ANGELA
[During the incident]As I ventured deeper into the heart of the forest, the towering trees closed in around me like ancient sentinels guarding their secrets. Their branches stretched out overhead. The rustling of leaves, accompanied by a gentle breeze, formed a haunting melody that seemed to resonate with the very soul of this enigmatic place.
Questions swirled in my mind like the mist that occasionally rose from the forest floor. Paano ako napunta sa mapanganib na lugar na ito, at bakit hindi ko na maalala kung paano? Kahit isang memorya lamang sa'king pagkabata ay wala.
Hindi ko na nga alam kung sino ang mga magulang ko, kaya kahit makalabas pa ako sa mala-impyernong gubat na 'to, wala akong bahay na tutuluyan. 'Di ko alam kung para saan pa 'tong pagtakas ko kung wala rin naman akong pupuntahan kapag nakalabas kami rito.
Ang rason kung bakit pa ako buhay hanggang ngayon ay ang kaibigan kong si Sophia at si Commander.
While walking, an unsettling sensation washed over me— the feeling that I was not alone. A creeping sense of being watched, of unseen eyes following my every move, sent shivers down my spine. Binilisan ko ang lakad ko, mas bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang na aking ginagawa, at tila tumutugon ang kagubatan, lalong naging maupara ang mga bulong nito.
Para bang ang mismong mga puno ang nagsisikap na makipag-usap sa akin, na nagbabala sa akin na may sumusunod sa'kin kahit na hindi ko nakikita. Gayunpaman, hindi ako nangahas na lumingon; sa halip, tumutok ako sa landas sa unahan, umaasang mahahanap ko ang daan pabalik sa aming campsite kung saan ako magiging ligtas.
Bawat hakbang na ginagawa ko ay mas lumakas pa lalo ang kabog ng aking dibdib. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para hindi ako maabutan ng kung sino man itong sumusunod sa'kin.
Hindi ko alam kung may sumusunod ba talaga sa'kin o mga hayop lamang ang gumagawa ng ingay sa paligid. Gayunpaman, minabuti ko na bilisan na lamang ang paglalakad.
Nakasanayan ko na makipaglaban dahil nasanay na ako sa mapaghamong kapaligiran ng Ravenwood University. Kung tutuusin, parang do'n na nga ako lumaki dahil nga sa wala akong maalala sa buhay ko sa labas ng eskwelahan.
Sanay man sa pakikipaglaban, ang ideya ng pagharap sa taong bumubuntot sa akin sa partikular na sitwasyong ito ay nagpapadala ng panginginig sa aking buong katawan.
It's not just fear, it's the genuine concern of meeting my end in these ominous surroundings.
Alam kong bibigyan ako ni Sophia ng mahabang pangaral kung hindi ako makakabalik nang ligtas, at higit pa doon, may matinding pagnanais sa loob ko na makasama si Commander hanggang sa mahanap namin ang aming daan palabas sa lugar na ito. Hindi ako p'wede sumuko, hindi ako p'wedeng mamatay dito nang hindi nakikitang muli si Commander.
"Damn, I missed him," bulong ko sa sarili kahit na abot-abot na sa kaba ang aking dibdib.
The forest around me seems to close in, its dense foliage casting eerie shadows that dance in the dim light filtering through the ancient trees. Ang bawat hakbang ko ay umaalingawngaw sa sahig ng kagubatan, ang tunog na ginagawa ng katahimikan na bumabalot sa akin.
Habang maingat akong naglalakad sa dilim, naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga dahon sa likuran ko, na nagpapatunay sa aking hinala na may sumusunod sa akin o kung ano.
Bakit hindi na lang agad magpakita sa'kin? Bakit kailangan pang bumuntot sa'kin at pakabahin ng ganito ang dibdib ko?
Nang matanaw ko na ang mga tent namin mula sa puwesto ko ay nakahinga ako ng maluwag, ngunit nawala rin agad iyon nang marinig ko ang mabilis na yapak ng kanina pa na sumusunod sa'kin. Dinig ko ang bawat hakbang na ginagawa niya dahil sa mga dahon na nagkalat sa lupa.
BINABASA MO ANG
Shattered Illusions (TLS Book 2)
Mystery / ThrillerWARNING: DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T READ THE FIRST BOOK, WHICH IS "THERE'S NO WAY OUT." As the students of Ravenwood University (the lost school) finally manage to escape from their captors, they find themselves in a world of uncertainty. Is it...