Chapter 1 - It HURTS like HELL </3

67 0 0
                                    

[Janca’s POV]

“KYAAAAAAAAAAAAAAAA! Beeeeeeeest!!” uh-oh. Nandito na naman tayo. Si Queenie, tumatakbo patungo saken.

“B-beeest! Kyaaaaaa! Hahaha! Ehem.. Best, may good news ako sayo!!” sabi niya saken na may halong excitement. Yeah, alam ko na ngayon kung anong ‘GOOD NEWS’ ang sinasabi niya.

“Oh? Talaga? Ano naman yun? Daliii, chika mo na saken.” Yeah, kailangan kong umasta na walang nalalaman sa mga nagaganap sa paligid. Ewan ko ba. Hahaha.

“Best, bakit ka kasi umalis sa mall nung 3 weeks ago. Di mu tuloy na-witness. Hahaha! Yiiie! Kinikilig talaga ako pag naaalala ko yung mga kaganapang yun. Sorry best ha, kung ngayon ko lang nasabi ito sa’yo. Di kasi kita nakikita nung mga nakaraang linggo.”Tss. Kailang talagang ipamukha saken yang ‘sweet moments’ ‘sweet moments’ na yan. =_= Yeah, umalis kasi kaagad ako nun sa mall eh.

FLASHBACK

3 weeks ago...

"Janca, ano gustong bulaklak ni Queenie?”:|

Wala ngayon si Queenie, kaya kami ni Lee ang magka-sama.

"H-ha?"

"Nabibingi si Janca o! Sabi ko, anong gustong bulaklak ni Queenie!"

"A-ano. Uh, Red Rose. B-akit?"

"Wag kang maingay ah? Liligawan ko kasi siya."

"G-anon ba? G-goodjob. N-nice."

"O, bakit ka naiyak?"

"W-wala. T-ears of joy."Pinupunasan ko na yung luha ko.

"Ah. Tulungan mo naman ako kay Queenie, o."

"Y-un lang ba? S-sige."

"Kinakabahan na ako. Ano kaya blah blah blah.........."

Hindi nalang ako nakinig sa kanya. Umiyak nalang ako. Hindi ko kasi kinaya. Harap-harapang pananakit. Ganito pala ang masaktan ng sobra-sobra. Higit pa sa sugat mo sa binti, o sa tahi mo sa binti. Pagkatapos ng tatlong araw, nag-text sa akin si Lee. Ngayon na raw siya manliligaw. Ang gagawin ko lang, iiwanan ko si Queenie sa mall. At si Lee na daw bahala dun. Heto ako ngayon, nagbibihis na at makikipag-kita kay Queenie. Sabi ko, sa mall nalang kami magkita. Kasi, sa mall maguusap kami ni Lee para sa gagawin ko.

"Basta, ikaw na bahala, Janca ah."

"S-sige."

"Thank you! You're the best!"Niyakap ako ni Lee ng mahigpit. Dahil sa sakit na naramdaman ko, napayakap rin ako ng mahigpit sa kanya at umiyak sa balikat niya. Natauhan ako ng biglang nag-vibrate yung phone ko. Hiniwalayan ko kagad si Lee at nag-sorry.

Tinignan ko ung phone ko at nag-message si Queenie.

"N-andito na daw s-iya."

"Great! Guys, nandiyan na!"

Umalis na ako dun sa lugar nila Lee. Hinanap ko kagad si Queenie sa Food Court. Nang nakita ko siya, naglibot muna kami. Hindi ko muna siya pinapapunta dun sa venue para hindi niya mahalata. Naghihintay kasi ako ng ‘Go signal’ ni Lee. Mga isang oras, nagvibrate na phone ko, hudyat na, paaakyatin ko na si Queenie sa venue.

Bakit siya pa? :((Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon