Natasha
AFTER class, magkakasama kaming naglakad. Steph and Beverly talk about how excited they are for our OJT. Excited din naman ako dahil ibig sabihin lang n’yon, magagamit ko na palagi ang aking Baby Harley. Yeah, that’s right!
Napangisi ako sa naisip.
“Oh, I have a date later, girls. Mauuna na lang ako sa inyo, ha,” paalam bigla ni Bevs na ikinalingon ko rito.
May parte sa akin na nag-aalala para sa pinsan lalo na’t babae siya. I know Bryan, nag-background check ako rito after what happened between us that night. Natatakot akong may mangyaring masama kay Beverly. She cannot defend herself the way I can. Siraulo talaga ang lalaking iyon.
Hindi nga rin mawala sa isip ko na baka pinagtatawanan lang siya ni Bryan sa kabaliwan niya sa lalaki. Hindi naman marunong magseryoso sa buhay ang pangit na ’yon, e. Pangkama lang ang gusto niyon.
Pero, knowing Beverly, magagalit lang ito sa akin kung pagsasabihan ko na naman siya tungkol sa lalaking iyon. Kung ano ang gusto niya, gagawin niya. Hihintayin niya pa na isampal pa sa kaniya ng tadhana na mali ang pagsama-sama niya sa lalaking iyon.
Buntonghininga ko itong pinigilan sa braso bago pa man ito makalayo.
“What? Na-miss mo ako agad? Ew.”
Binigyan ko lang ito ng mataray na tingin. “Huwag kang uuwi na malamig na, ha, Beverly. Huwag na huwag kang magtitiwala nang lubos sa boyfriend mo. Lumaban ka kung kinakailangan kapag ginawan ka ng masama ng hunyango na iyon,” seryoso kong paalala rito pero tingin niya ata jino-joke siya. Nakuha pang humagikgik.
“Okay, okay! Too serious, Natasha girl. Okay lang po ako, hmm? I trust Bryan na hindi siya gagawa ng masama sa akin. He’s very kind and gentle kaya sa akin,” natatawa pang turan nito na ikinabitiw ko sa braso nito.
Tiwalang-tiwala talaga siya sa lalaking iyon, huh?
Sinundan ko ito ng tingin nang sumakay ito sa kotse na pagmamay-ari ng pamilya niya.
“Parang nawala na sa katinuan si Beverly simula noong sumama-sama siya sa chakang lalaking iyon,” komento ng kasama ko na ikinatawa ko na lang nang mahina.
Hindi na ako nagkomento pa at hinayaan na lang iyon. Pinauna ko na si Steph dahil nariyan na rin ang sundo niya.
Nang maiwan ako mag-isa ay tumambay lang ako sandali sa gilid ng gate. Wala pa kasi si Archi pero parating na rin naman daw siya at malapit na. May inaasikaso kasing trabaho.
Buntong-hininga kong inilapag ang paperbag sa tabi bago humalukipkip.
“Natasha.”
Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa gilid ko pero ’di ako nag-abalang lumingon. Nagkunwari lang akong walang napansin.
“P’wede ba tayong mag-usap?”
Bagot akong bumuntong hininga bago sumagot. “No, I’m not interested.”
“Kahit limang minuto lang?”
“Kahit ilang minuto pa ’yan, ’di nga ako interesado makipag-usap sa iyo,” mataray kong baling dito na ikinabigla naman nito.
“Sorry, Tasha. Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga nagawa ko,” anito at bahagyang lumapit pa sa akin na ikinairita ko.
Noon, kada titingin ako rito, may kasama iyong pagmamahal. Pero ngayon, puro iritasyon na lang ang nararamdaman ko. I hate his presence na. Like, ew.
“No need, Ace. Huwag ka na lang lumapit sa akin, okay na sa akin iyon. Naiirita ako sa pagmumukha mo, okay? Tsupi!” Iminuwestra ko pa ang kamay para paalisin ito. Panira talaga ng araw ang pagmumukha nito.
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
General FictionMontehermoso Series 12 Natasha Heiress Marquez and Archimedes Arellano August 11, 2023 -