nag-panic agad ako nung maalala ko na dinala ko nga pala yung kotse ko kanina

"Eh ano ngayon kung ay kotse ka? May kotse rin naman ako ah." balewalang sagot nya

Minsan kasi kung may maiiwan na kotse sa loob ng campus overnight pede kang i-lecture ng kung ano-ano pero minsan pababayarin ka na lang.

Ayoko namang magbayad at mas lalong ayokong pumasok sa isang kwarto at makinig sa mga walang kwentang bagay. Mas malala pa ata yun sa detention eh.

Nagulat ako nung biglang tumigil yung kotse at bumungad sa harap ko ang isang magarbong restaurant.

Lumabas na rin ako sa kotse at tumabi saakin si Zack at nagsalita

"Dyan mo ko ililibre" tsaka sya nagdire-diretso papasok ng restaurant

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nung napansin naman yun ni Zack ay tinaasan nya lang ako ng kilay at nagsignal na lumapit sakanya kaya pumasok na rin ako sa restaurant.

Kinausap ni Zack yung isang waiter dun at sinenyasan nya ulit ako na lumapit. Nagmumukha tuloy akong aso dito.

Sinundan lang namin yung waiter hanggang sa ihinto niya kami sa isang table na pangdalawahan.

Let Bygones Be BygonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon