Kabanata 2

87 21 0
                                    

Pagkatapos ng mga ilang araw, ay nahanap ang katawan ng matanda sa gubat.

Ang sabi ng nakahanap sa katawan ay naglilibot lang siya sa gubat upang mag-hanap ng lugar na pwede niyang pag-taniman ng kanyang mga halaman nang maka-amoy ito ng masangsang na amoy.

Nang ito'y kanyang hanapin ay nakita niya ang nabubulok na katawan ng matanda at agad niyang tinawagan ang mga pulis. Si Bernando Matangay na matagal ng hinahanap ng kanyang pamilya.

Habang ineembistigahan ng mga pulis ang katawan ni Mang Birtong ay napansin nila ang kanyang sugat na hugis letrang B na nakalagay sa noo nito.

Kagaya ito sa isang biktima, na kanilang ineembistegahan din, na may hugis letrang A sa kanyang noo. Kaya nang sabihin nila ito sa detektibo ay agad niyang kinonklusyon na iisa lang ang taong pumatay sa kanila.

Agad na kumalat ang balitang ito sa isang araw lamang, at muli ay nagliyab ang mga chismisan sa buong paaralan nina Liezel.

Samantalang silang magkakibigan ay nakaramdam ng matinding kalungkutan, sapagkat malapit sila kay Mang Birtong.

"Uhm... So, makiramay ba tayo kay Mang Birtong?" tanong ni Narri.

Sila ay nakatambay sa tirahan ni Dustin. Mag-isang naninirahan si Dustin sa isang condo, at dito madalas ang kanyang mga kaibigan dahil sa siya lang ang hindi na tumititira kasama ang kanyang mga magulang.

"Syempre pupunta tayo." sagot ni Liezel na nakaupo sa couch.

"But how? Hindi natin alam kung saan nakatira si Mang Birtong." sagot ni Bianca.

"Edi hanapin natin, hindi naman siguro mahirap ang pag-hahanap sa bahay nila, magtanong-tanong tayo." sabat ni Dustin at binato ang hawak niyang dart sa cricket at sapul iyon sa gitna.

"Ako nang bahala kung paano hanapin kung saan naninirahan si Mang Birtong." sabi ni Zidya na naka-upo rin sa couch habang nakatingin ito sa kanyang selpon.

"Kung ganon ay kailan tayo pupunta?" tanong ni Narri.

"Pwede naman sa last night ni Mang Birtong o kung sa susunod na araw." pagsagot ni Bianca.

Nag-sangayon naman ang mga magkakaibigan.

Sumunod na araw ay nalaman na nila kung saan naninirahan si Mang Birtong, kaya kagaya ng kanilang pinagusapan ay pumunta sila don.

"Nakikiramay po kami." sabi ni Liezel sa isang matandang babae, at ganon din ang apat.

"Kayo po siguro ang asawa ni Mang Birtong." sabi naman ni Narri at tumango ang matandang babae bilang sagot.

Kapansin-pansin ang namamagang mata ng matanda at masasabing iyak ito ng iyak dahil sa kawalan ng kanyang minamahal.

"Oo, at kayo naman mga dalaga't binata?" naka-ngiting tanong ng matanda. Gayon pa man, ito ay para maitago ang tunay niyang nararamdaman.

"Ako po si Narri, at sila po ang mga kaibigan ko, sila Liszel, Dustin, Bianca, at Zidya." pagpapakilala ni Narri sa sarili at sa mga kasama niya habang sila ay tinuturo niya.

"Malapit po kami sa iyong asawa dahil madalas kaming namimili sa kanyang siomai-yan." tuloy pa niya.

"Ganon ba? Sige pasok kayo, ako ay nagagalak na malaman na kayo'y pumunta para sa aking asawa." sagot ng matanda "Ako nga pala si Rene-- Aling Rene na lang ang inyong itawag sa akin."

"Maraming salamat po, Aling Rene." pumasok na ang lima at bumungad sa kanila ang kabaong kung saan nakahilata ang kaawa-awang katawan ni Mang Birtong.

Lumapit sila upang makita ang itsura ng matanda.

Alphabet's KillerWhere stories live. Discover now