Kabanata 6

49 3 0
                                    

"Owen?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Narri, pati rin si Liezel ay gulat na gulat ngunit si Zidya naman ay nagtataka. Marahil ay hindi niya kilala ang lalaking nag-ngangalang Owen.

"Kailan ka pa nakauwi dito? Di ba't kinuha ka ng lola mo sa Spain?" pagtatanong ulit ni Narri.

"May pinapaasikaso kasi sa akin dito kaya bumalik ako, last week lang ako nakabalik, gusto ko sana kayong kamustahin pero..." napalingon si Owen sa burol ni Dustin "Hindi ko inaakala na may isang namaalam na."

Naging malungkot nanaman ang kanilang atmospera, ngunit nagsalita si Liezel "Pero buti naman nakapunta ka, Owen."

Tumango-tango ang lalaki, maya'y napansin niya ang babae na nasa gilid ng kaibigan niya.

"Oo nga pala, hindi pa pala kayo nagkakakilala." tukoy ni Narri "Siya pala si Zidya, hindi mo na siya nakilala dahil nakaalis ka na dito dati. At Zidya, siya si Owen, kaibigan din namin simula pa noong elementary.

"It's nice to meet you, Zidya." nakangiting ani ni Owen at itinaas ang kanyang kamay upang makipag kamayan.

Tinanggap naman ito ni Zidya, ngunit agad niyang napansin ang pag-higpit ng paghawak ng lalaki sa kanyang kamay. Tipid siyang ngumiti "Ako rin."

Hindi pa binibitawan ni Owen ang kanyang kamay kaya ay pilit niyang binawi iyon at muling ngumiti.

Natapos na ang burol ng kanilang kaibigan at nag-aya ang lalaki nilang kaibigan para kumain sa labas dahil sa tagal na hindi nila ito nakasama at nakausap.

Tatanggi na sana si Zidya pero napilit siya ng dalawang babae kaya wala siyang nagawa kundi sumama na lang kahit naiilang siyang kasama ang binata.

Naisipan nilang kumain sa Jollibee dahil malapit lang ito sa sementeryo. Si Liezel na ang pumunta para mag-order ng kanilang kakainin habang sila Narri at Owen ay nagkwekwentuhan, at si Zidya ay tahimik lang nakikinig sa kanilang usapan.

Hindi siya malapit kay Owen kaya't nakakaramdam ito ng ilang.

Maya't maya, nagpaalam si Narri na pupunta lang siya sa CR. Naiwan ang dalawa at mas lalong nailang si Zidya kaya ay nag-panggap siyang kumalikot sa kanyang selpon kahit ramdam na ramdam niya ang titig ni Owen.

Tahimik lang silang dalawa hanggang nag-salita ang binata.

"Zidya, hindi ba?" napatingala ang dalaga sa kanya.

"Ha?"

"Zidya ang pangalan mo, di'ba?" tanong ulit ni Owen. Tumango si Zidya bilang sagot.

"Sinabi na sayo kanina..."

Tumawa ang lalaki "Sinisigurado ko lang, baka magka mali ako sa pangalan mo." nakangiting wika niya.

Hindi alam ni Zidya kung ngingiti rin siya o hindi dahil sa pagka ilang niya sa kanyang kasama. Nag patuloy sa pag sasalita si Owen.

"Gaano mo na katagal naging kaibigan sila Narri?" pagtatanong muli ni Owen.

"Ah..." napakamot ito sa kanyang pisngi "Isang taon ko pa lang sila naging kaibigan."

"Ganon ba?" nakangiti parin ang lalaki sa kanya. Para kay Zidya, parang kakaiba ang kanyang ngiti na hindi niya maipaliwanag kung ano iyon.

"Sana maging magkaibigan din tayo, Zidya."

Nagsitaasan ang mga balahibo ng dalaga nang sabihin ni Owen ang kanyang pangalan. Biglang nag-iba ang kanyang tono sa huli ngunit hindi parin natatanggal ang kanyang ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alphabet's KillerWhere stories live. Discover now