Kabanata 3

63 18 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas nang interogahin ang magkakaibigan, at hanggang ngayon ay patuloy parin ang pag-imbestiga sa dalawang biktima.

Ngunit sa dalawang buwan na 'yon ay hindi mapakali si Hugo dahil alam niyang hindi huling biktima si Mang Birtong, kahit matagal ng hindi kumikilos ang mamatay tao ay alam niyang may isusunod pa siya.

Ngunit sino?

Abala sa pag-gagawa ng project si Dustin. Siya ay isang architect student kaya't madaming nagkalat ng mga kumpol-kumpol na papel sa paligid niya.

Nakaupo siya sa sahig ng kanyang salas habang nag-guguhit ng mga istraktura, ngunit hindi niya nagugustuhan ang mga naguguhit niya.

"Aish!" inis na ginulo ni Dustin ang sarili niyang buhok, kinumpol-kumpol niya ang papel at binato kahit saan.

Huminga siya ng malalim at linapag ang kanyang pad sa maliit na lamesa. Tumayo ito at tumungo sa kusina para makakuha ng inuming tubig.

Ring! Ring!

Napalingon si Dustin sa salas nang marinig niya ang kanyang selpon na may tumatawag. Binaba niya ang baso at bumalik sa salas upang sagutin ang tawag.

"Napatawag ka?" tanong ni Dustin.

"Nandito ako sa labas ng condo mo." sagot ng isang babae na nasa kabilang linya. Nagtaka naman si Dustin nang isagot niya iyon.

"Talaga?" lumapit si Dustin sa kanyang pintuan at pinindot ang monitor pad na nasa gilid nito. Pagbukas ng monitor ay ipinakita ang kanyang kaibigan na nasa labas nga siya.

"Oo nga, pagbuksan mo'ko." sabi ng babae.

"Ang demanding mo naman, sige, pagbubuksan kita." binaba na niya ang tawag at pinihit ang pinto para pagbuksan ang babae.

"Gawin mo lang ang gusto mong gawin, may ginagawa pa ako." pagbibilin ni Dustin at bumalik sa dati niyang pwesto.

"Ang kalat naman!"

"Tch, lilinisan ko rin yan." sagot niya at umupo na para mag-umpisa ulit ng panibagong iguguhit, ang babae naman ay umupo ito sa couch.

Hindi na sila nag-imikan pa. Habang ginagawa parin ni Dustin ang kanyang gawain ay nagbabato ng mga dart ang babae sa cricket, halos lahat ng nababato niya ay sapul sa gitna.

Mga dalawang oras ang lumipas ay nagsalita si Dustin "Gusto mo bang mag-maryenda?"

"Siyempre! Magoorder ka ba?" nakangiting tanong ng babae at umayos ng upo.

"No, umuwi ate ko kahapon at bumisita siya dito kagabi." sagot ni Dustin. Tumayo siya at pumunta sa kusina.

"Bumalik na si Ate Reila galing Italy?!" gulat na tanong ng babae at tumango naman si Dustin.

"Oo, pero isang buwan lang siya dito." sabi nito at binuksan niya ang kanyang fridge.

"Bakit naman?"

"May sariling resto yun sa Italy, 'di niya kayang iwanan ng matagal." sagot niya at may pagkain na linabas "May linuto siya kagabi,na- sobrahan kaya sabi niya na i-share ko daw sa mga kaibigan ko..."

"Wow naman! Ano naman ang mga tawag diyan?" tumayo ang babae at lumapit para tignan ang tatlong mga pagkain na linabas ni Dustin.

"Carbonara at ito..." tinuro niya ang tinapay na parang hugis tube at sa loob nito matatamis na palaman, na may pinahiran na tsokolate "Ang tawag dito ay Cannoli."

Bahagyang napatawa ang babae dahil sa ginawang accent ni Dustin nang sabihin niya ang ngalan ng pagkain.

"Tas ito ay Cacciucco." nag-italian accent nanaman si Dustin ng tukuyin niya ang nilaga na magkahalong-halong tahong, kabibe, hipon, at isda.

Alphabet's KillerWhere stories live. Discover now