Chapter 25

2 0 0
                                    

ALYSSON

"Miss Hermossa!" Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

Pagtapos ng ilang segundo ay humiwalay siya. Nang humiwalay siya sa 'kin, doon ko lang napansin ang itsura niya. Marumi ang kaniyang mukha, magulo ang buhok, at sira-sira rin ang pulang dress na suot niya.

"Ayos ka lang po ba?" tanong ko, nakatingin pa rin sa mukha niya.

Umiling siya tapos ay naiyak na naman. "Hindi ko alam kung anong nangyari. B-Bigla na lang sumabog 'yong eskwelahan tapos... tapos kung saan-saan na ako nakapunta para lang hanapin 'yong daan palabas."

"Tara po, sumama ka sa 'min. Hinahanap din po namin 'yong daan na 'yon. Mas mabuti po kung magkakasama tayo para mapanatili na ligtas lahat." Hinawakan ko ang likod ni Miss para alalayan siya sa paglakad.

Tumango siya. "Salamat, Alysson... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagpapasalamat ako dahil nakita kita, kung hindi, baka mabaliw na ako."

Ngumiti ako. "Mabuti nga po at nagkita tayo."

Pagbalik ko sa pwesto kasama si Miss Hermossa, kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasama ko lalong-lalo na sina Gab at Kristoff. Hindi siguro nila inaasahan na makikita nila ulit si Miss Hermossa.

"Miss... Hermossa?" nag-aalangan na sambit ni Sam sa pangalan ng kasama ko.

Nakangiti akong tumango. "Oo, Sam. Nakita ko siya ro'n sa pinag-ihian ko."

"Okay ka lang ba, Miss?" tanong ni Commander saka lumapit sa 'min.

Naluluha namang tumango si Miss. "Ayos na ako dahil may mga kasama na ako."

"Anong nangyari sa 'yo, Miss? Bakit mag-isa ka lang?" tanong ni Ice.

Kinagat ni Miss ang ibaba niyang labi bago sumagot. "Hindi ko na rin alam. Basta simula no'ng sumabog 'yong eskwelahan, mag-isa lang ako. Mag-isa lang din akong naghahanap ng daan palabas."

"Hindi ka ba nanatili sa school, Miss?" tanong ni Yael. "Naro'n kasi kami, hindi ka nag-ikot?"

Umiling si Miss. "Hindi. Hindi ko na nga alam kung paano ba ako napadpad sa lugar na 'to, basta lakad lang ako nang lakad."

"Saan ka kumukuha ng pagkain at inumin?" tanong ni Toffy.

Tumango naman si Zsaris. "Oo nga, kasi kung wala kang pinagkukunan ng mga 'yon, patay ka na ngayon."

"Hey," saway ni Sassy.

"Totoo naman ang sinabi ni Zsaris," ani Commander. "Would you mind answering that question?"

Ano bang mayro'n sa mga taong 'to? Ang kailangan ni Miss Hermossa ngayon ay pahinga, hindi 'yong mga tanong na binabato nila sa kaniya.

Nang hindi sumagot si Miss, ako na ang nagsalita. "Tama na 'yan, kailangan ni Miss magpahinga."

"Kailangan niya rin sagutin ang tanong namin, Alys," ani Zsaris.

"Pagod siya. Hindi mo ba narinig? Mag-isa lang siya simula no'ng sumabog ang eskwelahan tapos babatuhin niyo siya ng kung anu-anong tanong. She needs rest," tugon ko.

"Hindi mo ba ma-gets, Alysson? Tinatanong nila siya para matiyak na wala siyang pakay na masama," sabat ni Noella.

Napa-ismid ako. "Kung hindi niyo nalalaman, si Miss Hermossa ang tumulong sa 'min no'ng mga panahon na kailangan namin ng tulong. Siya 'yong nilapitan namin para i-check ang kalagayan nina Gab at Kristoff."

"Tama si Alys. Hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ngayon ni Miss? Look at her face and dress," ani Sam.

Umikot ang mga mata ni Sassy. "Hindi rin naman siguro lingid sa kaalaman niyo na wala na tayong mapagkakatiwalaan ngayon. Kaya tayo nababawasan dahil ang bilis niyong magtiwala."

Shattered Illusions (TLS Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon