Miko
"Hindi ka na lang umarkila ng elf at mga magkakarga nito? Ano nga tawag dun? Moving company?" Reklamo ni Vito kay Celine habang naglalagay ng mga picture frames sa box.
"Malay ko. May ganon ba? Saka wag ka na nga mareklamo. May emergency kasi sa store nila Aya kaya biglang umalis. E kelangan na niyang makalipat ngayon dahil bukas, ipapaayos na ito ng may-ari para dun sa bagong titira."
"So, what's the rush? Bakit hindi nung weekend?"
"Itanong mo kaya kay Aya." Naiinis ng sabi nito kay Vito. Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa. Halatang wala sa mood ang dalaga. "I'm also just helping a friend."
Sumulyap siya sa babae. He was a little shocked when he saw her earlier with her hair cut so short. She looked so adorable. Maputi si Celine at medyo maliit ang mga mata nito na bumagay sa bagong gupit. At naka-headband ito at may maninipis na bangs sa noo. Her short hair made her look more younger than her real age.
And she was wearing a pair of beige shorts and pink t-shirt. Mukha itong kolehiyala kesa sa edad na thirty one.
"Oo na. Parang highblood ka sakin? Meron ka na naman ba?"
Namaywang si Celine at inirapan ito.
Ngumisi si Vito. "By the way, what made you cut your hair short? Brokenhearted ka ba?"
"Fuck you, Vito."
"Ay wag ganyan, Celine. Wag mo akong hamunin." Natatawang pinaghahampas ito ni Celine ng unan. Naiinis na tinabig niya sa Vito at muntik na itong tumama sa pader. Nagtuloy tuloy siya sa kwarto na may box na dala.
They're too comfortable for just being friends.
Bakit napakadali para kay Vito na patawanin ang babae? E ano bang pakialam niya diba? He never cared about Celine's preference before. He didn't even care a whit about her kahit kalahati ng buhay nilang magkakilala sila. He honestly only cared about her because she was Aya's friend.
It surely changed with sex. Pero iniisip niyang normal lang ang nararamdaman niya. Nasa high pa siya ng bagong pakiramdam. Parang batang sabik sa bagong laruan.
Nothing personal.
She's still Celine.
This would pass... And it was just something casual. Pero bakit parang napapansin niya na ang lahat sa babae. At bakit naiirita siya sa pagiging close nito kay Vito? At bakit ba affected siya kung hindi man siya nito pansinin? Itext o tawagan kagaya ng ginagawa nito kay Vito?
Binaba niya ang box at bwisit na tumitig sa kawalan sa reyalisasyong hindi niya gusto.
And it seemed so simple for her. Walang expectations.
She could even have sex with him and leave him without a goodbye. At para pa ngang wala lang dito sa tuwing nagkikita sila. She was so cool with it. Iisipin niyang expert na ito sa ganitong bagay.
Umiling siya. Para siyang mababaliw. Habang yung taong iniisip niya, chill na nakikipagharutan sa bestfriend niya.
Huminga siya ng malalim at badtrip na sinipa ang box. Fuck.
Dumaan ang sentro ng laman ng utak niya na may dalang box. "Lagot ka kay Aya pag may nabasag ka dyan."
Bago pa siya nakapag-react ay sumulpot na si Vito sa likod nito. Hinawakan at inakbayan ang babae.
Napapiksi si Celine. "Pwede ba, Vito."
Ngumisi ang lalaki. At biglang kiniliti si Celine sa tagiliran. Napasigaw ang babae at sinipa si Vito sa binti. Napaaringkingking ang isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/359599300-288-k128470.jpg)
BINABASA MO ANG
Nice to meet you, Celine
Romance"He likes Aya. I like him. And I was never going to tell him. Until that one fateful night." Celine or C for her friends, knows Miko for as long as she can remember. As long as she can remember him crushing on her bestfriend... as long as she can re...