ALYSSON
Natapos na kami sa paghuhugas ni Justune nang may tumawag sa pangalan ko sa likod namin. Sabay kami ni Justine napalingon doon.
"Let's talk," Noella uttered, crossing her arms over her chest.
Saglit kaming nagkatinginan ni Justine bago ako tumango kay Noella. Nang maglakad na si Noella ay nagpaalam ako kay Justine na mauuna na ako at sumunod na kay Noella.
May dapat ba kaming pag-usapan? Hindi ko alam.
Dinala kami ng aming mga paa sa library. Narito rin ang iba pa naming kasama na mukhang nawili sa pagbabasa. Pumunta kami sa pinakadulong shelf. May kinuha si Noella sa mataas na parte at inabot sa'kin ang librong iyon. Saglit akong napatitig sa libro bago iyon kinuha.
"It should be a secret between us." ika niya.
Kumunot naman ang noo ko sa pagtatakha. "Sa atin lang? Bakit?"
Pinaikutan niya ako ng mata at nagpamaywang. "Alam mo ba kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa mga kasama natin? Hindi 'di ba? Hindi ko rin alam ang nilalaman ng librong 'yan."
Napatingin muli ako sa libro. "Hindi mo pala alam ang laman, bakit mo pa binigay sa'kin? At secret pa nating dalawa?"
She sighed. "Puno ng codes ang likod ng libro. I'm sure na may importante ang librong 'yan. Malay mo, nariyan ang daan palabas."
Hindi ako sumagot at tinignan ang likod ng libro, napakunot ako nang hindi blurb ng libro ang bumungad sa'kin. Puro ito mga letters pero wala kang maiintindihan.
"See? Halatang may sikreto 'yang libro," ani Noella.
Hindi ako muling sumagot at siniyasat nang mabuti ang libro. I-o-open ko na sana ito nang mapansin na may lock pala siya. Lock na hindi de-susi. Walang butas ang ibaba ng padlock, wala rin kahit anong button para mabuksan iyon.
"Nasaan ang susi?" tanong ko, nakatutok pa rin sa libro.
"I don't know. Ikaw ang tinawag ko dahil ikaw ang sumunod na matalino kay Commander, isa pa, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko." tugon niya.
Inangat ko ang aking ulo para tignan siya. "Ako lang ang pinagkakatiwalaan mo?"
She nodded, crossing her arms over her chest. "Hindi ko alam pero may feeling ako na pagkatiwalaan ka. I know you might think I should trust my group—the Ocean's Eleven—but I have this gut feeling that I should give you the book and keep it a secret from the others."
"Should I... thank you?" awkward kong tanong since hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.
"Decode that. Don't talk to me unless you decode it," sabi niya saka naglakad paalis.
Umupo ako sa lapag at tinignan nang mabuti ang libro. Halatang luma na ito dahil kupas na ang front cover. Habang ang back cover naman... Huh? Bakit parang mas malinaw pa ang back cover kaysa sa front? Hindi na halos makita ang display sa harap dahil nangupas na, pero sa likod ay kitang-kita pa rin ang mga letters doon.
Code kaya talaga ito? O pinagtripan lang ang likod?
"Szev blf vevi vckvirvmxvw orermt rm hfxs z hxsllo dsviv blf ziv uivv gl proo gsv kvlkov zilfmw blf, zmw gsv lmob dzb gl hfierev rh yb proormt? R lmxv orevw gsviv gll, hl r xivzgvw gsrh yllp gl svok blf."
This is what written in the back. Can you understand it? Hindi 'di ba? Ako rin. Sigh.
Nakatitig lamang ako ro'n. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakaupo habang nakatitig sa mga letra sa likod ng libro na hawak ko. Isa lang ang alam ko, hindi ko na mapipiga ang utak ko para i-decode ang mga letrang 'to.
BINABASA MO ANG
Shattered Illusions (TLS Book 2)
غموض / إثارةWARNING: DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T READ THE FIRST BOOK, WHICH IS "THERE'S NO WAY OUT." As the students of Ravenwood University (the lost school) finally manage to escape from their captors, they find themselves in a world of uncertainty. Is it...