Kabanata 6

306 35 13
                                    

Natasha

Napaigtad ako. Tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makita ang sinabi nito, lalo na ang emoji nito na mga matang naghuhugis puso.

Langga?! What the hell? Ano ang pumasok sa kokote nito at tinawag akong langga?

Natulala ako sa harapan at napaisip bigla. What’s that for? Bakit biglang nag-iba ang pakikitungo nito? Kapag magkasama naman kami, parang gusto akong sakalin at patahimikin dahil sa sobrang sungit. Pero sa chat, ang bait niya. Ang totoo, may sanib ba ang isang iyon?

Nag-out ako bigla. Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa at baka atakihin na ako sa puso.

No, hindi ako nagpa-palpitate. Kinakabahan na talaga ako!

Bakit ganoon? Ang weird!

Umalis ako sa pagkakahiga at naisipang tumambay sa labas ng bahay. At dahil may nasumpungan akong pomelo sa itaas ng puno ay kinuha ko ang panungkit at sinungkit ang bunga.

Mga nasa tatlo rin ang kinuha ko bago kumuha ng kutsilyo sa kusina at saka bumalik sa labas ng bahay.

Ang tahimik ng bahay. Boring. Ano na kaya ang ginagawa nina Mommy at Daddy ngayon doon?

Gigil kong tinanggalan ng balat ng pomelo habang iniisip na ulo iyon ni Archimedes.

Pero sumagi bigla sa isip ko ’yong damit kong may tagos na naiwan sa bahay nito.

Oh, gosh!

Nasaksak ko bigla ang pomelo dahil nakaramdam ako ng matinding kahihiyan. Nai-imagine ko pa lang na kinukusot niya iyon ay nangingilabot na ako.

Geez. Kadiri. Kukuhanin ko pa ba iyon o ipasunog na lang?

Pinapak ko ang pomelo sa labas ng bahay habang tulala sa kawalan. Ilang oras din akong nakatambay roon para magmuni-muni.

Saka namang dating ng iba kong kuya na agad nilamukos ang pisngi ko na sobra kong ikina-high blood. Pinagpapalo ko ang mga kamay ng mga ito at binantaan gamit ang mga tingin.

“Oh, may nakaaway ka na naman ba? Mukhang badtrip ka, ah.”

Tiningnan ko si Kuya Zephyrus at mabagal na umiling. “Wala, Kuya.”

Napatango ito at marahang ginulo ang buhok ko bago pumasok sa bahay. Nanatili pa ako roon ng ilang saglit bago pumasok. Kaso lang, bago pa ako makarating sa kusina para sana mangalkal ng mangangatngat, ay nakita ko na ang dalawang masakit sa mata na dumating.

“Oh, hi, darling! Kumain ka na ng hapunan?”

Mukhang bati na ang dalawa. Ang ganda na ng ngiti ni Mommy, eh. Maaliwalas na rin ang mukha ng tatay kong mabait.

“Not yet, Mom,” sagot ko matapos mag-kiss sa mga ito sa pisngi.

“Ganoon ba. You should eat na, darling. May pupuntahan kasi kami ng Dad mo kaya wala na naman kami rito mamaya hanggang bukas.”

“Noted, Madam.” Sumaludo pa ako rito bago bumungisngis. Pero ang bungisngis na iyon ay napalitan ng gulat at excitement nang magsalita na ang daddy ko.

“Your Lola Diana and Lolo Gab are coming next week, Tasha. Kaya mag-behave ka muna mula ngayon, ha?”

“Oh, gosh!” I exclaimed. Lolo and Lola?!

Nagtatatalon ako sa tuwa dahil sa narinig at tumakbo paakyat sa kuwarto. Nasita pa ako ni Dad at baka raw madapa ako pero nginitian ko lang ito.

Masaya ako hanggang umaga niyon. Ginamit ko pa ang big bike ko papasok sa school dahil inspired na inspired talaga ako nang araw na iyon.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon