ALYSSON
Ilang oras pa kaming naghintay hanggang sa maubos na ng mga lalaki ang mga estudyante na nasa laboratory at nailipat na sa infirmary. Hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mga mata ng mga ito. Hindi pa naman sila patay, okay pa sila dahil may mga pulso pa sila.
Ilang beses din nagpabalik-balik ang mga lalaki para malabas lahat ng tao sa lab. Gusto ko na nga sila tulungan no'n ngunit pinigilan ako ni kuya Ky.
Naghintay din kami sa pagdating ng mga kalaban o ni Victor ngunit walang dumating na kahit na sino, hanggang sa matapos ang mga lalaki sa paglipat ng mga pasiyente ay walang dumating.
"Narito na sila," saad ni Kuya Ky.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya sa salitang, 'sila' ngunit hindi na lamang ako umimik pa dahil may tiwala naman ako sa kaniya. Kung may sabik na sabik na makalabas sa'min dito, marahil ay si kuya Ky iyon. Isipin niyo na lang kung ilang taon siya namalagi sa impyernong eskwelahan na 'to. Paniguradong araw-araw ay nasasabik siya na makalabas dito at masilayan ulit ang kagandahan ng kapaligiran sa labas.
Lumabas na kami ng infirmary. Akay-akay ni Justine si Commander sa kaniyang balikat habang papalabas kami. Ang mga estudyante na galing sa lab ay naiwan muna sa loob. Hahakbang na sana kami ng isa pang beses ngunit natigil kami nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog.
"Saan galing 'yon?" Tanong ni Sam.
Walang sumagot maging si kuya Ky. Imbes ay nauna siya sa paglakad upang silipin kung ano ang nangyari. Kumunot ang noo ko nang tinaas niya ang kaniyang kamay at kumaway sa malayo.
Kilala niya ba ang mga dumating?
Dahil sa curiosity ay sumunod ako kay kuya Ky. Tumabi ako sa kaniya at doon ko lang nakita kung kanino siya kumakaway.
May mga rescuer na dumating. Merong chopper sa kalangitan at meron ding anim na puti na Van. May tumigil na dalawang truck at kasunod no'n ay narinig ko ang tunog ng siren.
Hindi ko na napigilan pa ang pagluha. Ligtas na kami. Ligtas na talaga kami. Makalalabas na kami sa lintek na school na ito. Sa wakas... Sa wakas tapos na rin ang paghihirap namin.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa'kin ni kuya Ky.
He tapped my back and whispered, "It's alright. We're now fine. You survived, good job."
I sobbed, "I survived thanks to you, because you were always watching me. Damn it. Thank you, kuya Ky." I hugged him back and cried to his chest.
He chuckled, "Thank you, too."
I didn't ask what he meant by that. My mind was occupied with mixed emotions. All I wanted to do that time was to cry. And the next thing I knew was I was already on the van with my friends. I was sitting beside Commander. His head was leaning on the side window while his eyes were closed. I bit my lower lip before I decided to lean his head on my shoulder.
I patted his head gently. "Sleep well," I mumbled. I closed my eyes and took a deep breath.
We're now finally free.
I smiled at that thought. However, my eyes opened right away when I remembered that Victor hadn't died yet.
My heart beats rapidly. I don't want to think of a negative thought but... Damn it. I just hope no one of us will die.
Yeah... Hindi na kami mababawasan pa. Wala na kami sa eskwelahan na 'yon. Nakawala na kami, malaya na kami. Patay na si Rowena at Betty. Si Victor na lang ang natitira, hindi na niya kami mahahanap pa. Lahat ng taong nakalaya roon ay hindi na niya makikita pa... o baka iyon lamang ang inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
Shattered Illusions (TLS Book 2)
Mystery / ThrillerWARNING: DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T READ THE FIRST BOOK, WHICH IS "THERE'S NO WAY OUT." As the students of Ravenwood University (the lost school) finally manage to escape from their captors, they find themselves in a world of uncertainty. Is it...