Never say never...

154 11 2
                                    


Celine

Sumigaw ng cut si Direk Gino. Tatayo na sana ako para abutan ng tubig si Brix at towel pero hinawakan ako ni Miko sa braso sa pagkabigla ko.

"Ibigay mo na kay Vito yung bottled water at towel para iabot kay Brix."

Napaturo si Vito sa sarili. Pero bago pa magsalita si Miko ay tumayo na ito. "Ako nga. Sabi ko nga."

Nakatitig na ako ngayon kay Miko pero di niya ako pinapansin at tutok lang siya sa set.

Every time na mag-attempt si Brix na kausapin ako or lapitan ko ito ay nandyan si Miko. He would either pull Vito to do the tasks or just ask me to do a different errand. Na baka nakakalimutan niyang project ko ito.

"We're working on the weekend para matapos itong three part campaign. You don't have to come in on the weekends, Mr. Ruiz. Ahm... especially Friday night." Sabi ko dito habang nakatingin sa schedule. Kelangan na naming matapos ito ngayong week din.

"I'll just send you the output for review and approval."

Napangiti si Vito sa akin sa tuwa. For some reason, halos dito na sila nagtatrabaho ni Miko. Nagset up sila ng camp sa conference room. And they work here with us most of their working hours.

"Hindi ko alam kung sino na ang binabantayan dito. Yung campaign ad o ikaw."

Nanlaki ang mga mata ko kay Vito. "Anong pinagsasabi mo?"

Pinanliitan ako nito ng mga mata. "Alam mo hindi ko talaga alam bakit ang lalim ng inis sayo ni Miko."

Napahinga ako ng maluwag doon. Buti na lang minsan slow din itong si Vito.

"Siguro binabawian ka niyan sa lahat ng ginawa mo nung bata pa tayo."

"Wow ako?"

"Oo, baka nakakalimutan mo. Pinaghintay mo kami noon sa initan para sa science project mo."

"Excuse me magka-group kami ni Aya non. Science project namin. At nagprisinta yang magaling mong bestfriend na samahan si Aya."

"E naalala mo yung nalock mo si Miko sa kwarto ng cleaning supplies ng isang buong araw?"

"Hindi ko yun sinasadya! Kasalanan ko bang sumunod siya sa akin dun?"

"Tutulungan ka na nga nung tao e."

"Dahil pinakiusapan siya ni Aya."

"Na nilock mo naman."

Umiling ako at lumingon sa lalaking nakahalukipkip, hindi maipinta ang mukha at seryosong nakatitig sa set habang nagshu-shooting ang mga gaganap sa compaign ad na sa social media ilalabas.

"Whatever, Vito."

"Kaya ngayon, binabawian ka niyan sa lovelife mo. Ikaw ang malaking hadlang sa kanila ni Aya nung highschool tayo."

Hindi makapaniwalang tinitigan ko si Vito na parang sinasabing, anong kasalanan ko?!

Napalingon ulit ako dito. Bumabawi ba talaga si Miko sakin?

Natapos namin ng maaga ang shooting, Friday night palang. Umalis na kanina pa si Miko at Vito.

He got a call earlier at nagsabi na itong aalis ng mas maaga. "Just send me the details." After all the fuss, iyon lang. Napatango lang ako dahil nagmamadali na itong umalis.

Baka hindi na makapaghintay ang clubbing at ang mga babae nito. Matabang kong sabi sa isip.

"It's a wrap!" Nakangiting sabi ni Direk Gino. Nagpalakpakan ang buong staff at nagsimula ng magligpit. Kinamayan ko ang ibang mga actors and actresses na naging part ng shooting. "Thank you everone for your hard work!"

Nice to meet you, CelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon