Celine
"Nice to meet you, girlfriend."
"Nice to meet you, girlfriend?" Gagad ko dito. Tinitigan ko si Miko na maigi at nakangiti lang ito sa akin habang nakadukwang sa akin.
What the fuck?
Napapikit ako at bumilang ng tatlo.
"What the hell are you saying?" Unti-unti ng tumataas ang altapresyon ko at ang pag-ahon ng galit sa dibdib ko.
Natigilan si Miko sa reaksyon ko. Lumayo ng kaunti ang mukha at nawala ang ngiti. "Galit... ka ba?" Mahina at parang naguguluhang tanong nito.
"Ha!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Layuan mo ako."
"What?"
"Sabi ko, layuan mo ako." Mahina pero galit na sabi ko. Marahan itong dumiretso ng tayo. He fucking looked confused. Or was he acting?!
Galit na bumaba ako at tinabig ko siya para makadaan ako. Nagsisimula ng mamasa ang gilid ng mga mata ko. But I need to keep my dignity intact.
"Celine, bakit ka nagagalit?" Hinawakan nito ang braso ko pero galit na tinignan ko iyon. "Bibitaw ka o bibitaw ka?" Diin ko.
"Fuck, Celine." At bumitaw ito. Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo dito.
Naiiyak na ako. Nagsisikip yung dibdib ko sa pagpipigil na huwag pangibabawan ng emosyon. Was I that gullible for Miko?
"Dammit." Narinig ko iyon ng malakas. At wala akong pakialam. I just walked and walked when I felt a hand clasped my arm and turned me around. And I met Miko's frustrated eyes.
"Ano bang problema? Hindi ako mind reader Celine!"
"Anong problema? Joke time ka ba?!" Galit na pabulong ko dito. "Am I some kind of a joke to you?"
"No! Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit. Ipaintindi mo sakin. And fuck, don't just walk away from me. Because Celine, I hate it." Frustrated na sabi nito.
"I hate it when you are always the one who walks away and pushes me away. Am I that bad? Hindi mo ba ako kayang gustuhin kahit konti?"
Nanlalaki ang mga matang nakatitig ako sa kanya. "What the fuck are you saying Miko?" Nagsisimula ng mamuo ang sipon ko at mangilid ang luha ko sa inis. I bit my lower lip.
"You're not listening, are you? Kahit konti ba? Hindi mo ako kayang magustuhan? Celine?" Diin nito.
And I caught my breath when I realized his words.
"You're kidding me." Iling ko dito.
"Mukha ba akong nagbibiro? Bakit hindi ka makasagot?"
Hindi makapaniwalang tumawa ako dito. A laugh without humor. A laugh without joy. And a laugh to cover the confusion.
"Because you told Aya that you will never like me, Miko! At ngayon sasabihin mong I always try to push you away? At kahit onti hindi kita magustuhan? Joke time ka ba?! Is this some kind of a sick joke to you?"
Naguguluhang umiling ito. Tatanggalin ko na sana ang kamay niya sa braso ko pero humigpit iyon.
"Celine." Tahimik na sabi nito habang titig na titig sa mata. "Anything can happen in a year. What more sa fifteen years? And whatever you heard, and whatever stage we were at that moment, I have and had always been honest with my feelings."
Pumalag ako don para bitawan niya. O, edi umamin din siya diba? The maggot just honestly answered me. That he believed that he would never like me.
At parang pinunit ang puso ko doon.
BINABASA MO ANG
Nice to meet you, Celine
Romance"He likes Aya. I like him. And I was never going to tell him. Until that one fateful night." Celine or C for her friends, knows Miko for as long as she can remember. As long as she can remember him crushing on her bestfriend... as long as she can re...