•Blythe•
"Understand?" tanong ng prof
"Yes sir!"
Oo lang kami ng oo sakanya kahit sa totoo wala namang nakikinig. Kunwari nakikinig at nagtetake notes kami pero sa totoo gumagawa na kami ng outline sa project.
"So how's your project going?" maraming napatigil sa tanong ng prof namin at nagkatinginan pa yung iba
Hindi lang pala kami ni Zack yung walang outline eh :PP
Boring lang yung klase hanggang sa naglunch. Buti nalang pala nagbayad si Zack noh? Kung hindi siya nagbayad edi baka mamatay na ako sa gutom at sa sobrang bored dun.
"Bly! Punta tayo sa mall next time! Madami daw nakitang pogi yung isa kong nakakwentuhan kanina dun eh!" sabi ni Rhys habang halatang nae-excite na kinikilig
Muntik ko nang mabuga yung kinakain ko sa sobrang excitement nang may naalala ako, "Rhys! Rhys!"
"Oh?! Dahan dahan! Baka mabugahan mo ko!"
Pinalo-palo ko yung lamesa sa tapat ko, "May nakilala ako kagabi! Ampogi niya bes! Tapos gentleman pa!"
"Talaga? Ano pangalan?"
"Rex pangalan niya! Oh diba sosyal! Pang dinosaur ang peg! Tapos maputi siya, matangkad, cute, pogi, at higit sa lahat gentleman!"
"May picture ka?"
"Wala eh! Ano yun unang kita namin picture agad? Pero alalang-alala ko naman yung mukha niya! Para siyang anghel." pinatong ko yung ulo ko sa kamay ko na parang nagdedaydream
"Pero akin na siya!" pahabol ko kay Rhys
"Sige na nga! Kung makadescribe ka kasi wagas eh!" para namang nalugi toh
"Paano mo ba siya nakilala?" nilapit pa ni Rhys yung mukha niya saakin na parang interisado na interisado
"....Muntik niya na kasi ako masagasaan nun." ngayon si Rhys naman yung muntik akong mabugahan
"*ubo* *ubo* Hahahahahahaha XD"
"Sige tawa lang!"
Kwento lang ako ng kwento sakanya tungkol kay Rex my labs hanggang sa kung ano yung nangyari kaninang umaga. Eto namang si Rhys kilig na kilig. Sa ibang subjects kesa makinig kami nagkwentuhan lang kami pero syempre nagtake notes parin kami habang nagkukwentuhan nga lang.
"Bly makikisabay ako sayo ah?"
"Sure!"
Sumakay na siya sa passenger's seat tsaka ako nagdrive papunta sa bahay nila.
"Bakla lingon! Tignan mo may pogi!" napatingin naman ako sa tinuro ni Rhys
"Pogi nga! Pero mas pogi naman diyan si Rex noh!" pagyayabang ko
"Ganon ba talaga siya kapogi?"
"Pogi talaga! Tsaka tignan mo nga yan! May kasamang babae, baka girlpren niya." :PP
"Madali lang naman mang-agaw eh! Hahahahahaha XD"
*Bzzzzt* *Bzzzzt*
Naputol yung pagtawa ni Rhys nung may nagtext sa cellphone ko. Kinuha na ni Rhys yung cellphone ko dahil alam niya nang papakuhanin ko rin naman sakanya yun. >:P