(Des' POV)
"Bye ata Hani! Bye ate Patz! Bye Mae!" Sigaw ko sa kanila. Nasa 4thflr kasi sila e nasa 3rd flr ako.
"Umalis ka na nga! Nagpapaalam pa e!" Hahahahahah! Ang bitter talaga ni ate Hani! Hindi kasi yan makakauwi ngayong holy week, wala kasing magbabantay dito sa bahay e pupunta sa Singapore si tita so yun. Siya ang nakatoka na magbantay.
"Hahaha. Halla ka ininggit mo pa si Hazel! Hahaha. Ingat ka Des!" Si ate Patz yun. Tapos yung sinabi niyang Hazel si ate Hani yun. Real name niya yung Hazel e.
"Hahaha. Babye ate! Hoy Mae! Una na ko! See you sa reunion!"
"Geh ingat!" Si Mae yun. Naglalaba siya e. Haha.
hmmm. Come to think of it kelan kaya reunion ng barkada? Nahiwahiwalay kasi kami ng pinag-aaralang school ngayong college e. May nagpunta sa Baguio tapos kami ni Mae sa dito sa Manila tapos yung iba nasa Gapo nag-aral at sa Caste. Kaya pag ganitong vacation lang kami nagkakasama sama. Depende pa sa schedule namin yun ha? Pati narin sa mood. Mejo tamad kasi kami. :3
"Miss may nakaupo ba dito?"
"Ah eh. Wala po."
"Pakireserve naman o bibili lang ako ng ticket."
"Sige po." Sabay salpak ko ng headset sa tenga ko. Nakaupo na kasi ako dito sa bus ngayon. Naabutan ko yung diretsong byahe.
Wag na kayo magtaka kung bakit may mga nagpapareserve ng seats. Kasi pag ganitong vacation, pahirapan talaga sumakay sa mga bus. Siguro naman nakikita niyo na yung mga eksena sa mga terminals? Ganun eksena ngayon dito. Buti nga nakakuha ako agad ng upuan e.
"Excuse me miss jan kasi yung seat namin" Naku po, mukang may mag-aaway na naman tungkol sa seat number a.
"Excuse me din mister. Kami ang nauna dito. At eto ang ticket namin!" Pinakita naman ni ate yung ticket niya kay kuya. Infairnes ha, bagay sila. Maganda si ate at gwapo si kuya. Tsaka diba ang mga love story ngayon nagsisimula sa mga away away diba? Malay mo magkadevelopan. :3
Wala ng nagawa si kuya kasi pinakita na ni ate yung ticket niya. Kaya humanap na lang ng si kuya ng ibang upuan. Ang kyut pa nga nila e. Nagbelat pa sila sa isa't isa bago umalis si kuya. Hahaha. Inaasar pa nga si ate ng mga CIRCLE OF FRIENDS niya e. Hihi. Hindi pa naman kasi masyadong puno tong bus. Every 30 mins naman ang labas ng mga bus dito e.
Ayun! Paalis na yung bus. Makapag GM nga muna.
"Bound to San Antonio! Ingat me!
#Grp."
Hit send...
Ayun tapos na! :)
*bzzzt bzzzt bzzzzt bzzzzt bzzzzt bzzzzt bzzzzt bzzzzt bzzzzt*
Lol dami nagreply sa gm ko. Hahaha. Puro ingat lang naman ang reply pero may isang nakapukaw ng pansin ko.
from: Aki
Ingat bunso. Imissyou! Kita tayo pag may time ka ha? :*
>\\\\\<
Eeehhhhh. Nikikilig akoooo!!!!
Waaahhhh!!!!
Sino yun????
SECRETTTTTTT!!!!!!!
Hahahaha. Joke lang! Bestfriend ko yun. Aki's the name. He's 3 yrs older than me. :3 Paano ko siya nakilala? Thru fb. Hohohoho! Teka rereplyan ko nga.
to : Aki
Sure kuyaa! Salamat! Hamishutu! :*
Message sent!
Ayun makatulog nga muna....
"May 15 mins stop over po muna tayo. Pakitandaan lang po ang bus number natin 1260"
Sabi ni manong conductor. Nasa Dobleng Kasiyahan na pala kami. Grabe napasarap ata tulog ko. Hayyy makapaginat nga muna at makapagcr.
Tapos na ko magayos. :3 Alam niyo naman ang mga babae pag pumupunta sa cr hindi yan makukumpleto hanggat di nagreretouch. :3
Nagpolbos lang naman ako. Di ko bet pumorma ngayon e. :3
Nagpose pa ko sa harap ng salamin after ko magpowder. Tumalikod pa ko para tignan kung ayos lang yung damit ko. Nakasuot ako ngayon ng simpleng tshirt at jeans ngayon. Kulay pink na shirt to be exact. :3 Trip ko lang magpink kasi over naman kung violet pa yung shirt ko, e kulay violet na nga yung bag ko pati yung sapatos ko at yung shades ko. Lol.
Violet is my fave color. :3
Ehh?
Napalingon ako dun sa kabilang side ng restrooms. Sa may part ng cr ng boys. Magkatabi lang naman e.
May nahagip kasi yung mata ko sa salamin na guy na nakatingin sa akin. Kaya nilingon ko siya...
Weird.
I felt conscious all of a sudden.
Nagtitigan pa din kasi kami. Ewan ko ba nung napatingin ako sa kanya parang tumigil yung mundo ko.
*BLAG*
KingNa! Nagitla naman ako kay manong janitor. Nabitawan niya kasi yung mop na hawak niya e.
-__-
At dahil kay manong janitor nagising ako bigla sa panaginip ko. at ako na lang yung unang nagbawi ng tingin at umalis na. Nagkatitigan pa din kasi kami bago ako magulat kay manong. Panira ng moment e. =__=
Bibili pa pala ako ng pasalubong. Nagtext kasi si papa na bumili daw si kuya ko ng doughnuts at ano daw bibilhin kong pasalubong. Tsss. Brownies na lang bibilhin ko. 2. Fave ko to e. :3
Nakabalik na ko dito sa bus. Kumakain ng piatos. Napalingon ako sa labas. May 2 cute na bata na nagiskateboard. I think mga nasa 10 yrs old na sila. Ang galing nga nila e! Tapos napalingon naman ako sa may left side ko. May lalaking nagiismoke. Nakayellow siya na polo shirt. Cute siya pero nagiismoke e. Bad kaya yun sa health maski si kuya ko nagyoyosi din e. Pero hindi sa harap namin. Takot kay papa e. :3
Napalingon ako dun sa umakyat sa bus namin...
Siya yung nakatinginan ko kanina! Same bus lang pala kami? Wow! Ang galing!
DESTINY BA TO?
****
Lol. Pangalan niya lang yun e. Hahaha. Siningit ko dito yung isa kong story na CIRCLE OF FRIENDS --- naka ON-HOLD yun kasi masyadong komplikado yung plot ko. 7 magkakaibigan kaya yun. Soo saka ko na lang aayusin. Hihihi
Comment. Vote. Fan.
(di sapilitan yan :3)
BINABASA MO ANG
His DESTINY MIRACLE
FanfictionI came up with this plot. :3 Naaalala ko yung incident kahapin e. :3 All the characters, places and events in this story is uhm.... Fictional maliban kay Papa Mike Tolomia and sa FEU. :3 Hindi siya related sa kahit anong totoong nangyari in real lif...