Chapter 6

22 0 0
                                    

Chapter 6

Vanellope‘s Point of View

I can't believe it! I really can't.

One month ago, nagkakilala kami ni Eddrian formally, remember nung pinakilala ako ni Janca kay Eddrian, well since then medyo nakakausap ko na siya ng maayos sa chat, hindi na niya ako iniisnob.

Tas ngayon, inaya niya ako sa date. I know right? Nagkaka-progress kaming dalawa, sana tuloy tuloy na. kinikilig ako!

Kaya eto ako ngayon nag aayos para sa aming date, alam ko may reason bakit niya ako inaya, pero kung ano man yun thank you na din. Siguro kailangan lang niya ng makakausap ngayon, isang buwan na din silang hindi nagpapansinan ni Janca. Meaning isang buwan na din si Janca at Lee.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako para kay Janca dahil alam ko mahal na mahal niya si Lee pero kasi tuwing nakikita ko na sinusundo ni Lee si Janca, may something at makikita ko nalang sa may sulok si Eddrian nakatingin lang kay Janca at Lee.

Nasasaktan ako para sa kanya.

Lumabas na ako ng dorm ko at nagpunta na sa may park. Dun kasi ang meeting place namin ni Eddrian. Umupo muna ako kasi wala pa siya, maaga ata ako kasi excited ako ngayon.

"Oish." napatingin ako dun sa kumalabit sa akin. Si Eddrian. Kyaaaa bakit ang gwapo niya? Tumayo na ako "Tara na." pag aya niya at lumabas na siya, hindi man lang niya sasabihin na maganda ako?

Asa ka pa Vanellope. -___________-

Naglibot-libot lang kami sa mall, masaya naman tas sabi niya nood kami sine mamaya after lunch, he's trying his best naman eh kaya ok na din. Masaya na ako.

Naguusap lang kami about stuffs mga rants ko about sa Filipino research namin at kung ano ano pa. Lalo na yung sa humanities namin na projects.

"Lunch tayo?" pag aaya niya.

"Sige. Mcdo ba? O KFC?" tanong ko sa kanya.

"Tss. Hindi ka ba nagsasawa dun?" sabi niya at nauna ng maglakad pumasok kami sa parang pastry shop? Or whatever.

Centrio, ayun yung name nung shop. Restaurant pala siya. Hmm mukhang mahal dito ah. Kailangan ko atang mag withdraw muna. Lumapit ako kay Eddrian.

"Eddrian, withdraw lang ako." Pagpapaalam ko sa kanya.

"It‘s on me." Pag sasabi niya at umupo na kami. Nakakakilig naman si Eddrian.

Nagorder na kami, yung mura lang yung binili ko kasi nakakahiya sa kanya. Habang hinihintay namin yung order, si Eddrian tumayo muna at pumunta sa may cashier at sweets. Tinignan ko lang siya habang umoorder.

Mukhang lagi dito kumakain si Eddrian ah. Nakasama na kaya ni dito si Janca?

Bumalik na siya na may dala dalang mga plastics. Ang dami naman niyang biniling sweets.

"Ano yan?" pag tatanong ko sa kanya.

Tas inabot niya sa akin yung isang plastic, "Sayo yan. Tikman mo mamaya pag uwi mo masarap yan." Sabay abot sa akin nung plastic na may laman na bilog bilog na ewan, "That‘s Korean macaroons, Janca‘s favorite." Sabi niya sabay tingin dun sa iba pang plastic.

So bibigay niya kay Janca yung iba? Makikipagusap na siya?

After namin kumain nanuod lang kami ng sine. After that nag window shopping naman kami, eto kami ngayon sa isang boutique ng sapatos. Ang gaganda ng sapatos dito.

Bakit siya pa? :((Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon