SEVEN

91 0 2
                                    

"Ikaw ba papakasalan ko?"

"Oo. Sorry kung nalate ako a?"

"Okay lang."

"Upo ka muna dito o. Tabihan mo na ko."

"Salamat."

Araw nga pala ng kasal ko ngayon. Nakakatawa nga lang dahil nauna akong dumating dito sa simbahan.

"Okay lang ba sayo maghintay? Hindi naman magtatagal yung pagaayos nila."

I nod at him and flashed my sweetest smile. Magkatabi nga kasi kami dito sa may upuan sa may pintuan ng San Agustin Church, hinihintay naming magayos yung mga wedding coordinators. Kasi naman biglaan tong kasal na to.

"Wala ka bang bisita?" Napalingon ako sa kanya dun sa tanong niya.

Oo nga noh. Wala akong bisita. Wala din akong kasamang dumating nung pumunta ko dito. Wala din yung mga makukulit kong kaibigan. Pati mga magulang ko, wala din.

"Okay na po sir ..............."

"Okay thankyou. Lagay na natin yang veil mo?"

"Huh?" Tumayo siya at humarap sa akin. Saka niya ko hinila patayo. Infairness malakas siya kahit muka siyang sakitin.

"Ayan... Okay na. Ready ka na?" Saka niya hinawakan yung right hand ko.

Siya nagayos ng veil ko... T-teka nga. Bat kulay black ang veil??? Napatingin din ako sa damit ko... BLACK DIN????!!!!!! Napalingon ako dun sa may santo malapit sa inupuan namin at nakita ko ang reflection ko sa salamin nun na naka all black sweetheart shaped gown ako na fitted sa akin at may mahabang buntot sa likod. Napalingon din ako sa katabi ko ngayon. Naka all white siya. White tuxedo. Nagmuka lalo siyang sakitin sa suot niya.

"Hey. Are you okay? Do you still want to continue this? Okay lang sa akin kung hindi, i'll understand. Alam ko namang napipilitan ka lang." Binitiwan niya yung kamay ko saka siya ngumiti ng malungkot. Ng dahil sa ngiting yun may kumirot tuloy sa puso ko kaya ko hinawakan ang pisngi niya gamit ang kamay kong hawak hawak niya kanina.

"Ano ka ba, andito na tayo bat di pa natin ituloy? Ngumiti ka na. Ayaw ko ng groom na pangit at nakasimangot sa wedding picture." Saka ko siya kinindatan. Alangang hindi namin to ituloy sayang yung mga preparations.

"Uhm excuse me, magstart na po tayo, sir ........... punta na po kayo dun sa altar hintayin niyo na lang po yung bride." Sabi nung bakla na may malaking flower na nakakabit sa ulo niya. Nagmuka tuloy siyang flower vase hahaha.

"Sure." Sabi niya dun sa bakla at saka bumaling sa akin. "I'll wait for you, please don't take too long. I love you always remember that." Yung lalakeng yun talaga lahat ng sinasabi niya parang may meaning. Naguguluhan na ako sa kanya a.

"Ma'am tara na po." Tumango ako dun sa bakla at sumunod sa kanya papalabas ng simbahan.

"Dito po muna kayo then pag bukas po nung pinto saka kayo magmarch papasok."

Tumango ako sa kanya.

"Ang ganda ganda niyo po. Congratulations nga po pala ma'am. Best wishes po." Bati niya sa akin pagkatapos niyang ayusin yung mahabang buntot ng gown ko sa likod.

"Thankyou. Ikaw ba ang wedding coordinator?" Tanong ko sa kanya.

"Yes ma'am ako nga po."

"Good job sa arrangements. Ang ganda. Thankyou :)"

"Naku ma'am wala po yun. Yun naman po talaga ang trabaho namin ang gawing maganda at memorable ang kasal ng mga clients namin. Oh ma'am gorabels na kayo." Nginitian ko siya at nagsimula ng maglakad.

Ganito ba talaga ang feeling ng kinakasal? Yung nanginginig ka na kinakabahan na excited na naluluha? Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Napansin ko lang walang entourage di gaya ng mga ibang kinakasal na may mga flower girls, brides maid at kung anu-ano pa. Habang naglalakad ako tinignan ko din yung paligid. Lahat sila nakangiti sa akin at makikita mo sa muka nila na masaya talaga sila pero hindi ko sila kilala. Siguro kamaganak ni ............ Lahat din sila black or white ang damit. Yun siguro ang theme. Black and white. Pati kasi yung mga flower arrangements sa altar at dito sa gilid ng aisle puro white. White rose at tulips.

Mejo malapit na pala ko. Andito na ko sa gitna ng aisle. Bakit parang ang haba haba ng nilakad ko kahit hindi naman. Tinitigan ko ang mapapangasawa ko. Nakangiti siya at tinitigan din ako. Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya? Maganda kaya ko sa paningin niya? Siya kasi ang gwapo gwapo niya e. Confident na confident pa siyang nakatayo. Gusto ko ng matapos tong paglalakad ko na to. Gusto ko na siyang mapuntahan. Gusto ko na siyang makasama. Ang haba na ng narating ko. Tama naman na siguro yung hirap na ginawa ko para lang makasama siya...

"Ssshhh. Tahan na. Andito ka na. Magkakasama na tayo di na tayo magkakahiwalay." Eto na andito na kami sa altar. Sa harap ni father. Pls father, bilisan niyo po ang ceremony kanina pa ko kinakabahan. Gusto ko ng matapos to----

*BANG!!!!!!!!*

"ARAYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Ahhhhhh!!!!! Shit! Ang sakit ng pwet ko!!!!!!!!!

"Ohhh anak! Anong nangyari sayo??! Bakit ka sumigaw?! Ano yung nalaglag?!"

>____________<

"Wala ma, ako lang yun. Di na ata ako kasya sa kama ko. Maliit na. Nalaglag tuloy ako. >___<" Aruyyy. Yung pwet ko namaga ata. Ang sakitttttt!!!!

"Haha. Ang sabihin mo malikot ka lang talaga matulog. O sya bumangon ka na jan at may bisita ako ipapakilala kita sa amiga ko. Magayos ka ha?"

"Opo ma." At ayun lumabas na si mama. Naku sino naman kaya yun? Amiga? Dami namang friends ni mama. Bat kaya di siya tumakbo nung eleksyon. Sa dami ng kakilala niya panigurado mananalo yun. Makaligo na nga muna. -___-

*BANG!!!!!!!!*

".............!!!!!!!!"

AYYYY TAPETE!!!!! >____< Lintek na panaginip yan! >______< nalaglag tuloy yung sabon! >____<

Anong connect nung panaginip sa sabon???? Ayun! Naalala ko lang ulit yung panaginip ko kanina, kasi nung humarap daw kaming dalawa sa pari bigla na lang may pumutok na baril tapos pag lingon ko sa tabi ko nakita ko na lang siyang nakadapa sa sahig at may dugong umaagos sa tabi niya. Grabe lang. Nakakatakot.

Teka nga...

Hindi kaya premonition yun???? May mamamatay kaya???? Kasi ganun yung setting e. Pero kasal yun e. Yun nga lang black & white ang theme, eh diba ganun din ang kulay pag may namatay???? Halaaaaaaaaaa. Kailangan ko itong ikwento sa mga bruhilda kong kaibigan para hindi to magkatotoo. Ganun daw yun e pera hindi magkatotoo yung panaginip dapat pinagsasabi.

Agad agad akong nagmadaling maligo para pumunta kila best kaylangan kong masabi to sa kanya. Dibaleng mabreak ko na ang record ko sa tagal ko sa banyo pag naliligo at kahit na hindi ako sanay na mabilis maligo. Go lang! Kelangan ko talaga makwento to.

"Maaaaaaaa!!! Alis po muna akoooo!!! Punta lang ako kila best!!! Urgent lang daw pooooo."

"T-teka anak!" Hindi ko na pinansin si mama. Nagmamadali ako e. Hindi na to makakapaghintay. Sorry mama!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His DESTINY MIRACLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon