Natasha
I shook my head in disbelief. Mukhang pursigido ang isang ito. Mahirap sabihan na tumigil na. Pero alam kong titigil din ito sa susunod. Sa una lang ’yan. I know.
“Ewan ko sa iyo, Archimedes. Bitiwan mo na nga ako at pupunta pa ako sa lola ko,” sabi ko na lang at mabuti at binitiwan din ako nito.
“Samahan na kita.”
Tila nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi nito. “No! Akala ko ba nagkaintindihan na tayo kanina?” litong turan ko ngunit ngumiti lang ito nang makahulugan.
“Wala akong matandaan,” aniya lamang bago sumakay sa motor niya.
Napalunok na lang ako bago paandarin ang big bike. Pero shet, kahit sa kalsada ay nakabuntot ito.
’Di talaga siya tumitigil sa kahibangan niya!
Nasa kalagitnaan ng biyahe ay gumilid ako at huminto upang komprontahin na ito. Tumigil din naman ito sa likuran ko kaya nilingon ko ito at iniangat ang salamin ng helmet.
“Hey! Stop following me!”
Pero wala itong tugon. Ni wala ngang reaksiyon. Nagtatago lang sa helmet nito.
“Ano ba, Archimedes! ’Di ako nakikipagbiruan sa iyo, ha!” nauubusan ng pasensiya kong sigaw pero hindi man lang ito natinag. “Bumalik ka na nga sa trabaho mo at huwag mo akong tinatrabaho rito.”
“I just wanna make sure you’re safe,” aniya na ikinasalubong lalo ng mga kilay ko.
“Duh! I can handle myself.”
“I know, but please, just let me do what I want. Pinapangako ko na sasamahan lang kita, ’di kita guguluhin. You can pretend that I am not around, just don’t shoo me away,” mahinahong anito kaya naman bigla ay nakonsensiya ako.
Naawa ako bigla rito kasi parang kawawa ang boses. O baka nagpapaawa lang talaga siya para makonsensiya ako? Am I too harsh to him?
But . . . I don’t really like him. Ayoko siyang kasama. ’Yon ang totoo. At ayoko siyang paasahin na mayroon siyang chance sa akin.
Napahinga ako nang malalim at sumimangot. “K, fine. Basta ’di ka mangungulit o gagawa ng kalokohan, ha? At sana naman pagkatapos nito, hindi ka na magpapakita sa akin. Okay?”
Tumango naman ito pero mukhang pilit lang.
Bumalik ako sa big bike ko at pinaandar iyong muli. Sa isang pamilyar na lugar ang pinuntahan namin. Iyon ang dating bahay ni Mommy. At ngayon, si Lola Saniarah na lang ang nakatira roon. Wala na si Lolo, e. Matagal na rin mula nang bawiin siya sa amin due to sickness. Madalas naman si Lola kung dalawin nina Mommy at Daddy, pati na rin ng mga tito ko at si Tita Victoria. May kasambahay naman siya kaya may umaalalay sa kaniya.
“Lola! I’m here!” kalampag ko sa gate na lampas tao na. Pinataasan iyon noon para na rin sa seguridad. Pati ang bakod ay sementado na at mataas na rin.
“Oh, Natasha! Ikaw pala ’yan!”
Nilingon ko ang nagsalita mula sa likuran ko. Isang napadaang payat na babae ang nabungaran ko. May edad na ito at tanging sando at maiksing short lang ang suot. Litaw pa nga ang bra nito dahil medyo maluwag ang suot nitong sando.
“Hi, Mosang! How’s life?” ngiting bati ko rito. Ang dami nitong tattoo sa braso at binti. Mahilig din itong manigarilyo kahit palagi nang inuubo.
Lumapit ito sa amin at ngumiti, lalo na kay Archimedes.
“Eto, okay naman ang buhay. Sino pala itong kasama mo?” aniya sabay baling sa lalaki. Ang ganda ng pagkakangiti nito. “Manliligaw ka ba ni Natasha, Sir? Ako pala ’yong kaibigan ng nanay niya. Mosang pala, Sir. Welcome na welcome ka rito sa lugar namin.”
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
General FictionMontehermoso Series 12 Natasha Heiress Marquez and Archimedes Arellano August 11, 2023 -