Natasha
Ah, college life. Nakaka-stress masiyado.
Mabuti na lang at kahit stress ako, maganda pa rin. Glowing pa rin. Alagang derma at skin care, e.
“Tasha, may bago akong boyfriend. Look! Ang puge!”
Napahagikgik ako sa sinabi ni Beverly.
“Ay! Basketball player?” Naningkit ang mga mata ko pagkakita sa boyfriend kuno nito mula sa screen ng phone nito. Nang makilala iyon ay napaatras ako ng ulo at masamang tiningnan ito. “Babaero naman ’yan, Bevs. Ekis sa akin,” iling kong sambit sabay balik sa pagtanaw sa bintana ng classroom.
“’Di naman daw siya babaero, sabi niya sa akin kahapon. Mali lang daw ang pag-aakala sa kaniya ng schoolmates natin,” depensa nito na ikinahilot ko ng sentido.
Ayan na naman siya. Pipili ng red flag na lalaki tapos iiyak at magsusumbong sa akin kapag niloko. May pagka-slow kasi at uto-uto si Beverly. Akala niya, lahat ng lalaking ngingiti sa kaniya, e, crush siya.
“Hay, ewan. Bahala ka nga,” bagot kong tugon sabay sampa ng paa sa kinauupuan ni Josep. Sinadya kong sundutin ang puwet nito na ikinalingon nito mula sa pagdukdok sa armchair. “Ano? Palag ka?” maangas kong tanong habang kagat ang ibabang labi.
Umiling naman ito sabay balik sa pagkakadukdok.
“Nagyayaya siya ng date sa akin, Tasha. Kaso gusto ka niya na isama para raw mapanatag ako,” ani Bevs na ikinaalsa ng kilay ko.
“Fuck you,” mariin kong turan sabay cross arms. Nanlaki naman ang mga mata nito. “Tell him that.”
Ulol naman ’yong Bryan Tolentino na ’yon. Kaibigan ko pa ang dinali, a.
“Hala! Kaaway mo ’yon?” parang tangang tanong nito kaya napairap akong muli.
“Galit ako sa mga cheater, sa mga babaero, at higit sa lahat, sa mga malalanding hangal!”
Nabigla pa ito sa sigaw ko pero napanguso lang. Gets na nito agad iyon. Kahit naman friends kami, magkaiba pa rin talaga kami ng ganap sa buhay. Alam niyang allergic ako sa mga napapabalitang babaero sa campus. Mga feeling pogi pero mukha namang talampakan. Ang lalakas ng loob.
“Ay! May pinanghuhugutan ka nga pala! Hu-hu! Sorry, nakalimutan ko,” anito na ikinanguso ko. Makaraan ay napangiti ako rito sabay aya na mag-canteen muna.
Wala pa kaming instructor nang mga oras na iyon dahil may meeting sila. At dahil isang oras na lang at uwian na, gagala kami mamaya. Half day lang kami ngayon kaya tuwang-tuwa ako.
“Hey, Steph! Food trip sa canteen, g?” Silip ko sa katapat na classroom kaya naibaba ni Steph ang salaming hawak.
Napangisi ito at dali-daling iniligpit ang makeup kit niya.
“Naman! Wait n’yo ko!” sigaw nito bago nagmamadaling lumabas.
Kumapit pa ito sa braso namin ni Tina bago kami hinatak pababa.
Daming estudyante sa canteen para sa lunch nila at para tumambay na rin kaya nangasim ang mukha ko. Tss.
“Hey, may bagong tsismis, a,” panimula ko nang tumambay kami sa garden. Doon kasi ay may space pa, sa canteen ay ubusan ng table.
“Ano na naman ’yan, Tasha?” taas-kilay na tanong ni Steph.
Marahan akong napalunok at ikinalma ang mukha. Kanina pa nangangati ang dila ko na sabihin ito sa kanila.
Hanggang ngayon kasi, nasasaktan pa rin ako at naiinis.
I heaved a sigh and played with my fingers. “B-Buntis na pala si Quennie.”
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Fiction généraleMontehermoso Series 12 Natasha Heiress Marquez and Archimedes Arellano August 11, 2023 -