Natasha
“Pabili.”
Nang may maulinigan akong boses ay napatayo ako. Sinilip ko ang bumibili at bahagyang natigilan nang mapansin na nakabalandra ang mabatong katawan ng isang Adonis.
Mga kaedaran siguro ito ng kuya ni Enchong.
“Oh, bagong tindera, pre? Ganda, a,” baling nito kay Archi na napatayo rin.
Sinamaan ko pa ito ng tingin nang tabigin niya ako palayo roon at siya ang humarap sa bumibili.
“Oo, bagong tindera ko ito rito,” sagot nito na ikinalaki ng butas ng ilong ko.
“Excuse me? I’m not your tindera kaya. Duh!”
Natawa ang bumibili at ngumiti sa akin.
“Ferdinand pala, Miss. Kabaro ni Archi,” pakilala nito na ikinatango ko kahit na wala naman akong pake. Lumapit ako sa butas ng tindahan pero humarang naman lalo ang talipandas sa harapan ko na ikinainis ko lalo.
“Ano ba iyo, Ferd? Kape pa rin ba?” kausap niya rito kaya naupo na lang ako pabalik sa upuan ko.
Humalukipkip ako at tahimik na naghintay kay Enchong. Kukutusan ko pa iyong talipandas na ’yon mamaya, e.
Isang oras siguro bago dumating ang hayop. May bitbit itong lechon manok at lumpiang shanghai. May ice cream din kaya nawala kahit papaano ang inis ko sa kanilang dalawa.
Uupo sana ako sa sofa nila. Kaya lang ay nang dumaan sa likod ko si Enchong ay dumali pa ito ng kurot sa tagiliran ko.
“Ay, yudipota!” bulalas ko at napatayo.
Hindi naman kalakasan, pero sapat na para makaramdam ako ng sakit.
Hinabol ko ito sa kusina nila at sumampa sa likod nito. Humigpit ang pagkakayapos ko sa leeg nito at gigil itong sinakal.
“Aray ko, Tasha!”
“Tingin mo sa akin, nagpapatalo?” nanggigigil kong tanong na ikinatawa nito habang nakangiwi.
“Ihanda mo na ang mga pinggan, Achilles. Tigilan n’yo na ’yan,” sita sa amin ng kapatid nito na nakasilip sa amin. Matalim ang mga tingin nito sa akin kaya naman bumaba ako sa likod ni Enchong at pasimpleng umirap.
Hinila ko na lang ang ex-classmate ko at nangialam sa ref nila.
“May boyfriend ka na, Tasha?” rinig kong tanong nito habang sinisilip kung ano ang makakain mula sa ref nila. May mga prutas doon at gulay. Hmm. Healthy ang mga pagkain.
Sa freezer naman nila ay puro mga yelo at ice candy.
Mga business-minded talaga ang mga tao rito. May malaking freezer pa sila kanina sa loob ng tindahan, e. Puro mga karne ang laman.
“Sino nakaisip ng negosyo ninyo?” usisa ko at isinara ang ref.
Naabutan ko ang lalaki na kumukuha ng mga pinggan at kutsara.
“Si Kuya Archi,” anito at bahagya akong nilingon para ngitian. Mukhang proud na proud talaga siya sa kuya niya. “Simula nang magkatrabaho siya, unti-unti niyang naipundar itong bahay at tindahan. Para naman may iba pa kaming mapagkukuhanan ng kita maliban sa sinasahod niya bilang Police Executive Master Sergeant. Kaya nga heto at nakakaluwag-luwag na rin kami. Naipaayos ko na rin noon pa ang ngipin ko. Tingnan mo, ’di na sungki-sungki.”
At ngumiti ito nang pagkalaki-laki para ipakita ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Natawa ako bigla dahil mukha itong ewan sa ginawa niya.
“Balik sa tanong ko kanina. May boyfriend ka na?”
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
General FictionMontehermoso Series 12 Natasha Heiress Marquez and Archimedes Arellano August 11, 2023 -