Kabanata 1

211 30 2
                                    

DISCLAIMER;
-Ito ay isang gawa ng fiction. Ang mga pangalan, tauhan, pangyayari, lugar, at insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginamit sa isang kathang-isip na paraan. Ang anumang pagkakahawig ng aktwal na tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay nagkataon lamang.

WARNING;

Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga pagkamatay, matatapang na salita, panggagahasa, pagpapatiwakal, homosexual, at iba pa na hindi angkop para sa ibang mga mambabasa.

●●●●


"A.. B.. C.. D"

Takbo.

Liko.

Kanan.

Tigil.

"Shit!" hindi mapigilang magmura ni Allan nang hindi niya mabuksan ang pinto.

Nasa hotel siya ngayon, at sa hindi maintindihan na pangyayari ay lahat ng mga ilaw ay patay, ang maliwanag na buwan na tumatagos sa mga bintana ang tanging nagsisilbing ilaw, at mga pintuan na hindi mabuksan. Siya ay nakakulong sa isang palapag ng hotel, at may kung sinuman ang humahabol sa kaniya.

"Ano ang gagawin ko?!" nagpa-panic na tanong ni Allan.

".. H.. I.. J.. K.."

Mas lalong kinabahan si Allan nang marinig niya ang isang taong kumakanta kasabay 'non ang isang tunog na parang may hinihilang bakal sa sahig.

Tumakbo ulit si Allan palayo sa kaniya at tumigil nang mapagod. Sumandal siya sa pader, hingal na hingal.

Hindi natatamaan ng ilaw ng buwan ang pinagtataguan niya ngayon, kaya siya ay hindi mahahanap basta-basta ang taong humahabol sa kanya.

Habang siya ay hingal na hingal parin ay bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang hita at nahulog sa sahig.

"Agh!" hiyaw ni Allan.

Hawak-hawak niya ang kaniyang hita, namimilipit sa sakit. Sinubukan niyang kunin ang kaniyang selpon nang makaramdam siya ng parang basa.

Maya-maya ay biglang nagbukas ang ilaw, at bumungad sa kaniya ang isang babae na nakangiti ng malapad habang may hawak na duguang palakol.

"Oh ano? Ano ang pakiramdam na nawalan ka ng isang paa, Allan?" nakangiting tanong ng babae.

Nanlalaking mata si Allan habang dahan dahang lumingon sa kanyang hiwalay na paa. Siya ay napasigaw at ang babae naman tumawa.

"Gusto mo pa ng isa?" walang pasabing tinaas niya ang kanyang palakol at hinati ang isa pang paa ni Allan.

Umalingawngaw ang sigaw ni Allan, habang ang babae naman ay tumatawa, nasisiyahan sa nakikita niyang namimilipit ito sa sakit at para bang isang magandang himig ang kayang naririnig na sigaw.

"Sige, sigaw pa." tumatawang sambit ng babae.

"Dahil sunod naman ang ulo mo!" winasiwas ng babae ang palakol at nahiwalay ang ulo ni Allan sa kanyang katawan.

Si Allan ay patay na.

Naglagay ng letrang A ang babae sa noo ni Allan. Letrang A para sa pangalang Allan, at letrang A para sa palakol o tinatawag na 'Axe' sa ingles.

Alphabet's KillerWhere stories live. Discover now